"Please Anthony, huwagwag mong hayaang tuluyang lamunin ng kasamaan si Ariella. She's a good child, nagsimula lang ang kalbaryo namin sa kanya nang makilala niya ang kriminal na Marlo na yun. Save my little girl, she still have chance." May luha sa mga mata ng matandang Santillan.
Hindi napigilang hindi makaramdam ng simpatya ni Anthony dahil sa tanawing nasa harapan. Malaki na ang idinagdag ng edad no Ronaldo Santillan mula nang una niyang makilala ito three-fours years ago. Noong ipakilala siya ni Ariella bilang kasintahan dito. Sa tabi ay ang parang gulay na kabiyak na kasalukuyang nasa wheelchair.
"Gawin mo ang lahat para mabulok sa kulungan ang walaghiyang lalaking iyon na nagtulak sa anak namin sa madilim at maruming landas." Puno ng galit at pagkamuhi sa tinig ng matanda.
At lalo pang nahabag ang binata nang umungol si ginang Santillan na tila sumasang-ayon sa tinuran ng asawa. Marahas siyang huminga sa nakikitang anyo ng dalawa. "Gagawin ko po ang lahat upang pagbayarin ni Marlo ang krimeng ginawa niya, hindi lang para sa inyo kundi pati na rin sa ibang inagrabyado at pinapatay niya." Nakuyom ni Anthony ang kamao habang sinasabi iyon. Hindi siya makapaniwalang may taong kayang gumawa ng ganoong krimen. Rape, murder, Embezzling of funds, at pati na rin ang lumalalang drug trafficking sa bansa.
Walang kasing-sama ito at pati ang matandang si Mrs Santillan ay nagawa nitong pagbantaan at sabihan ng masasakit na salita na siyang dahilan ng pagkaka-stroke nito. At ang pinaka-malala ay sinusulsulan pa nito si Ariella, na ayon sa resulta ng test ay nagte-take na rin ng mataas na klase ng shabu, na itakwil ang mga taong umaruga at kumupkop rito.
"Do that, but please. At sana'y maiwasang madamay si Ariella nakikiusap ako."
"Gagawin ko po ang lahat. Pero kung mapatunayang may nalabag siya maliban sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay kailangan niyang pagbayaran iyon."
Lumaylay ang balikat ng matanda. "Yeah, let's pray that it wont come to that point. Naniniwala akong hindi pa tuluyang nilalamon ng kasamaan ang anak ko." Malungkot nitong bulalas.
Sumubo ng favorite niyang cheesecake si Cash at ipinagpatuloy ang pagtsi-check ng test papers ng mga estudyante. Kasalukuyan siyang nasa Maid Cafe siya, ang pinaka paborito niyang café sa buong mundo. Weeh? Bolera aniya sa sarili. Katatapos lang ng monthly exam ng mga bata. And again it was very tiring. Mula sa paggawa ng mga test questions hanggang sa pagrereview sa mga ito, lahat iyon ay trabaho niya. Kaya naman,t times like this, kahit out of budget na siya ay tini-treat niya talaga ang sarili.
She relaxed for a bit at dinukot ang cellphone sa bag bago igala ang paningin sa loob ng cafe. Eversince she found out about this café, ay hindi na siya nagtangkang pumunta sa iba. Bakit pa eh narito na lahat ang mga gusto. Especially her favorite drink, the "infiniTea".Tipikal na inumin lang iyun kung tutusin pero dahil hindi tinipid ang ingredients ay talaga namang satisfying ito kapag iniinom. Idagdag pa ang magandang ambience ng lugar.
One of the café's main attraction ay ang mga servers nito na pawang mga babae. They are all lovely maiden na puro mga singles. Well, most of them are college students doing partimes ayun sa pagkaka-alam niya. Nakakatuwa pang nagpapalit ang mga ito ng uniforms linggo-linggo which is inspired by Lolita doll.
Naalala niya ang moment na sinamahan siya ni Anthony doon. That day, she found out that Stacey's aunt owned the cafe.
Nabulabog ang pag-iisip sa biglang pag-vibrate ng cellphone na hawak. She already had four missed calls and five text messages from Anthony. Bigla'y nakaramdam siya ng excitement para basahin ang mensahe nito.
'Where are you?bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.'
The next message was
'Bakit hindi ka pa rin pumupunta sa bahay.'

BINABASA MO ANG
Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap mo
Romance"Nevertheles, her eyes automatically close when she felt his warm lips claim hers in a very gentle and soft way." Sa murang edad ay namulat sa realidad ng buhay si Cash. Lumaki sa pangangalaga ng mga bakla at walang ideya kung sino ang mga totoong m...