Cuddle

16 0 0
                                    

Bumangon ako sa couch nang may narinig akong kumatok mula sa pintuan ng bahay namin.

Andyan na siguro yung boyfriend ko. Bumili lang siya saglit ng makakain namin.

Pagbukas ko ng pinto, ang gwapong boyfriend ko na nakangiti ang bumungad sa akin.

"Dala ko favorite mong foods" sabi niya habang pinakita ang paperbag na may laman na pagkain.

Napangiti naman ako kaya hinila ko siya papasok at hinalikan ko siya sa labi. Napangiti naman siya sa ginawa ko kaya naman hinapit niya ang bewang ko para mapalapit sa kaniya.

Ang landi talaga netong lalakeng 'to.

Tinigil ko ang halik namin at ngumiti sakanya. "Kain mo na tayo. Mamaya nood tayo movie" kumindat ako sakanya.

"But I missed you" malungkot niyang sabi. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ilang minutes lang tayo di nagkita miss mo na ako agad"

"Of course. I love you" sabi niya at dinampian ako ng halik sa labi.

"I love you too"

Ang sweet naman netong lalake to. Minsan iniisip ko na lang kung deserve ko ba siya kasi napakaalaga niya at mapagmahal. Thanks God. Ang swerte ko sakanya.

Nagsimula na kaming kumain at siya pa ang nagsandok sa akin. "Andami naman neto baka di ko maubos" pano ba naman kasi ang dami niyang binigay na kanin tas ulam.

"Kainin mo yan para maging healthy ka. Ayaw kong pumapayat ang mahal ko" pagpilit niya sa akin. Napailing na lang ako pero deep inside kinikilig ako.

Sinubuan niya pa ako kahit andami na ng pagkain sa plato ko. Napasarap ako ng kain kaya naman nastuck yung pagkain sa lalamunan ko. Napaubo ako at napansin ni Kean na nabubulunan ako kaya naman agad siya tumakbo sa kusina para kumuha ng tubig.

"Dahan dahan ka naman sa pagsubo Sierra ko, sabi ko be healthy hindi patayin ang sarili mo" nag-alalang sabi ng boyfriend ko. Napatawa ako sa sinabi niya.

"Alam mo ang OA mo, di naman ako mamamatay noh" nakangiti kong sabi tsaka umirap sa kaniya.

"Sa susunod mag ingat ka, paano na lang pag wala ako" sabi niya tsaka hinalikan ang noo ko. Natuwa naman ng sobra ang puso ko sa ginawa niya.

Tumayo ako at niligpit ko na ang pinagkainan namin habang nakayakap sakin si Kean sa likod ko at pinagki-kiss ang balikat hanggang sa leeg ko. Napakaclingy talaga niya, well ganun din naman ako sakanya di ko siya masisisi.

"Alam mo Sierra gustong gusto ko nakatali buhok mo para nakikita ko ang maganda mong mukha" banggit ni Kean. Yung mga simpleng compliment niya na nagpapakilig pa din sakin kaya siguro nagiging matatag kame. Naaapreciate ko ang mga simpleng ginagawa niya at ganun din siya at iniintindi din namin ang isa't isa kaya bihira lang kaming mag-away.

Humarap ako sakanya "Salamat, gwapo kong boyfriend" sabi ko at nagpacute sakaniya.

"Ako na maghuhugas ng pinagkainan" paginsist niya. Tatanggi pa sana ako kaso pinigilan niya ako. "Ikaw na naghugas kanina kaya ako naman ngayon" explain niya kaya naman di nako umangal.

"Okay sabi mo eh"

"Hanap ka na lang ng magandang movie na papanoorin natin" dagdag niya pa.

"Sige doon na ako sa sala" sabi ko tsaka naglakad na papuntang sala.

Umupo na ako sa couch namin tsaka kinuha ang remote para maghanap ng mapapanood.

Ano kayang magandang panoorin? Romance, thriller, comedy, horror, action?
Hmmm. Pag romance parang ang boring naman non. Pag thriller at comedy di ko naman feel panoorin ngayon. Kung horror naman di pa naman gabi.. action na lang kaya para naman di nakakaantok. Tama. Eto na lang.

Isip isip ko habang pinindot na ang action movie na papanoorin namin ni Kean. Natapos na si Kean maghugas ng pinggan kaya naman tumabi na siya sa akin.

"Tumalikod ka Sierra. Susuklayan ko buhok mo" sinunod ko ang sinabi niya. Gawain niya nang suklayan ang buhok ko at nasanay na akong ginagawa niya ito. Hindi kasi ako mahilig suklayin ang mahaba kong buhok at hindi naman ako pala alis para ayusin din ito.

Maya maya lang natapos na siyang suklayin ang buhok ko. Tumayo siya at nagpunta ng banyo, pagkalabas niya may hawak na siyang pantali sa buhok. Umupo ulit siya at nagsimula namang ibraid ang buhok ko.

I find it sweet kapag gantong tinatalian niya ang buhok ko. Kahit simpleng bagay lang.. ramdam kong maalaga siya ng sobra sa akin.

Nang matapos niya akong ibraid humarap na ako sakanya.

"Damn it Sierra! Ang ganda mo parin kahit anong ayos ng buhok mo." Mangha niyang sabi.

"Sus nangbola ka pa. Ikaw talaga" bahagya kong tinapik ang pisnge niya.

"Totoo nga. Ang cute mo nga din eh" sabi niya pa at kinurot ang pisngi ko. Yinakap niya ako at parang pinanggigilan ako sa higpit ng yakap niya. Hinalikan niya rin ang balikat ko at maya maya lang kumalas na rin siya sa yakap.

"Anong gusto mong panoorin" tanong ko. Baka ayaw niya netong pinili ko.

"Anything you want, basta ikaw ang kasama ko" sabi niya habang nakatitig sa akin. Inakbayan niya ko at nilapit niya pa ang sarili niya sa akin. Niyakap ko naman siya.

Eto ang gustong gusto ko sa relasyon namin. Napakacliny namin sa isa't isa at hindi mapaghiwalay pero nirerespeto namin ang personal space namin pag kailangan. Kasi hindi naman palagi nakadepende kami sa isa't isa.

"Okay mahal ko" sagot ko at sinumulan na namin panoorin ang pelikula.

Sa kalagitnaan ng movie nangawit kami kaya naman napagisipan namin na humiga kaso pang-isang tao lang ang kasya dito sa couch namin. Siya muna ang humiga sa couch.

"Here. Higa ka dito sa akin" sabi niya habang tinatapik ang dibdib niya. Sinunod ko na ang sinabi niya at pumatong na sa ibabaw ng katawan niya. Pagkaharap ko sakanya, ngumuso siya kaya naman lumapit ako para bigyan siya ng halik.

"Ang bango mo Sierra ko" banggit niya at napatawa ako. Yumakap na ako sakanya habang nakahiga sa chest niya. Nakabukas ang aircon at malamig kaya naman yumakap din siya sa akin pabalik at kinuha ang kumot sa gilid ng couch para kumutan ang aming katawan.

Nang malapit nang matapos ang movie hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Naramdaman ko pang may humalik sa ibabaw ng ulo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's My Sweetest ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon