23

24 1 0
                                    

"CONGRATULATIONS! Napakasuccesful ng play!" proud na proud pa na sabi ni Mam Cabral. Nagsigawan at nagpalakpakan ang bawat cast ng musical play. Halos maiyak naman sila Leah, Maya, at iba pang parte ng production team dahil nagbunga ang dalawang buwang hirap nila sa pag-oorganize ng play. Nagyakapan naman ang mga cast at production team, pati na ang mga teachers in charge.

"Of course, hindi succesful ang play kung hindi dahil kay Mr. Neo Soriano and Ms. Sabrina De Guzman! Let's give them a big hand!" proud na proud pa na sabi ni Sir Bembol, nagpalakpakan naman ng bongga ang mga cast at production team.

"Grabe ang galing mo Sab!"

"Crush na ata kita Sab! Ay hindi, mahal na ata kita!" natawa ang lahat sa sinabi ni Gringo.

"Ang ganda ng boses mo Sab!"

"Ampogi mo Neo!"

"Grabe nakakakilig yung boses mo Neo!"

"Neo picture tayo mamaya!"

"A-ah, s-sige hehehehe." awkward pa na tawa ni Neo. Nagtilian pa ang mga gurls sa pagpayag ni Neo.

"Grabe! Ang lakas ng chemistry nyong dalawa! Ala Kathniel!" kinikilig na sabi ni Leah.

"Tru ka jan! Grabe tawang tawa ako kay Chloe kanina, pinaghahampas nya sa banner yung friend mo Sab sa sobrang kilig!" nagtawanan naman ang lahat sa kwento ni Maya.

"Pwede na nga sila mag-artista eh! Audition na kayo sa PBB!" suggest pa ni Erika, isa sa lead cast.

"Thank you for all the hardwork students! Salamat din sa pakiki-cooperate, at hindi pagiging late sa rehearsals. Our musical play won't be succesful without your hard work guys. I'm so proud of you all." halos maluha naman ang lahat sa tinuran ni Mam Peñaflor. Pati rin ako, syempre ngayon lang din ako nasabihan na proud sila sa nagawa ko kahit na pangkalahatan pa yun.

"Mam naman! Wag nyo naman po kami paiyakin!" naluluha na talagang sabi ni Maya na hindi na napigilan ang sarili at napayakap na kay Leah.

"Sobrang proud lang talaga ako." nagpupunas na rin ng luha si Mam Cabral. "I've never seen a succesful musical play like this before. Everyone did good." sabi pa nito.

"Oh Sab! Ikaw naman speech naman jan!" untag pa ni Leah sa akin.

"A-ano, ah, thank you hehe! Kasi, pinagkatiwala nyo sa akin yung lead role, tsaka ano, ginuide nyo ako, sa acting and singing. Success natin tong lahat dahil naghardwork tayo." nginitian ko naman sila at nagpalakpakan sila ng bongga.

"Oh Neo ikaw naman!" untag pa ni Leah kay Neo. Nagtilian naman ang mga gurls.

"Uhm, I just want to say, congratulations to all of us. Thank you for all the teachers in charge, production team, directors, scriptwriters, producers, everyone who participated, thank you." sabi pa ni Neo, nagpalakpakan naman ng bongga ang mga cast at production team.

"And of course I want to thank you, S-sab." nag-iritan sa kilig ang mga tao.

"Yieee!"

"OMG!"

"Kakilig!"

"Putangina shet! Ay sorry po Mam!" napayuko pa si Erika nung tignan sya nila Mam at tinaasan ng kilay.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. "Our tandem made this play more special. Thank you for cooperating with m-me." sabi nya yun ng nakayuko. Lalo pang lumakas ang iritan ng mga tao dahil sa kilig. Nginitian kami ng mga teacher in charge.

Matapos magpasalamatan ang lahat ay isa isa ng nagsialisan ang iba, hinihintay ako nila mama sa may stage banda. Inayos ko pa muna lahat ng gamit ko bago pumunta ng cr at magtanggal ng make up. Hindi ako kumportable mag-make up, ang init sa mukha. At dahil mukha na akong pawis na espasol, pumunta na ako ng washroom, naghilamos na ako kaagad at ginamit ang make up remover na hiniram ko kay Chloe.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon