Kate's POV
Kahit yata anong pose ang gawin ni Lance hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan niya.
"Lance pwede mo nang tawagan si Mr. Mike. Kanina pa tayo nandito sa taas."
Agad naman niyang kinuha ang cellphone niya. Habang nakikipag usap siya ay abala naman ako sa kakatingin sa mga selfie namin. Ang ganda ng mga kuha naming litrato.
"What? Paano kami dito?"
Nabaling ang atensyon ko kay Lance. Bigla kasi siyang nag taas ng boses.
"Okay. But be sure to come back. And fix this at soon as possible."
Nang matapos ang tawag ay saka ako nagtanong sakanya.
"May problema ba Lance?"
"Yes. Unfortunately we can't go down right now. There is a problem in the machine. My secretary called the owner to fix this."
"Ano? Hindi ba delikado tayo dito? Baka mamaya bigla na lang tayong mahulog dito tapos -"
"Mike can handle this. Stay with me and don't move too much."
This feeling is not new. Kahit nasa ganitong sitwasyon kami basta nandito si Lance sa tabi ko nawawala na lang bigla ang takot ko. At bilib ako sa tiwala ni Lance sa secretary niya. Ilang minuto din kaming naghintay. Hanggang sa muling gumalaw ang ferris wheel. Sinalubong kami ni Mr. Mike nang makababa na kami. Humingi siya ng paumanhin sa amin. At agad naman namin siyang pinatawad. Isa pa wala naman siyang kasalanan sa nangyari.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nakatanggap ng tawag si Mr. Mike. May emergency sa bahay nila kaya kinailangan niya ng umuwi agad. Naiwan naman kami dito ni Lance. May ipapakita pa raw siya saakin kaya hindi pa kami pwedeng umuwi.
"We're here!"
Kung inakala ko na maganda na ang lugar na ito. May mas igaganda pa pala ito dahil sa lugar na kinatatayuan ko ngayon. Nasa loob kami ng isang green house. At ang nakakamangha dito ay ang liwanag na nagrereflect mula sa buwan. Napaka ganda nitong pagmasdan. Lalo na ang iba't ibang halaman na nakapaligid dito.
"I just thought you'll want to see this. I hope you like it."
Humarap ako sakanya.
"Napakaganda ng lugar na ito Lance. Hindi ka talaga nabibigo na sorpresahin ako." Sabi ko habang nakangiti.
Lance' POV
How many times does she look at me and smile like that? Everytime she do that I feel happy. Alam kong masaya siya pero parang mas nagiging masaya ako kapag nakikita ko siyang nakangiti.
"Lance tignan mo to."
Dumako ang paningin ko sa duyan na tinuro niya.
Naupo siya doon at mukhang alam ko na ang gusto niyang mangyari."Lance itulak mo naman tong duyan oh."
Hindi pa man niya sinasabi ay alam kong yon na ang gusto niyang ipagawa saakin. Nagpunta ako sa likuran niya. At dahan dahan na tinulak ang duyan.
"Alam mo ang sarap sa pakiramdam kapag nasa duyan ka. Para bang kaya mong lumipad kahit wala ka namang pakpak. Ang gaan sa pakiramdam."
"Talaga ba? Gusto mo bang lumipad ng mataas?"
"Anong ibig mong..teka Lance tama na! Wahh!"
Mas nilakasan ko pa ang pagtulak. Para na siyang batang nagmamakaawa saakin ngayon.
"Lance tama na! Baka mahulog ako dito. Please stop!"
Habang hawak ko ang tali sa duyan unti unti ko itong hinila pabalik sa dati nitong pwesto.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...