"Ay oh…ang sarap ng tawa ni kuya mo Tyron." bulong ng katabi ko. "Kalabitin mo lang ako Gab, ako na bahalang magligpit sa babaeng yan."
"Shut up Dan." saway ko sakanya. "Hayaan mo sila." dagdag ko pa.
Matapos ang maiksing batian ay agad syang pinakilala ni Tyron sa lahat. Hindi rin nagtagal ay nagsimula ng ipakita ni Elly ang kanyang mga designs for Swane Fashion Summer Collection. Sumandal ako sa upuan habang nakikinig at ganoon din itong katabi ko.
Different designs but most are laces, others are prints and more. Many were satisfied with what they saw and all were excited about the launching of the new lingeries.
"What can you say?" Daniela asked. Pagkatapos magpresent ni Elly.
"Pwede na." Tipid na sagot ko. Wala naman akong magagawa, kahit sabihin kong ayoko! Or panget! Baka pagtawanan lang nila. Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkirot ng ulo ko, nasusuka na ako. Lalo atang tumataas itong lagnat ko. "Dan, I need to leave first. Sumasama lalo pakiramdam ko."
Hindi ko na hinintay ang sagot nya, tumayo na ako agad dahilan para makuha ko ang atensyon ng lahat. Kailangan kong magmadali baka dito pa ko magsuka!
"Sorry about that, Ms. Gabrielle has an urgent matter." Narinig kong hinging paumanhin ni Daniela.
Nang makalabas na ako sa conference room ay nagmamadali akong naglakad pabalik sa opisina ko. Nagtatakang napatayo naman si Yza, hindi ko sya pinansin at diretso lang ako sa pagpasok hanggang sa restroom sa loob ng opisina ko. Halos maisuka ko na lahat ng kinain ko kanina at halos isubsob ko na ang mukha ko sa loob ng inidoro.
"Gab okay ka lang?" Naririnig kong katok ni bakla. Patuloy lang ako sa pagsusuka hanggang sa pakiramdam ko pigang piga na ako. Nang medyo bumuti ang pakiramdam ko, I washed my face and brushed my teeth before going out. "Umuwi kana Gab." Aniya ng makalabas na ako.
"Kailangan ko lang itong ipahinga." Sagot ko habang naglalakad papunta sa sofa.
"Oo pero sa bahay nyo bakla." Aniya habang nakasunod sakin. "Sinong gusto mong tawagan ko para sunduin ka?"
Biglang tumunog ang intercom, agad na lumapit si Daniela sa table ko.
"Yes Yza?"
"Sir, Mr. Montero is here po."
"Let him in." sabi ko kay Dan."Sige papasukin mo." aniya kay Yza. Umirap sya bago ulit naglakad palapit sakin.
"Hey" sabay kaming napatingin ni Daniela sa dumating. "You okay? Namumutla ka."
"She's not feeling well." Tipid na sagot ni Dan. "Oh'sya bakla aalis na ako. May kasama ka naman na, just call me kung may problema. Ciao!" Hindi na ito nagpaalam pa kay Vince.
"May masakit ba sayo?" Tanong nya ng makalabas na si bakla. "Tara iuuwi na kita." Hindi nya na hinintay ang sagot ko, lumapit sya sa table ko para kunin ang bag ko. "Lets go."
Nakaalalay lang sya sakin habang naghihintay kami sa pag-akyat ng elevator.
"Vince…" tawag ng isang pamilyar na boses mula sa likod. Napapikit naman ako ng mariin.
"Nelly" sagot nya sa tumawag sakanya. "kailan ka pa nakabalik?" Kaswal na tanong nya. Hindi man lang sya nagulat na nagbalik na ito??
"Last month lang. Hi Gaby!"
Wala akong nagawa kundi tumayo ng tuwid at lingonin rin ito. Pero sa paglingon ko, ibang pares ng mata ang nasalubong ko. Tyron…. Agad ko rin binawi ang aking tingin.
"Hello Elly, long time no see." Then i smiled.
Sakto naman ang pagbukas ng elevator, wala akong ganang makipagkamustahan sakanila. Inalalayan na akong muli ni Vince. Sumunod rin naman yung dalawa at sa may likod namin sila pumwesto. Pinindot ni Vince ang B1 button. Mula sa pag-alalay ay naramdaman ko ang bahagyang pagyakap sakin ni Vince habang sinasalat ang aking noo. Walang pinipindot si Tyron o si Elly kung saang floor sila bababa. Marahil sa Basement din sila.

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...