•Evergreen Forest
Bruja VillageTulad ni Tiara, isinumpa din ako. Pero ang sa akin ay natural curse, ibig sabihin, nanggaling sa mobs bilang nerf. Masyado akong naging imba noon kaya nilimitahan ng system ang kaya kong gawin.
Ang unang sumpa ay galing kay Wizz, ang sorcerer alpha ng Worgen Brothers. Bago ko siya mapatay sa kasagsagan ng server quest, nakapagbitaw na siya ng cursed magic sa akin. Nawalan ako ng mana na dumadaloy sa aking katawan. Isang mabigat na sumpa lalo na't mana ang nagsisilbing enerhiya para sa mga magic users.
Dahil sa wala akong mana, hindi ako makagamit ng skills na may magic damage. Naconvert sa SP consumption ang physical skills ko kaya kahit papaano nakakasabay ako sa pakikipaglaban. Isa din sa naging sandigan ko ang sandatang enhanced ng mahika para sa basic attacks.
Ang sumpa ni Wizz ay nacounter ng sumpa ni Coolam, isa sa witch sisters ng Evergreen. Naccess ko uli ang magic subalit sa itim na mahika lamang. Nagkaroon ako ng full resistance dito pero low resistance sa holy magic.
Nagstack ang dalawang curse. Wala akong mana pero nakakagamit ako ng itim na mahika na may magic damage.
"Tuloy po kayo Ginoong Valk." Iginiya ako ng tagasilbi sa silid ng village chief dito sa Bruja Village.
Sa paghawi ko ng kurtinang pinto, tumambad sa akin ang magic circle na nakaguhit sa lapag. Napapalibutan ito ng apat na kandila na siyang nagiging tanglaw sa buong kuwarto.
Nadatnan ko ang chief na nakatayo sa tapat ng bookshelf. Seryoso siyang nagbabasa ng libro kasabay ang paulit-ulit na pagtango.
"Chief Jabru," wika ko sa kaniyang pangalan. Nanatili ako sa tapat ng pinto
Isinarado niya ang libro at ibinalik sa shelf. "Anong lahi ng itim na espiritu ang nagdala sa bayani ng munti naming nayon?!" pagbibiro niya bago umupo sa lapag—sa tapat ng magic circle.
Napatawa ako ng mahina. "May nais lang akong itanong Chief Jabru." saad ko sabay upo sa kanang bahagi ng magic circle.
"Tungkol ba iyan sa sumpa ng isang lason? May nakapagtanong na din niyan sa akin nung isang araw."
"Maari bang malaman ang isinagot n'yo?"
"Dahil hindi katiwa-tiwala ang kanilang mukha, wala akong ibinigay na sagot."
Tama ang hinala ko. Hindi basta-basta nagbibigay ng impormasyon ang mga NPC. Nakabatay sa Affinity ang ilalabas nilang detalye. Dahil sa paglilitas ko sa kanilang nayon, kasama sa reward ang buong tiwala nila. Ibig sabihin, makakakuha ako ng impomasyon tungkol sa sumpa ni Tiara.
"Kung gano'n may nalalam—"
"Tanging ang gumawa ng lason ang makakapagbigay lunas, iyan ang katangian ng mga Hunter Class. Wala kang mahahanap na gamot sa kontinenteng ito, pero sa ibang kontinente, hindi ako nakakasiguro."
Walang gamot sa Evergreen? Ang kontinente ng mga halaman at bulaklak? Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin posibleng sa Terentia o 'di kaya'y sa Coral Cay Kingdoms pa ito mahanap. Posible din sa ikaapat na mapa at sa Floating Islands. Wala kaming sapat na oras para magadventure. Bukas na ang laban ni Tiara!
"Kahit sa Elven Kingdom?"
"Oo. Kahit sa kaharian ng Elven wala kang mahahanap. Kahit kaming mga white witch walang kakayahan magpagaling ng sumpa na lason."
"May alam po ba kayong solusyon?"
Tumayo siya at lumapit sa shelf. Kumuha siya ng isang aklat at muling naupo sa lapag. Tinignan niya ako ng seryoso.
"Kung hindi mapapagaling ang sumpa, tatlong bagay ang puwedeng maging solusyon," binuklat niya ang libro at binasa ang nilalaman nito. "Una, bawasan ang patuloy na pinasala ng sumpa."
Patuloy na pinsala? Ibig sabihin bawasan ang DPS. Mukhang imposible. Fixed na 15 minutes matapos gumamit ng dahas, mamamatay si Tiara. Kung mababawasan man ang DPS ng lason, magkakaroon siya ng tyansa na manalo kung matatapos niya ng mabilis ang laban. Pero sa huli, kahit na manalo, mamatay pa din siya at hindi iyon maiiwasan. Kagaya na lamang nang nangyari matapos nilang maglaban ni Kaila.
