——————————————
CHAPTER 50ALDI'S POV
Hindi naging madali sa'kin na kalimutan si Gab. Bawat segundo'y siya lang ang nasa isip ko. Minsan pa nga ay na-aapektuhan na ang pagtuturo ko kaya pinatawag ako kahapon sa Office ng Admin.
Sinabihan ako na kung may problema daw ako ay 'wag kong dalhin dito sa eskwelahan dahil hindi daw ako magiging epektibong guro kung palagi nalang akong natutulala at wala sa sarili.
Sa pagkakataong ito, mga kaibigan at pamilya ko ang naging takbuhan ko. Tinutukan ako ng mga kaibigan ko lalo na sila Jeylon at Cree baka daw may gagawin akong ikapahamak ko.
Naging madilim ang makulay kong buhay. Minsan nalang akong magsalita, hindi ako umiimik kapag tinatanong pero nakikinig lang ako.
Lumipas ang ilang linggo ay gano'n parin ako sa eskwelahan. Natataka na ang mga co-teachers ko kung anong nangyari sa'kin. Si Ricardo lang ang may alam sa kanila.
Isang araw ay may nag-report na isang estudyante ko sa Admin na hindi nadaw nila naiintindihan ang lesson na tinuturo ko. Kaya muli akong pinatawag.
Lumabas ako ng opisina na bakas sa mukha ang lungkot at dismaya. Para akong pinaulanan ng napakaraming problema.
Doble ang sakit na nararamdaman ko. Una, ang paghihiwalay namin ni Gab at ang pangalawa'y tinanggal ako sa aking trabaho.
Pinagalitan ako ni papa dahil sa nangyari. Sinayang ko lang daw ang propesyon ko. Hindi ako tumugon sa sermon ni papa bagkos ay tumulo lang ang luha ko. Hinang-hina na ako.
The saddest part of life is when the person who gave you the best memories becomes a memory.
Hindi naman namatay si Gab pero parang gano'n nadin.Makaraan ang dalawang buwan ay sinubukan kong itayo muli ang aking mga paa. Mabuti nalang at parating nand'yan sa tabi ko si Jeylon na umalalay sa akin para makabangon muli.
"Hindi ka babalik sa dating Aldi kung hindi ka gagawa ng aksyon. Hindi na babalik si Gabriel dahil may sarili na siyang pamilya. Aldi 'wag mong hayaang malunod ka sa lungkot. Do you think he'll be happy if he will see you that your drowning yourself in sadness?"
Umiling lang ako habang nakayuko. Nasasaktan parin ako kapag naiisip ko na magkakapamilya na si Gab.
"Dalawang buwan na ang nakalipas at sa tingin ko ay gumagawa na si Gabriel ng hakbang para makalimutan ka niya. Dapat gano'n din ang gawin mo. Get up and be a man!" Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko para ako'y kumalma sa kakaiyak.
"Hays ang lakilaki mo na pero iyakin ka parin. Gusto mo bang bugbugin ko ulit si Gabriel dahil sinaktan ka niya?" Umalis ako sa pagyakap niya sa'kin at sinuntok ang braso niya.
"Arekup!" Daing niya. "Ba't mo 'yun ginawa?"
"Tange ka kasi!"
"Himala," ngiting bigkas niya, bakas sa mukha ang pagka-gitla. "Mabuti naman at umimik kana ngayon. Ilang buwan kadin kasing hindi nagsasalita Baby Aldi. Pero kailangan ba talagang suntukin mo ako para lang makapagsalita ka? Tss"
"Ginawa ko 'yun dahil sinabi mo kanina na be a man eh 'di naman ako purong lalaki. Bakla ako Jey, bakla ako." Inirapan ko siya. "Secondly, pinaalala mo muli sa'kin 'yung pagsuntok mo kay Gab at may balak ka pa talagang bugbugin siya muli." Matalim ko itong tinitigan. Nakakainis kasi.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
قصص عامةMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...