Yakap-yakap ko na naman ang iyong larawan
Na para bang ikaw ay hinahawakan
Na parang nandito ka at hindi mo ko iniwan
Na parang nung isang araw lang nung tayo'y nagtatawananNaalala mo pa kaya?
Naalala mo pa ba ang ating nagdaan?
Naalala mo pa ba ang lahat ng alaalang
tayo'y magkasama pa?Ako kasi oo, alalang alala ko pa
Kahit walong taong kami'y iyong iniwan
Alalang-alala ko pa, Papa
Alalang-alala ko pa nung kami'y iyong bitawanTiniis ko na kahit wala ka, kaya ko
Tiniis kong nanggaling ako sa pamilyang niloko ako
Tiniis kong tiisin lahat ng sakit
Tiniis kong hindi marinig ang sagot sa bakit.Tiniis ko lahat ng yun
Kahit alam kong nasasaktan parin ako hanggang ngayon
Mas pipiliin ko na lang na mamatay ka
Kesa pumunta ka sa ibaMahirap bang tuparin lahat ng gusto ko
Mahirap bang ika'y bumalik at tuparin ang iyong pangako?
Pangakong hindi kami iiwan
Pangakong di kami bibitawanPangakong napako
Mahal kita, mahal ka namin Pa
Ang sakit sakit lang kasi, kung sino yung taong napakaimportante sayo
Siya pang maglalaho at iiwan kang nagmumukang boboAlam kong hindi na, nagsawa ka na
Ayaw mo at wala ka na
Nakakatawa lang isipin halos buong buhay mong nakasama
Na mabubura na lang lahat ng alaala, sa pagkisap ng mga mataMga luhang pumatak sa nagdaang taon
Mga sanang nais mabalik ngayon
Mga salitang binitawan
Na kahit anong pilit kong intindi,Pero umaasa pa ko, umaasang lahat ng ito ay isang bangungot
Na sana paggising ko ikaw'y makita at maabot
Maabot ang iyong kamay at nayayakap
Makasama ka't di na hinahanap hanap~*~*~
🖋IAmModernMariaClara
BINABASA MO ANG
Droplets of Sorrow
PoetryA poem is an ocean full of icebergs. Too mysterious. Too deep. But dangerously dramatic and beautiful.