St. Luke's Hospital.
Hindi parin talaga makontak ni Cathy si Xander. Napakailap nito sa mga tawag kaya't nagpasya na muna siyang bumalik sa hospital ward. Matagal narin kasi niyang iniwan doon ang mag-lola at maging ang dugo sa daliri niya'y natuyo na. Alibi pa naman niya ang pagpapagamot dito. Pero sa halip na intindihin ang sugat sa kamay ay nauwi lang ang sa pamomroblema sa komplikadong situwasyon ng asawa ang larga niya. Nakalimutan tuloy niyang humingi ng band-aid sa nurse's station.
"Oh... what took you so long?" Puna't aya agad ni Madam Ramona nang makapasok siya sa pinto. "Where did you go, hija? Did they take care of your wound?"
"Lola..." hinto naman muna niya rito sa pagsasalita, sabay sulyap din doon sa natutulog na si Zion.
"... I need to ask you something po."
Kinuha niya ang parehong kamay ng matanda at saka ito inaya sa gilid kung saa'y nagkausap sila kamakailan lang. Alam niyang nagtataka ang ginang kaya hindi narin niya gustong patagalin pa ang paghihintay nito.
"You look so nervous, mi amor," ani ni Lola Ramona na nakamasid. "Go on, my child... what is it?"
"Lola... may alam po ba kayo kung bakit malaki yung galit ni Señora Amelia sa'ting mga Del Viñedo?"
"What do you mean?"
"Kung may chance po ba na... may dahilan kung bakit... gano'n siya sa'tin?"
"Why are you asking this question all of a sudden?" Napakunot nitong tanong.
"Uhm..."
Bigla tuloy siyang nablanko. Inaasahan pa naman niyang magiging madali lang ang pagtatanong niya rito ngunit heto siya't mukhang mapapaamin ata nang di oras.
"... kasi po..."
"... kasi..."
"What's going on? Ano bang ginawa ni Amelia?" Sunud-sunod namang kuwestiyon ng mapilit na matanda.
Napatitig nalang tuloy siya't napanganga. Ayaw pa sana niyang ikwento ang mga kaganapan sa opisina dahil baka mangunsumisyon na naman ang ginang na galing sa bakasyon. Pero mentras na pinatatagal niya ang pagtatago dito'y lalo pa siyang pinipiga ng masusing interogasyon. Paano ba siya magpapaliwanag nang maayos?
"Cathy," banta na ng lolang naghihintay.
"... Tell me the truth. I can handle it."
Pakurapkurap ang mga mata niyang dulot ng labis na pagdadalawang-isip. Napasubo na ata talaga siya, hindi na niya kayang maglihim pa. Wala rin naman kasing saysay kung itatago niya ang problema sa chairwoman at punong mayari ng kompanya. Ang dalangin na lang talaga niya'y maging mahinahon ito kapag nalaman na nito ang totoo.
"Aalisin po nila si Xander, Lola..." amin na niya sa wakas. "Aalisin po nila si Xander sa DVG..."
* * *
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...