CHAPTER 4

130 7 0
                                    

CASTRIEL.

Isang buwan na matapos ang nangyaring iyon, halos hindi na umalis si CJE09 sa tabi ko maging sa pagtulog ko, at sa bawat pagpatak ng segundo ay nasa akin lang ang paningin niya....mababawi lang kapag ipagluluto niya ko ng pagkain, hindi pa rin masyadong ayos ang lagay ko sa mga nagdaang araw at nagpapasalamat ako na ngayon ay medyo maayos na iyon.

Pero ang hindi ko maintindihan ay ang isang buwang pananahimik din ni CJE09, napapansin ko nga na minsan ay tulala siya, malalim ang iniisip o guni-guni ko lang yon, dahil nga robot siya.

Napapansin ko din na minsan parang balisa siya hindi kaya may sirang parte sa kaniya.

At sa isang buwan na yon ay hindi ko malimutan yung kiss. Oo yung kiss, hindi yon maalis sa isip ko.

"Master, here's your soup" yeah,marunong ng magluto si CJE09 at nakakatuwa dahil sa unang tikim ko pa lang ay masarap na yon. Inilapag niya ang tray sa tabi ko at sinubuan ako, i can't even move   my fingers or just my hands dahil pakiramdam ko ay napapagod ako.

Naaalala ko ang lahat, at ang mga hayop na yon ang may gawa nito sa akin.

"Ahhhh" she said at ginaya ko naman yon "ahhh" napangiti ako ng maisip na may nag-aalaga na sa akin habang may sakit ako.

"Malaking ahh master" sinunod ko iyon hanggang sa alalayan niya akong uminom ng tubig, i can take anti-depressants too, hindi ko alam, pero inireseta yon sa akin ng doctor, i won't bother to ask about it unless that's important.

Isang buwan na rin akong naka dextrose at inilayo sa akin ni CJE09 ang ilang garapon ko ng lollipops.

"Hoy! Master" bahagya pa akong nagulat ng tawagin niya ko, masyadong malalim ang iniisip ko.

"A-Ahh yeah....ano iyon?" Deretso akong tumingin sa mala abo niyang mata, naglabas siya ng isang chocolate flavor na lollipop sa bulsa ng suot niyang Denim short at binigay iyon sa  akin.

Natutuwa ko naman iyong tinanggap, nakakaoverwhelm dahil kahit robot siya at walang damdamin, iniisip pa rin niya ako

Dali-dali ko naman iyong binuksan at itinapon sa trash bin ang basura.

Napatingin ako kay CJE09 na walang reaksyong nakatingin sa akin,nakipagtitigan ako sa kaniya, i love to stare at those eyes of her,parang hinihigop ang kaluluwa ko..

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit at ginulo ang buhok ko, agad din niya akong tinalikuran at lumabas ng kwarto na hindi niya gawain sa mga  nagdaang linggo.

Pero ang ipinagtataka ko ay ang biglaang pagkarambola ng dibdib ko, masyadong malakas ang pintig ng puso ko,

'Am i attracted to her?'

Napasinghap ako ng hangin sa naisip napahawak din ako sa dibdib.

"Shit, Castriel, do you really fall for a machine called robot?, darn it!" Himutok ko, at ganoon na lang ang pagtayo ko maging ang mga kilos ko ay hindi ko na malaman, ako na ang kinokontrol ng katawan ko na dapat ay ako ang gagawa.

Hawak ang stand ng dextrose na nakakabit sa akin ay lumabas ako ng kwarto, hinanap agad ng mata ko si CJE09 hindi ko alam pero may gusto akong gawin at subukan.

All i want to do is to kiss her until she can't control what does she feels.

I want her for heaven's sake!




CRYAIER..

Nakaharap ako sa garden at pinagmamasdan ang pagpatak ng mga ulan ng may yumakap sa likod ko.

Hindi ko alam kung tatagal pa ba ako rito at magiging proffesional kung naaattract na ako sa lalaking ito

Sa loob ng isang buwan ay hindi ko napagtagumpayan na hindi mahulog ang loob sa isang Castriel Alvarez.

SHE'S NOT A ROBOT (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon