DEINA POV
Yun ang unang pagkikita namin ni Dillan. Siya tong malakas ang dating na kahit na sino mapapatingin ka talaga. Di ko lang alam na maloko lang pala talaga.
Inalala ko ulit ang nakaraan. First day of my 2nd college year si Christel ang naging kasama ko. Inaayos niya yung sched ko para maging magklase kame.
Alam niyo maganda din tong bestfriend ko morena, may hugis puso na mukha , magagandang kulay na mga mata, matangos na ilong ,kissable lips at matangkad . Pwede ng siyang isali sa mga rampa. Yun nga lang bungangera.
Samantalang ako maputi, may salamin (nerdy look) ,matangos din naman ang ilong pero di talaga ako confident sa sarili ko. Di ko rin naman sinasabi na pangit ako cute lang (hihihi) ,yung pwede mo ng sabihin na "pwede na" katamtaman lang din ang height. Basta ganon ehh at palaging nakatirinsas ang buhok ko.
Dahil 8am pa lang ng umaga may isang oras pa kame bago ang unang klase namin sa Maxwell University. May chineck lang si Christel sa may bulletin board di na ko sumama. Malapit kame sa may cafeteria ngayon kaharap namin ang building namin (tourism) na kaharap naman ng Engineering building . Sa gitna kung saan nandito ako ngayon nakatayo sa mini park . Nakita ko si Dillan sa gitna ng dalawang seksing seksi na babae.
Halata naman na kilig na kilig ang dalawa. Halos ipakita na ng dalawa ang hinaharap nila. Na ko mga babaitang ito. Di na nahiya. Ang mokong tuwang tuwA pa.
Nakita niya kong nakatayo . Tumayo siya at lalapit na sana ng may humarang na naman na ibang babae seksi din. Malaki din. Kaya di siya nakalapit. Tumalikod na ko. Narinig ko pa ang sigaw niyang "tomato girl".
Yun din saktong pagdating ni best kaya hinila ko na siya papalayo. Nagtaka man pero alam ko nakita niya ang grupo ng mokong na yun.
"Kilala mo si Dillan best?" Tanong niya sakin. Narinig niya siguro tinawag akong tomato girl ni Dillan. Gulat na gulat ang hitsura.
"Not so . My parents and his parents are good friends. Nakilala ko lang siya noong isang araw . Kapit bahay din namin sila. "
"Is that so? Ingat ingat ka jan . Matinik sa babae yan. Iba iba ang gilfriend niyan everyweek swerte na lang pag lumagpas ng 15days. Pero mukhang close kayo ha?"
"San close best ? Di nga ako makatingin dun. May nangyari din sa min noong isang araw sa bahay nila. " salaysay ko pa.
"What? May nangyari sa inyo!!!? Sinuko mo na ang bataan????? " sobrang gulat niya.
"No ! No ! Best ! Ano ba yan!! Ang dumi na man ng isip mo. " taranta kong sagot.
"Ehh sino naman ang hindi magugulat sa sinabing mong "may nangyari din sa min " ni wala ngang explanation . Duh!!!! "
Nayamot naman ako sa kanya. Kaya inexplained ko sa kanya ang nangyari noong isang araw sa bahay ng mga Fuentabella hanggang sa dumating ako ng bahay. Tawa tawa pa siya sa kwento ko.
"Hahahahaha nakitaan kana pala tanga mo naman best! Hahahaha "
"Sige best tawa pa more. "
"Isa pa tomato girl? Hahahaha ang bilis mo kasi pumula yan tuloy ! Hahahaha " nakahawak talga siyA sa tiyan niya dahil sa tawa.
"Ehhh sa yun talagA ako pagnahihiya namumula. " Crush ko din . Pero di na yun lumabas sa bibig ko.
"Hahaha SoooooorrrrNAaa best.. hahHa I just can't believe it! You two cross your path that way! Hahaha . Pero ito seryoso na best."
Ay adik din to si best katatapos lang tumawa bigla na lang magseseryoso.
"Best ako sayo ingat ka jan sa Dillan na yan kilala yan dito . Binansagan ngang Campus Hearthbreaker yan madami kasi nahuhumaling sa kanya. Di ko nga lang alam bat ang dami pa rin nagkakagusto jan kahit alam naman nila ang ugali niyan." Mahabang litanya seryosong seryoso pa.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Girl
Novela JuvenilShe's no ordinary. She's a nerd. She's very different. and She's a queen???? Alamin natin ang story ni Deina Blaire Delos Reyes .