Tiyak, pagdudusahan na naman niya ang penalty.
"Pangalawa, sapilitang kunin ang lunas sa nagbigay ng sumpa."
Posible pero mahirap gawin. Sa mga oras na ito siguradong nagsasanay ang DMC Telecom. Hindi kami makakalapit kahit na Thief class pa ang magnakaw. Kung papasok naman kami sa SK server para i-PK sya, baka paginitan lang kami ng players ng SK. Malaking problema pag nagkataon.
Muli siyang nagbuklat sa pahina ng aklat. "Ang pangatlo at ang panghuli. Pabagalin ang takbo ng oras sa katawan ng isinumpa."
Bigla akong kinilabutan. "Ano po ang ibig sabihin ninyo sa panghuli?"
"Kung walang lunas sa sumpa, ang pabagalin ang oras ay isang epektibong paraan. Magiging mabagal ang pagkalat ng lason, ngunit maapektuhan din nito ang oras sa paggamit ng talento at kakayahan ng isinumpa."
Ilang segundo ang limipas bago pumroseso sa utak ko ang sinabi ni Chief Jabru. Kung pababagalin ang oras sa katawan ni Tiara, hindi agad kakalat ang sumpa. Pero kapalit nito ay mas matagal na CD ng kaniyang skills.
Ito na siguro ang pinakaepektibong gawin. Pero teka, may kailangan muna akong siguraduhin.
"Chief Jabru, posible po bang gawin magkasabay ang una at ikatlong paraan?"
Tumango siya. "Posible."
Napangiti ako sa isinagot niya. "Kung gano'n Chief, maari ko bang malaman kung paano?"
•Terentia Continent
Dustorn DesertAyon sa village chief, purong dugo ng isang makapangyarihang undead ang makakapagpabagal sa DPS ng lason. Natuwa ako nang malaman nito.
Kaya siguro hindi umepekto ang potion na ininom ni Tiara dahil hindi ito pure blood! Sinabi din sa akin ng chief na may sumpa din ang dugo ng mga undead. Kapag hindi ipinapurify bago inumin, magiging instant kill ito. Alam na siguro ito ni Benjs na delikado ang pure blood ng undead kaya naglagay niya ng ibat't-ibang sangkap sa potion. Pero hindi niya alam na purification ang kailangan.
Mabilis kong kinontak Sid at sinabi sa kaniya na kumuha uli ng purong dugo. Pero ngayong pagkakataon, yung mas malakas na sa undead boss. Walang iba kundi sa Undead King.
Hindi ko muna ito sinabi kina Levi at Tiara. Gusto ko silang surpresahin. Tiyak akong mababawasan ang alalahanin ng team kung mapapagaling namin si Tiara. Hindi man totally cured, at least, nabawasan namin ang epekto nito sa kaniya.
Inilagay ko ang aking kanang kamay sa batong entrada ng tomb. "Tumulum antiquae intrem... E-ehhgo? Ga?"
Ano nga uli sunod? Pota. Ang hina ko talaga sa chanting skill.
Binasa ko uli ang papel na ibinigay sa akin ni chief. Isa itong chanting skill na makapagbubukas sa selyadong tomb. Kung saan nakatago ang puso ng makapangyarihang witch.
━━━━━━━༺༻━━━━━━━
ᛏᚢᛗᚢᛚᚢᛗ᛫ᚨᚾᛏᛁᚲᚢᛇ᛫ᛁᚾᛏᚱᛖᛗ.᛫ᛖᚷᛟ᛫ᚨᚢᛏᛖᛗ᛫ᚠᛁᛚᛁᛁ᛫ᛖᚲᛊᛁᛏᛁᚢᛗ.᛫
Tumulum antiquae intrem. Ego autem filii exitium.
━━━━━━━༺༻━━━━━━━
Mababa ang aking Linguistic ability. Iisa pa lang ang nakakabisado kong dark magic chant kaya mababa pa ang rate nito. Kung mataas-taas lang, marahil makakabasa na din ako ng ancient runic characters. At maiintindahan ko na din ang mga salitang ito.
"Tumulum antiquae intrem. Ego autem filii exitium. Tumulum antiquae Intrem. Ego autem filii exitium. Okay. Mukhang kabisado ko na."
Muli kong inilagay ang aking kanang kamay. "Tumulum antiquae intrem. Ego autem filii exitium!"
Napalayo ako nang makaramdam ako ng mahinang paglindol. Nagumpisa na ding umilaw ang labyrinth patterns na nakaukit sa pintuan ng tomb. Matapos ang ilang segundo, tuluyan na itong bumukas.
Ito na ang Sphinx Tomb.
...
Sphinx Tomb Central Chamber on media