Chapter 32

36 4 0
                                    

After naming mag-lunch kanina ni Adriel ay pinagpahinga ko na siya sa kwarto niya. Then, I drove back home para kumuha ng gamit ko. When I reached the sala, I saw kuya there sitting on the couch at nagla-laptop. Siguro nag-date na naman si Mom and ate Celine with baby C kaya nandito siya sa bahay.

"Hi, Kuya!" I greeted him as I lodged down beside him. He positioned the laptop on the table and leered at me.

"I know what you're doing, Betryle. I think it's not okay..." He interrupted himself as he took a deep sigh and closed his eyes.

"Kuya," I uttered. "I can't just leave him. Especially, not now," I explained.

He pursed his lips and sighed heavily. Then he said, "I know, baby sis... but I just want you to know that one way or another ay may masasaktan kang tao. If you can't hear your heart then lead it. Better choose the right one, the one that you can't live without. Cause if you don't... the damage will not be worth it."

Hindi ko lubos maisip na may mga sugat pala na nararapat. May mga laban palang hindi kailangan labanan. May boses palang hindi nararapat pakinggan. May tao palang hindi dapat ipaglaban. Ako pala ang dapat mamili ng dapat kung harapin at ako rin ang aako ng lahat ng dapat anihin. Masaya man o masakit...

"Yes, Kuya. I will." I hugged him tight. He shoved my hair gently and when we parted, he smiled at me.

"Go," he said.

Tumayo ako at tinungo ang kwarto ko para kumuha ng mga gamit ko. Habang nagmamadali akong kumuha ng damit ay hindi ko namamalayang may luha na palang bumabagsak mula sa aking mata. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

I know na may nasasaktan akong tao dahil sa ginagawa ko pero may isang tao rin na sobrang kailangan ako ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang tama sa lahat ng desisyon ko. Ang alam ko lang ay hindi ko siya maiwan. Hindi ko maatim na pabayaan si Adriel... lalo na at mag-isa siya.

I'm so dazed. Mga halos kalahating oras rin akong nasa kwarto. Nang maramdaman ko na okay na ang pakiramdam ko ay agad akong tumayo at itinuloy ang pagkuha ng damit.

Nang maayos ko na ang lahat ay bumaba na ako.

"Bye, Kuya!"

Lumabas si kuya sa pinto at ngumiti sa akin. Then, I started the engine and quickly drove to Adriel's condo. Nang makarating ako ay ibinaba ko kaagad ang mga gamit ko sa sala at tinungo ang kwarto niya. I saw Shacklu luxuriated sleeping on the smooth cozy carpet on the floor.

When I glanced at Adriel ay mahimbing itong natutulog. I traipsed towards him and sank down beside him. I landed my hand to his forehead at dama ang taas ng lagnat niya. Mainit na naman siya.

Kailangan niya munang kumain bago uminom ng gamot. Pumunta ako sa kusina at nagsimula nang magluto ng tinola. Mas masarap kasi sa pakiramdam pag-makahigop siya ng mainit na sabaw.

"Ouch." Nasugatan ako sa pag-slice ko ng papaya. Mabuti nalang at medyo maliit lang. Hinugasan ko ang kamay ko at kumuha ng band-aid sa cabinet.

Pagkatapos ay patuloy na ako sa pagluto ng ulam at kanin naming dalawa.

Nang matapos ko ay hinaiin ko ito sa sala dahil mas komportable para sa kanya na kumain dun. Inihanda ko na rin ang lahat ng kailangan bago ako tumayo para tawagin si Adriel.

"Adriel..." I called.

I fondled his face at mainit pa rin siya. "Kailangan mong kumain," I stated. He opened his weary eyes and inhaled heavily.

I helped him to stand and walked hanggang sa marating namin ang sala. Umupo na siya sa couch at tinignan ang pagkain na nakahain sa lamesa.

"Kumain ka na dahil kailangan mo nang uminom ng gamot mo," sambit ko habang nilalagyan ng kanin ang plato niya.

Me & You: Between Life And Death (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon