Lumipas na ang oras at lunchbreak na namin. Tumayo na kami ni Frea para pumumta sa canteen. Napatingin uli ako kay Sage nakaupo siya sa desk niya habang nagkwekwentuhan sila ng tatlo niya pang kaibigan na sina Kiel, Adrian at Martin.
Napansin niya atang tinititigan ko siya kaya umiwas ako ng tingin. Nakakahiya! Baka isipin nun ang weirdo ko. Bakit kasi ang gwapo niya at Hindi ako makapaniwala na classmate ko siya.
Bumaba na kami ni Frea para kumain . Nagorder nako ng lunch ko at kinuha ang plate ko ng matapos. Saktong papalakad nako nakita ko si Sage na papunta sa gawi ko. Nakatingin din siya sa akin.
Hala. Lumalapit siya sa akin. Ano gagawin ko?? Kakausapin niya ba ako? Ayos mukha Summer wag ka papahalata na kinakabahan ka. Ayan na papalapit na siya. Ngingite ba ko?? Pero bat ang seryoso naman ng mukha niya habang nakatingin sakin.
Nang malapit na siya sa akin nilipat niya ang tingin niya sa iba at nilagpasan ako para bumili ng pagkain niya.
What the Hell? Akala ko ako ang pinupuntahan niya nagorder lang pala siya. Buti na lang hindi ako ngumiti kundi mas lalong nakakahiya iyon.
Hindi niya ba ako naa-alala? Ugh... umasa ako para akong tanga.Natawa na lang ako sa inisip ko tsaka naglakad na papunta sa table namin ni Frea.
Nakita ko yung table nila Sage pati yung mga kaibigan niya nasa harap lang namin.
Hindi ko maiwasan tignan siya kasi iniisip ko ang nangyari kanina.
"Uy Summer! Kanina kapa tingin ng tingin sa likod ko ah. Sino bang tinitignan mo sa kabilang table?" Napapansin pala ni Frea ang pagsulyap ko kay Sage. Napalingon siya.
"Ikaw ah yung mga classmate pala natin tinitignan mo. May crush ka siguro diyan" pagaasar niya sakin habang nakangiti siyang nagsasalita.
"Ha? Hindi ah" depensa ko. Hindi naman naniwala si Frea sa akin.
"Sino ba sakanila diyan? parang si Sage Lexus yung crush mo napansin kita kanina nakatingin ka sakanya sa room eh. Ayieee ikaw ah" bulong niya habang kinikilig.
Crush ko ba si Sage kaya lagi ko siyang iiniisip? Nagsimula lang naman ito dahil sa kabaitan niya kahapon nang pinahiram niya ako ng hoodie. Gwapo rin kasi siya kaya napapatingin ako sa kanya. Marami din sigurong babae ang nagkakagusto sakanya. Haayys wala akong pag-asa.
Kakausapin ko siguro siya mamaya para maibalik ko yung hoodie niya. Kung kailan hindi niya kasama ang mga tropa niya dun ko sya lalapitan.
Bumalik na kami ni Frea sa room pagkatapos namin kumain.
BINABASA MO ANG
My Crush Who Doesn't Like Me Back
Teen FictionLife is so unfair. Why do we like someone who doesn't likes us back and we have no chance with. It hurts. That's why they call them crushes. If they were easy they'd call them something else.