TWENTY THREE

8.3K 292 30
                                    

Good day, salamat sa magbabasa nito.

______

"MA, lage naman ako nag iingat talagang hindi natin alam kong kailan darating ang panganib." sabi ko dahil nanenermon na naman si kumander tumatawa tawa lang si papa sa gilid. Nandito ako ngayon sa bahay isang linggo na akong umuuwe dito ang akala nila nag aaway kami ni Justine dahil bakit daw dito ako. Pero ang totoo niyan ayoko lang talagang umuwe sa unit ng binata may something wierd sakin ewan ko!

Nakabalik na rin sa pag aaral ang kapatid ko may takot pa rin siyang nararamdaman pero sabi namin labanan niya huwag siyang papatalo sa takot. Tatlong buwan na rin lang naman matatapos na ang second semester niya.

"Ewan ko sayo basta sinasabi kong mag iingat ka. Tsaka nga pala ano plano niyong dalawa ng boyfriend mo aba hindi kana bumabata Gabrielle.!" nangunot naman ang noo kong napatingin sa mama ko naghahalo ito ng nilulutong ulam ano naman ang konek sa hindi ako bumabata sa amin ng binata hininaan nito ang stove at humarap sakin sa lamesa. "Wala bang planong pakasalan ka ng nobyo mo?." napaubo ako at muntik na kong mabulunan ng sarili kong laway sa huling sinabi nito.

Napahawak ako sa dibdib ko at napahagod sa leeg ko,tiyak namumula na naman ako. yan talaga tinatanong niya ano bang pinupunto ng nanay ko. "Maaaa ano ka ba pabigla- bigla ka naman po,tsaka sa bagay na yan hindi pa namin napag uusapan." inabotan niya ako ng tubig kaya napainom ako.

"Bakit dun din naman ang punta niyong dalawa, sinasabi ko sayo Gabrielle unahin niyo muna ang kasal..." at ayan naman siya kinwento na naman nito ang kapanahonan niya at kong pano siya niligawan ng papa at ang hirap na pinagdaanan ni papa sa lolo at lola ko lahat daw pinagawa ligawan ng kapanahonan at kinasal muna sila bago ako nabuo isang buwan matapos ang kasal taraaann hello sakin na. At syempre ang pangalan ko ang lola ko nagbigay yong first name ko at ang lolo ko naman ang second name which is Bianca Gabrielle'.

At tumigil lang ang mama sa pagkukwento nang pumasok ang kapatid ko karating lang galing eskwela kaya pagkakataon ko nang umalis. Pag akyat ko sa kwarto yong laptop ko agad ang binuksan ko at binasa ang ibang email na pinasa sakin.

'Chief Of Police Francisco spotted dating with a model Miss Herish San Diego on the high end restauránt last night. Napatigil ako sa pag scroll at binasa ang pamagat ng isang video hindi malinaw ang kuha nito at medyo dim ang ilaw sa loob ng restaurant,nanginginig ang kamay ko pinindot ang play button,hindi pa man nagsisimula ang video halos tambulin nang malakas ang puso ko at kumikirot ito napatakip ang dalawang kamay sa bibig ko habang hinihintay ma play ito nagloloading kasi.

Namimilipit aa sakit at nang iinit na ang sulok ng mata ko ano mang oras babagsak na ang luha ko. Masayang nag uusap ang dalawa paminsan minsan nilalagyan ng binata ng pagkain ang plato ng babae tapos nakangiti itong tumititig sa kanya. Walang sound ang video pero sa aksyon ng mga kamay at ang masayang buka ng bibig parang nagkakamabutihan ang mga ito. Nanlalabo na ang mata kong nakatitig sa screen ng laptop ko. Napahawak ako sa dibdib ng sobrang kirot na ito halos hindi na rin ako makahinga dahil pagpipigil ng luha sabayan pa ng pagkirot ng puso ko. Pilitin ko mang hindi tapusin ang video pero hindi makagalaw ang mga kamay ko para i-stop ito. Bumagsak ang luha ko at sunod sunod ito hindi ko rin magawang punasan hinayaan ko lang.

Nakita kong nagtaas ng kamay ang binata saka may lumapit na waitress may sinabi lang ito at umalis na agad. Nakangiti itong napatingin sa babae may sinasabi ito kung ano man yon hindi ko alam. Hinampas ng babae ang kamay nitong nakatukod ang siko sa lamesa tapos sabay silang nagtawanan. Tumigil sila nang lumapit ulit ang waitress at may binigay na papel.

Napapahagulhol na ko sa sobrang sakit nang nakikita ko hindi ko na talaga kayang pigilan ang iyak kaya may tunog na ito. Masukista na kong masukista pero gusto ko pa rin tapusin ang video kahit gaano na kasakit ang dulot sakin. Inalalayan niyang tumayo ang babae at napahawak pa ito sa beywang at sabay na naglakad palabas ng restauránt habang nag uusap at napapatawa ang mga ito. Hindi ko namalayan na napabaluktot na ko ng higa at yakap yakap ang mga tuhod habang napapahagulhol.

HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon