DIAMOND 43: PAIN

459 13 0
                                    

LOVELYN POV (POINT OF VIEW)

Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Sinabi niyang girlfriend niya ako. Pero hindi ko siya kilala. Kailangan ko kaya siyang kausapin?

"Malalim ang iniisip mo ah. Pwedi bang malaman yan?" Napatingin ako kay gabriel na tumabing umupo sa akin.

"Wala to. May iniisip lang ako."

"Pwedi ko bang malaman?" Bumuntong hininga naman ako.

"Yung kahapon."

"Yung lalaki bang gustong kumausap sayo?" Tumango naman ako.

"Hindi ko alam bakit ang sinabi niya sa akin."

"Ano bang sabi niya?"

"Girlfriend niya daw ako?" Tinignan ko si Gabriel. At natawa naman ako sa reaksiyon nito.

"Ganiyan din ang naging reaksyon ko gabriel. Haha,"

"Baka totoo ang sinabi niya Lovelyn.." Natahimik naman ako.

"Hindi ko alam gabriel. Hindi ko na kasi alam kung ano ang paniniwalaan ko. Hindi ko siya kilala. Lalo na ngayon ko lang siya nakita. Kung girlfriend niya ako bakit hindi niya ako binisita sa South Korea?" Pagtatanong ko. Hindi naman nakasagot si gabriel. At tila nagiisip ito. Sandali ang katahimik ang namamayagi sa amin.

"Lovelyn. C" Napatingin naman ako sa likod namin at yung lalaki na kausap ko. Napatayo agad kami ni Gabriel. Nagkatingin kami ni gabriel at parang nangungusap ang mata nito na dito lang siya.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong ko. Tumingin ito siya sa akin at nalipat ang tingin niya kay gabriel. Tinignan ko naman silang dalawa. "Ahm Anong ginagawa mo rito?" Paguulit ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Biglang namang bumilis ang takbo ng puso ko.

"Binisita kita. Naisip ko kasing yayain ka mag Lunch?" Hindi naman ako nakasagot sa sinabi nito.

"Ahm Ano kasi."

"Nay date kami." Napatingin naman ako kay gabriel. Anong sinasabi niya? Inakbayan ako nito kaya nailang ako. Damn! Gabriel anong ginagawa mo.

"Ano?"

"May date kami ngayon bro." Napatingin naman ako sa lalaki. Hindi siya nakasagot at gulat na nakatingin sa akin.

"Kayo ba?"

"Hin-"

"Oo" grrrrr gabrieellll anongg ginagawa moooo. Nagulat naman akong biglang umalis ang lalaki. Hala ka.

"Ano bang ginagawa mo gabriel!?" Inis kong sabi sa kanya.

"Edi tinutulungan ka."

"Hindi nakakatulong yan gabriel! Paano bumalik ang alala ko? Alam kong siya na ang makasagot sa mga katanungan ko.!" Inis kong sabi.

"Lovel-"

"Diyan ka lang wag moko sundan!" Sabi ko saka umalis.nagmamadali akong lumabas at hindi ko na nakita yung lalaki.

"Hinahanap mo ba siya?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Mommy." Sabi ko. Kanina paba siyang nakatingin sa akin? Ngumiti ito at lumapit.

"Here the address my princess. Puntahan mo siya bago ka magsisi." Ngumiti ako.

"Thank you mom!" Niyakap ko ito at umalis na. Pumunta ako sa kotse ko saka pinaandar ito. Tinignan ko naman ang address na binigay ni mommy. Alam kong ikaw ang sasagot sa mga katanungan ko. Alam kong kaboses mo ang naririnig ko sa isip ko. Huminto ako tinignan ang traffic light. Haysss. Ni open ko muna ang Sound system ko.

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon