REINCARNATED
-YEAR 2090-
"Okay Grade 10 Tulips for today's lesson I am going to read a short story and what you need to do is to listen carefully dahil may mga questions ako later. Are we clear?""YES MA'AM!" Sabay-sabay na tugon naming mga estudyante.
"May isang elepanteng buntis ang payapang nabubuhay. Ngunit dahil wala namang permanenteng bagay sa mundo ay dumating sa puntong unti-unting naubos ang kanyang makakain.
Minsan ay naisipang pumunta ng elepante sa kabayanan at maghanap ng pantawid gutom. Ipinagsawalang bahala ng elepante ang masamang puwedeng mangyari sa kanya. Nakakita siya ng mga tao at sobrang saya ng kanyang nadarama ng bigyan siya ng mga ito ng makakain.'Mababait naman pala ang mga tao' sa isip-isip niya. Masigla niyang tinanggap ang pinya at kinain. Ang hindi alam ng elepante ay may firecrackers ito at gusto siya ng mga itong patayin. Tumakbo ang kawawang hayop sa ilog at doon namatay -- kasama ang kawalang kamuwang-muwang na anak niyang hindi man lang nasilayan ang mundo." Kuwento ni ma'am.Hindi ko maiwasang masaktan sa kuwento ni ma'am. Pinigilan kong tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
"Nakakaawa naman ma'am!" Sigaw ng kaklase kong si Jane. Nginitian naman siya ni ma'am bilang tugon.
"Ang question class ay sino sa tingin nyo ang talagang may kasalanan? Ang mga tao ba O ang elepateng nagtiwala sa mga tao? Ipaliwanag. Don't worry class walang maling sagot."
"Ang mga tao ma'am dahil mali ang pumatay ng hayop! Lalo nayung elepante kasi endangered na sila!" Sagot ni Carl.
"Ang elepante ma'am! Dahil alam naman niyang delikado pero tinuloy niya parin! Kung nagtiis nalang sana siya ng gutom at hindi na nagpunta sa kabayanan ay baka nabuhay pa siya!" Sagot ni Mae habang nakangiti pa.
Hindi ko maiwasang mainis ng dahil sa sinabi niya.
"Kahit na diparin tama lalo na't buntis yung elepante!" Singit ni Joan.
"Pero sa tingin mo ba ay dadating sa point na mapapakain siya ng pinyang may firecrackers kung sa una palang ay hindi na siya pumunta? Diba kasalanan din naman--"
"Pwede ba tumigil kana?" Pagputol ko sa kaniya. "Talaga ba?Kasalanan ng elepante?Inisip mo man lang ba na kaya pumunta ang elepante sa kabayanan ay dahil hindi lang ang sarili niya ang kailangan niyang buhayin?Buntis siya hindi ba?Yun yung dahilan kung bakit nagawa niyang itake yung risk at magbakasakali.Higit ring matalino ang mga tao kung kaya't alam nila ang tama at mali. E ang elepante?Nawala agad ang takot niya at nagtiwala sa tao ng makita ang pagkain at hindi iniisip na maaaring patibong ito. Alam mo kung bakit?Kasi hindi sapat ang kaalaman niya tulad ng tao! At isa pa. Sino ba ang dahilan ng pagkaubos ng makakain ng elepante. Hindi bat ang mga tao ring walang tigil sa pagsira at pag-abuso sa mga likas na yaman?Ngayon ay tatanungin kita. Ang elepante parin ba ang may mali?" Tuloy-tuloy kong pagsasalita.
"Bakit ba gigil na gigil ka?Part lang naman to ng lesson pero bat masyado mong seryosohin ha?!" Halos pasigaw na sagot ni Mae at nagawa pa akong irapan.Malamang ay inis na inis na siya ngayon sa akin.
Hindi na nakapagsalita si ma'am Serene dahil nagulat siya sa pagsalitan namin ng maaanghang na salita.Ang mga kaklase naman nami'y nagsimula ng magbulong-bulungan.
"Oonga masyado namang seneryeso ni Elle."bulong ni Faye pero sapat na para marinig ko.
"Nasisiraan na yata siya."bulong pabalik ni John.
"DAHIL HINDI NIYO ALAM ANG PAKIRAMDAM!" sigaw ko dahilan para mapatigil silang lahat. Ang mga luhang kanina pang nagbabadya ay nagsimula naring kumawala sa aking mga mata.
"HINDI NINYO ALAM KUNG GAANO KASAKIT ANG MAGTIWALA SA HINDI NAMAN PALA TOTOO! KASALANAN KOBA KUNG GUSTO KOLANG BUHAYIN ANG AKING ANAK?! KASALANAN KOBANG GUTOM NA GUTOM NA AKO AT HINDI NAISIP NA PATIBONG LANG ANG PAGKAING BINIGAY NILA?! WALA AKONG MASAMANG GINAWA! WALA AKONG SINAKTAN! NAKIPAGSAPALARAN LANG AKO PARA MABUHAY KAMI NG ANAK KO! PERO ANO?! ANG MGA TAO AY LUBHANG GAHAMAN AT MAPANAKIT! WALA SILANG IBANG INISIP KUNDI ANG SARILI NILA! PANTAY-PANTAY LANG TAYO! PARE-PAREHAS NAUUHAW! NAGUGUTOM! NASASAKTAN! AT HIGIT SA LAHAT MAY KARAPATANG MABUHAY! PERO WALA... INALIS NYO ANG KARAPATAN KONG ITO AT HINDI MAN LANG HINAYAANG MASILAYAN NG ANAK KO ANG MUNDO!
YES...
AKO ANG ELEPANTENG BUNTIS SA KUWENTO.
I AM NOW REINCARNATED AS A HUMAN BUT I STILL REMEMBER HOW PAINFUL IT IS AND HOW CRUEL HUMAN IS...///
Credits to the rightful owner of the photo