*HER'S POV*Simula pagkabata alam kong hindi ako tunay na anak ng nanay at tatay ko. Simula kasi ng magkaisip ako. Walang araw na hindi pinaparamdam sakin ng nanay ko na hindi nila ako tunay na anak.
Nang hindi ako makatiis, nung sumapit ako sa ikalabing walong gulang tinanong ko ang tatay ko. At dun ko napatunayan na hindi nya nga akong tunay na anak.
Nakita nya lang daw ako sa labas ng simabahan. At dahil naawa sya sakin, inampon nya ako. Pero hindi ako tanggap ni nanay.
Mahirap lang kami. Si nanay ay naglalabandera habang ang tatay ko ay construction worker. Nagpapasalamant parin ako sa nanay at tatay ko na kinopkop nila ako. Kahit lagi akong pinag-iinitian ni nanay hinahayaan ko nalang.
Habang lumalaki ako hindi maiwasang mag-isip at magtanong. Bakit iniwan ako ng magulang ko sa labas ng simbahan? Bakit nila ako inabanduna? Bakit nila ako iniwan?
*HI'S POV*
Lumaki ako sa marangyang pamilya. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko pero pakiramdam ko may kulang sakin. Lahat naman nagagawa ko ng walang may tumututol. Pero kapag ginagawa ko ko na ang gusto ko bigla akong nakakaramdam ng lungkot. Parang may mabigat sa dibdib ko na hindi malaman. Pakiramdam ko isa akong ibong naka kulong sa malaking hawla.
Mag-isa, walang nakikita at walang kakulay-kulay ang paligid. Hindi ko alam kung pa'no makakawala sa kulungan. Pakiramdam ko nakakulong ako sa nakaraang hindi ko matandaan.
BINABASA MO ANG
GUNS
Teen Fiction(COMPLETED) Iba't-ibang kwento ng buhay ay nagtagpo ang mga landas. Unang pagkikita ay hindi naging maganda. Puro pag-aaway at bangayan kapag nagkita-kita. Matapos kaya sila sa pag-aaway? O hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral ay gan'on parin...