"Ang ganda naman dito sa place niyo Martina" manghang mangha si Tyra habang nakasakay kami sa tricycle,hindi niya alam kung saan ibabaling ang ulo. Naroon ang ituturo niya ang malalagong pananim sa kanan sabay papalakpak sa'twing makakakita ng kalabaw at baka
"Mmm marami pa niyan pero lagpas na sa amin 'yon. Nextime mamamasyal tayo" nakangiti kong sabi,nagningning naman ang mga mata niya at parang naexcite bigla "Manong dito na lang po" inabot ko na ang bayad saka ko binitbit ang gamit ko at pumasok sa loob ng bahay namin
"Mmy,Dad! Nandito na po kami" lumabas si mommy mula sa kusina habang si daddy naman ay pumasok mula sa likod bahay
"Narito na pala ang unica hija natin mahal" natawa naman ako dahil naglalambing na naman si Daddy
"Kasama ko po sila Krazielle" inilapag ko na ang gamit ko sa sofa na malapit sa akin. Sakto namang pumasok na sila Krazielle kasama ang dalawa
"Hoy Marti—Hi tita,tito!" Napakaingay na naman ni Krazielle. Nakipagbeso siya kila mommy at daddy
"Antagal na mula noong huli kang pumunta dito ah. Nasaan na si Eidren? Teka ito na ba ang nobyo mong hindi ko pa nakikilala?" Pinamulahan naman ng mukha si Krazielle saka nahihiyang tumango
"Magandang araw ho, Jazon po" nakipagkamay si mommy at daddy sa kaniya. Sakto ring pumasok na ang seryosong si Eidren. Salubong ang kilay at gumagalaw ang mga panga. Nakalingkis naman sa braso niya ang ngiting ngiti na si Tyra
Naglaho ang seryoso nitong awra nang tuluyan ng makapasok sa bahay
"Tito!Tita!" Nagyakap sila
"Nako Eidren napakatagal na mula noong huli kang napadpad dito!" Makikita ang galak sa mukha ni Daddy. Noon pa lang kasi ay magkasundong magkasundo na sila dahil kahit kailan hindi sila sumuko ni Krazielle na mapansin ko at makaahon uli
Nako daddy, 'yang binatilyo mo sinaktan ang prinsesa mo!
Nakangiwi akong tumingin sa kanila. Nahagip ng mata ko ang nanlilisik ngunit palihim na tingin ni Tyra
"Opo nga po eh. Dibale,nandito naman na po uli kami"
"Aba eh kayo ba ni Ellie ay magkasintahan na? Nako kailangan mo munang hingin ang kamay sa'kin niyan ah hahaha" nanlamig ako sa biro ni daddy. Nang lingunin ko si Eidren ay napaka awkward ng ngiti nito habang galak na galak at abot langit ang ngiti ni Daddy. Masama naman ang tingin ni Tyra kay Eidren
"Nako mahal ano ka ba! H'wag mo nga silang pinapangunahan! Mahiya ka naman sa ate ni Eidren" kunot noo akong tumingin kay mommy at parang gusto kong maluha sa tawa nang mapagtanto na ang tinutukoy niya ay si Tyra
"Uh—Excuse me?" Nakangiti ngunit halata ang pagpipigil ni Tyra
Bago pa mag-init ang ulo ni Tyra ay humarang na ako sa gitna nilang lahat "Ah..Mmy,Dad,si Tyra ho" umusog ako ng kaunti para ipakita si Tyra na matamis na ngumiti at tinabig ako
"Yes. Thank you for introducing me Martina,I thought makakalimutan mo dahil sa biro ng daddy mo. Anyway, I am Tyra Nuer—Eidren's fiancé"
Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Krazielle at ang palihim na saway sa kaniya ni Jazon. Nang lingunin ko naman ang mga magulang ko ay halos nakanganga na ito sa gulat. Si Eidren naman ay hindi ko na pinagka abalahang tignan
"A-ahh..Pahinga muna kayo?" Naiilang na ngumiti si Mommy sa kanila habang nagsorry naman si Daddy kay Tyra at Eidren
"Nako okay lang ho" kamot ulong sambit ni Eidren
"Mayroong two extra rooms. Magkakasama ang girls at sa kabilang kwarto naman ang girls. Nandito naman sa may baba ang comfort room. Meron din kayo sarili sa room niyo" Nagsiakyat na kami pagkatapos. Since magkakasama kami ni Krazielle at Tyra ay kailangang pakisamahan ko muna si Tyra ng maayos
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomanceLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.