#Dagli
Nakakasilaw na liwanag ang sa akiy gumising.Late na naman ako! Kaya dali dali akong bumangon saakin higaan,agad na nagbihis at naghanda ng pagkaing babaunin.Ako'y tumakbo upang hindi masaraduhan ng malaking gate .Sa pagtungtong ng akin mga paa sa paaralan ay kasabay nito ang pagtunog ng bell na hudyat na mag sisimula na ang pagtuturo ng guro sa oras na iyon.Inilabas kona ang aking sandata na lapis at ilang piraso ng papel upang makipagsapalaran sa labang akin pinili.Iba't ibang kaalaman na naman ang aking natutunan.A Ba Ka Da sabay-sabay namin bigkas.Alam kona rin ang ibat ibang numero.Isa, Dalawa,Tatlo,Apat,Lima,Anim,Pito,Walo,Siyam,Sampu ang bilang ng mga taong saaki'y tumatawa.Sapagkat heto na naman ako at nakatayo sa tabi ng bintana ng classroom,nakatingin sa mga batang naka suot ng kanilang uniporme at nakaupo sakanilang mga sariling upuan habang nakikinig sa leksyon ng kanilang guro.Bawal na bang matuto ang mahirap na batang katulad ko? Ayaw ko lang naman matawag na tanga at bobo kaya ginagawa ko ito.
///
PLEASE VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATES!😘LOVELOTS!😍😘