Sa mundo ng RPW

0 0 0
                                    


"Hi, taga-saan ka?"
Mga salitang sa aki'y pinasa
Mga salitang naging sanhi ng pagkabuhay ng mundo ko
Na ang messenger mismo ang naging saksi ng pagkahibang ko......sayo

Tanong, sagot, tanong, sagot sa isa't-isa
Pagpapakilala ang una nating ginawa
Pagpapaalam ng impormasyon na
Para malaman kung ikaw'y totoo ba.

Araw-araw tayong nag-uusap
Na kung di makaol ay hinahanap hanap
Hinahanap hanap ang mga matatamis mong mga salita
Na nagpahulog ng loob ko sa tatlong buwang pagchchat nating dalawa

Kahit mahirap ang matematika
Pinipilit kong ipasa
Para sa pangarap nating dal'wa
Para sa pangarap kong makita kita

Oo pangarap ko, pangarap kong mahawakan ang iyong mga kamay
Pangarap kong makita ang ngiti na sa labi mo'y sumilay
Pangarap kong mayakap at mahagkan ka
Pangarap kong hanggang pangarap lang pala

Hindi ko inakala ang lahat ng to
Para kasing panaginip lamang ito
Isang panaginip na di nais mawakasan
Kasi alam kong lahat ng ito ay may hangganan

Oo, nabihag ako, nabihag ng mga kwento mo
Nabihag ng mga mabubulaklak mong pagsuyo
Nabihag mo ako, nabihag itong puso kong marupok.
At naging dahilan ng laging inspirado tuwing may pasok

Mahal kita pero hindi ko inakala
Na sa likod ng mga matatamis at mabubulaklak mong mga salita
ay puno ng panlolokong sinaktan ako ng sobra
Na isa lang pala ako sa lima

Sa limang babaing iyong sinusuyo
Sa limang babaing pinagpipilian mo
Kachat mate lang naman kita
Pero bakit ganito ang aking nadarama?

Bakit masakit?
Bakit parang ang puso ko'y iniipit?
Bakit ako?
Bakit tayo?

Alam kong wala akong karapatan
Pero mahal, bakit ka ganyan?
Bakit mo ba ako pinaglaruan?
Di naman ako laruan

Tao ako, taong pinipilit pumasok diyan sa puso mo
Taong mahal ka at nais na mahalin mo rin ako
Ako yung makulit na kachatmate mo
Ako na nagseselos dahil maraming nagkakacrush sayo na sa aki'y sinasabi mo

Ang sakit, napakasakit ng ginawa mo
Na kung sino yung taong kukumpleto sayo ay siya ring babalelawain at wawasak ng puso ko, ng mundo ko
Ang hirap magmahal sa taong walang kasiguraduhan at sayo'y walang nagustuhan.

Inaamin ko kasalanan ko
Inaamin ko nagkamali ako
Inaamin kong naging marupok ako
Inaamin kong umasa ako sayo

Kaya nais kong marinig mo lahat ng hinanakit ko
Kasi di pa ako nakakamove on sayo
Pinipilit kong kalimutan ka, pinipilit ko talaga
Pero mismong puso ko ayaw kang mawala

Gusto ko na kasing makawala
Makawala sa patibong mong hawla
Gusto ko ng makalaya
Makalaya sa sakit na dala dala

Ayaw ko na eh, ayaw ko ng maramdaman pa ang sakit na dulot ng pag ibig ko sayo
Ayaw ko na umasa pa't titibok sayo ang puso
Ang hirap hirap lang talagang
Magmahal sa taong nakilala sa mundong puno ng pagbabalat kayo ang rpw (role play world)

~*~*~

Brokenhearted ang author. Pasensya na po😷.

🖋IAmModernMariaClara

Droplets of Sorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon