King's POV
"May gusto po ako kay Kassandra nanay"
Ito agad ang narinig ko pagpasok sa kusina kaya hindi muna ako agad pumasok, nandito talaga si Pascual saamin ngayon at ang walanghiyang pascual pati si nanay dinudumihan ang utak.
"A-ano kamo?!"
Hindi makapaniwalang sagot ni 'nay."At gusto ko po sanang ipaalam sayo na gusto ko rin po s'yang ligawan"
Dugtong pa ni Pascual."Aba ayos lang saakin hahaha sa katunayan natutuwa ako na may manliligaw sa anak ko jusmeyo pwede na akong mamatay panginoon ko"
Tuwang-tuwang sagot naman ni nanay. Kingina!"Talaga po? O-okay lang sainyo?"
Hindi makapaniwala si pascual kay nanay, kahit ako rin naman."Oo anak, pero makakaasa ba ako na hindi mo sasaktan ang anak ko? Na hindi mo sya paiiyakin? Na hindi mo sya iiwan? Na hindi mo sya lolokohin?"
Sunod sunod na tanong ni nanay.Tumayo si Pascual at hinawakan ang kamay ni nanay.
"Hindi ko po maipapangako na hindi sya iiyak, na hindi sya masasaktan pero pinapangako ko po na sakaling umiyak sya handa po akong mabasa ng mga luha nya at kung masasaktan sya ako po muna at pangako ko po na mamahalin ko sya higit pa sa sarili ko"Literal akong napanganga sa narinig, oo napanganga lang ako at hindi kinilig. Siguro mahilig manood ng love story itong si pascual kaya ganoon na lamang ang pananalita nya, ako kasi action ang paborito ko.
Ang mga pangako na yan mapapako lang yan.
"Alam na ba to ni Kassandra?"
"Opo, kinikilig nga po iyon kanina sa kotse pati sa school"
Nakakalokong sagot ni pascual na ikinatuwa ni nanay.Anak ka ng!
"Talaga?!! Natutuwa akong marinig iyan, sana dumating ang araw na maisip ng anak ko na iba sya sa mga lalake"
Alam ko na babae ako nay pero hindi ko na maalis sa sarili ko ang maging lalake at hindi ko rin alam kung may puso ba ako o wala para magmahal ng ibang tao maliban sainyo
"Basta ba seryoso ka sa anak ko eh makakaasa ka sa suporta ko anak, kung may kailangan kang malaman tungkol sa anak ko itanong mo lang saakin ha"
Dagdag pa ni nanay at tinapik pa si pascual sa balikat.Ibenebenta na ba ako ng sarili kong ina?
"Thanks po nanay, pero gusto ko po na ako mismo ang makaalam ng mga bagay na gusto at ayaw nya, its okay po kahit matagalan ako hindi po ako mapapagod na suyuin at kilalanin sya"
Sinungaling ang kingina, kaya ba tumawag sya kay Clein at nagtanong kung ano ang gusto ko? Tsk!
"Ganoon ba? O sya ikaw bahala"
Nagsimula na ulit si nanay mag slice ng biko para kay Madam Choi.
"Pero sa tingin mo may gusto rin ba saiyo ang anak ko?"
Concern na tanong pa ni nanay dahilan para matigilan si pascual."Wala at malabong mangyari iyon"
Sabay na lumingon yung dalawa sa pagsulpot ko."Anak kanina ka pa ba diyan?"
Gulat na tanong ni nanay."Oho pero hindi muna ako pumasok baka kasi maistorbo ko kayo, ako pa naman topic nyo"
Mapait na sagot ko bago tinapunan ng nakakatakot na tingin si pascual na agad nyang sinuklian ng kindat.Kumag
"Anak nanliligaw pala sayo si Lance bakit hindi mo sinabi saaki-
"Umuwi kana pascual dahil walang mangyayaring ligaw ligaw, yung tungkol sa project ko kakausapin ko na lang ang dean"
Hindi pwedeng malaman ni nanay na may punishment ako.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo [On-hold]
Novela JuvenilPare Tol Tombs Tibo Iho, at kung anu-ano pa. Ito ang madalas itawag saakin ng mga taong hindi ako kilala at kahit yung ilan na nakakakilala saakin. Noong una, ayoko dahil nasasaktan ako. Nakapanliliit. Pero hindi ko sila masisisi kung ito ang tingin...