Chapter 47: The Peak

263 14 1
                                    

——————————————
CHAPTER 47

JEYLON'S POV

Na-late ako ng 30 minutes sa pag-sundo kay Aldi dahil nasira ang gulong ko at kailangan ko pang ipaayos.

When I went to his classroom ay wala ng tao. Kaya tinungo ko ang Faculty at nakita ko si Ricardo, 'yung kaibigan ni Aldi.

"Jeylon" tawag niya sa'kin nang nakita niya ako. "I thought nasundo muna si Aldi. Naka time out na siya sa biometrics kanina lang"

"Hindi eh. Pinuntahan kona ang classroom na pinakahuli niyang klase pero hindi ko siya nakita," I said.

"Nako sa'n naman kaya 'yung baklitang 'yun." Napakamot pa siya sa kanyang ulo.

My phone suddenly ring kaya agad kong chineck kung kanino galing ang message.

Baby Aldi
Kasama ko ngayon si Aldi Pare. Don't worry mag-uusap lang kami.

Hindi siya nagpakilala pero alam ko kung sino ito. Magkasama pala sila ni Gabriel ngayon.

Nakaramdam ako ng selos pero pinipigilan ko ito dahil baka mag-uusap lang sila for closure. Para narin maging malaya na sila sa isa't isa.

- - -

GAB'S POV

"Na-text kona si Jeylon," saad ko.

Sinabi niya kasi sa'kin kung pwede ko daw bang ma-text si Jeylon kasi nakalimutan niyang may sundo siya. Agad naman akong tumalima dahil baka mag-alala sila at hanapin pa nila si Aldi.

"Salamat Gab ko," sabi niya habang nakatitig sa akin.

Kinilig ako dahil muli niya akong tinawag sa gano'n. Humiling kasi ako sa kanya na as if kami parin. 'Yung parang walang nangyari. Pero nagseselos parin ako.

"Sinusundo ka pala niya," malamig kong tinig.

"Oo" maikling tugon niya,

Nagseselos ako dahil ako lang ang gumagawa no'n kay Aldi eh. Bigla kong na-alala no'ng hinalikan niya ang prinsesa ko.

"Kayo naba ni Jeylon?," malungkot kong tinig.

"Hindi, ba't mo naman nasabi 'yan?"

Hinalikan ka niya eh. Gusto ko ako lang prinsesa ko.

"Forget it. Gusto ko mag-saya tayo. Cheers." Dinikit ko ang baso namin para tumunog at lumagok ng inumin.

Ilang oras na kaming nandito sa Peak ng bundok. Pinasadya ko talaga na lagyan ng maliliit na bumbilya para lumiwanag at gumanda ang paligid. Nagpatulong ako sa caretaker ng area na'to.

Sa tingin ko'y alas otso na ng gabi.
Bago kami uminom ay kumain muna kami. Bumili na ako ng mga ready made na pagkain bago ko siya sinundo sa Thinkers kanina.

"'Di talaga ako makapaniwalang umiinom ka ng alak Gabriel"

"Gab ko" pagco-correct ko pa sa kanya.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon