Benedicíte😇
Fancy POV
Ilang linggo narin ang nakalipas ng nagsilulang pumasok si Sir Matthew sa aming klase. Kahit minsan ay wierd ang dating( sa akin) pero naging maayos naman ang pagtuturo nya. Mukhang handa na nga sya naging totoong Teacher. Siguro ay minsan strikto sya pero kahit ganun marami ka naman matutunan sa kanya. Balita ko sa ibang Strand ayaw daw nila kay Sir kasi para daw totoong teacher makaasta. Grabe daw kung magpagawa ng mga output at mga project. Palagi daw may essay na pinapagawa. Tapos araw araw daw pumasok, ni wala man lang daw absent.
Hindi ko alam kung bakit issue yun sa kanila. Pero para sakin- sa amin ng kaklase ko ay tama rin naman ang ginagawa nya. Hindi porke't practice teacher sya ay hindi na nya seseryusohin ang dapat nyang gawin. Oo nga at marami syang pinapagawa pero responsibilidad din naman naming gawin iyon. Nag aaral kami para matuto kaya dapat tanggapin namin lahat ng iyon. Kasi hindi mo naman namamalayan na may natutunan kana pala mula sa mga ginawa mong mga project. Tsaka na tayo mag reklamo kapag hindi na tama ang pinapagawa nila.
Kahit naman minsan ay pinapagalit nya kami, okay lang. Nasanay na yata kami. Sya kasi yung tipo na dapat sa kanya lang ang atensyon mo. Yung kahit mata mo dapat sa kanya lang nakatingin.
I'm sure na kapag naging professional na si Sir, magiging magaling syang teacher. Ngayon pa nga lang kita na.
"Uyy! Anong nakain mo at ang tahimik mo Fancy?" gagad ni Mika ng makalapit sa upuan ko. Mukhang tapos na magsulat ng assignment nya.
"Okay ka lang ba Fancy? " Iling lang naging tugon ko kay Nissy na napansin din ang pagiging tahimik ko.
Kumuha na lamang ako ng papel at ballpen para magkaintindihan kami.
"Masakit ngipin ko." basa ni Mika sa sinulat ko.
"Gusto mo bilhan kita ng gamot? Wala pa naman si Sir eh" nag aalalang tugon ni Nissy. Umiling na lamang ako. Mawawala din siguro ang sakit nito mamaya, ayoko rin lumabas sya kasi baka pumasok bigla si Sir lalo na't malapit na ang time nya.
'Bumalik na kayo sa mga upuan nyo, baka dumating na si Sir. Okay lang ako. Kaya ko pa naman.'"Sige magsabi ka lang pag di mo na kaya ha." tumango na lang ako sa sinabi ni Nissy. Tuwing nagkakasakit ako grabe talaga sya mag alala saakin. Kulang nalang maging mother the second ko na sya eh. Pero maswerte ako dahil may kaibigan akong kagaya nila.
"Sige. Wag ka nalang masyadong masalita para hindi yan lalong sumakit." tumango na ako at bumalik narin sila sa kanilang sariling upuan.
Pati sila Kris at ang iba ko pang mga classmates ay nagsibalik narin sa kanilang mga upuan.
Sumulyap sa akin si Kris.
"Okay ka lang" tanong nya. Tango lang ang sagot kosa kanya. Hindi narin sya nagtanong pa.
Saktong 9:30 dumating si Sir Matthew.
Tahimik lang ang classroom namin. Siguro ay dahil tahimik lang din ako? Feeling ko kasi ako lang yung maingay sa klase nya. Sa ilang linggong lumipas ay nasanay narin akong mag ingay sa klase ni Sir. Yung ingay na parte lang din ng klase nya. Pano ba naman natutuwa ako sa mga tinuturo nya.Nakatulong narin yun para unti unti na akong masanay sa presensya nya. Kahit minsan ay hindi parin maiwasan na mailang sa kanya lalo na pag may ginagawa syang kakaiba.
At sa ilang linggo ring lumipas ay inamin ko na sa sarili ko na may gusto talaga ako sa kanya. Sure na talaga ako dun. Mahirap man ay tinanggap ko na sa sarili iyon kasi kahit anong gawin ko hindi ko rin naman matanggi.Take note lang kami ng take notes kasi baka lumabas ito sa long quiz or sa exam namin.
"What's the difference between Contradiction and Comparison?
The contradiction is a difference or disagreement betweentwo things which means that bothcannot be true. While Comparison is the act of suggesting that two or morethings are similar or in the samecategory."
YOU ARE READING
My Teacher, My Lover!
RandomHow hard to fall in love with you Teacher? Can you take all the consequences for loving him? Can you take the pain that he can cause you? BUT.. It is really possible that your Teacher will fall for you?