24

22 1 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis ng quadrangle
kung saan sumayaw sila Neo ng hindi nababangga ng mga tao dahil parang akong bangag na naglalakad. Tulala, wala sa sarili. Di makaget over sa pamatay na performance kanina...

"Huy Sab!"

Para pa rin akong bangag na naglalakad. Parang wala akong naririnig sa paligid ko. Hindi ko alam kung nasa tabi ko ba si Chloe.

"Sabrina!"

Parang powerpoint presentation na biglang nagflash sa utak ko lahat ng napanood ko, kung pano sya swabeng gumalawa, kung gano ka-hot ang facial expressions nya, at ang paghihip thrust nya...

"ARAY PUTANGINA!" halos matanggal na ang ulo ko na ng may bumatok sakin ng malakas! Agad kong hinanap kung sino iyon at nakita si Chloe na nakapamewang at salubong ang kilay.

"Ano gising ka na ba?! Baka gusto mo pa ng isa para magising ka talaga-"

"Tangina! Bat bigla bigla ka namang namamatok jan?!" inis na tanong ko. Ang sakit kaya!

"Para ka kasing patay na naglalakad jan! Ano ka walking dead?! Kanina pa kita tinatawag di mo ako naririnig!" inis ring sabi nya.

"Di mo naman kelangan mamatok!! Ang sakit kaya tanginamoka!!" inis ring sagot ko.

"Tanga! Kung di kita binatukan baka ngayon plakda na yang mukha mo sa sahig dahil di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Ano ba nangyari sayo! Kanina okay ka naman! Ngayon parang wala kang kaluluwa!" pakikipagtalo nya pa. "Wait! Siguro kaya ka ganyan dahil kay Neo no?! Di ka makaget over sa pamatay na performance nya ano?!" bigla nya akong inasar asar! Di naman ako nakasagot dahil yun ang totoo piste!

"W-wala! Hindi yon! May iniisip lang ako!" dahilan ko pa.

"Sus! Wag ako Sabrina! Siguro iniisip mo yung mukha nya habang nagsasayaw, yung hip thrust nya-"

"Ewan ko sayo San Jose! Halika na nga! Punta tayo ng canteen, nagugutom ako!" inis ko pang aya sa kanya, tinawanan lang ako ng gaga, azar!

Nagkalat naman ang mga booth dito sa school. May Kiss Booth, Jail Booth, Marriage Booth at iba pa. Malas mo nalang kung mabiktima ka ng Jail Booth, bayad lima pangpyansa.

Pagdating naman sa canteen..

"Ate Sab! Pwede po magpapicture? Hehehe." lumapit pa samin yung grupo ng boys na mga first year.

"Ah, sige sure!" awkward na sabi ko pa. Pagtapos ng picturean ay nagpasalamat pa sila bago nagtatatakbo, tuwang tuwa dahil nakapagpapicture daw sakin.

"Naks peymus! Fansign mo naman ako idol!" inirapan ko lang si Chloe at dumiretso na sa pila. Busy naman ako sa pagtingin ng pwedeng makain, si Chloe naman busy sa katext. Nagsalpak na lang ako ng earphones sa tenga at nagsoundtrip. Medyo mabagal umusad ang pila.

"Ay kalabaw ka!" nagulat ako ng biglang higitin ni Chloe ang kamay ko at tumakbo, dahil hawak nya ay napasunod ako!

"Chloe anoba! Bat tumatakbo ka! Bitawan mo nga ako!" pero mas lalo nyang hinigpitan. At halos manlumo ako ng makarating kami sa classroom na nagsisilbing Jail Booth. Agad naman ako umeskapo pero hinawakan ako ni Chloe.

"Hindi! Dito ka lang!" sabi nya pa habang hinihigit ako.

"Bat mo ako hinuli! Ano ba meron?!" inis na tanong ko.

"Hulihin daw yung nakaearphones na violet eh!" tawa pa ni Chloe. Asar dahil violet ang earphones ko!

Hinatak na ako ni Chloe at ipinasok na sa Jail Booth. Lima ang andon sa loob. At dumagundong ang kaba ko dahil...

Andito rin si Neo.

Inis nya pang niligpit ang earphones na violet din at sinalpak sa bulsa. Natulala lang ako sa kanya. At para akong kinuryente ng magsalubong ang mata namin..

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon