"Kuys, 'wag na po kayong magalit. It's part of my job naman po e." Sabi ko kay kuya Alex. Humihingi kasi ako ng tulong sakanya na sabihin kina mama at kuya Magnus na hindi ako makakasama sa outing.
"Tangina naman kasi 'yang boss mo, 'di alam kung ano'ng holiday."
"I know right, kuys." Inuga-uga ko siya para magising.
"Bakit ngayon mo lang kasi sinabi sa'kin? Alam mo naman yung utak ni Magnus." Umupo siya sa higaan niya.
"Kaya nga ginising kita ng maaga kasi hindi na kita naabutan kagabi. Tulog-mantika ka kaya kuys, buti sana kung napakadali mong gisingin."
"So, kasalanan ko pa?" Tinuro-turo niya 'yung sarili niya.
"No, I'm not saying that. Ang saakin lang, please sige na tulungan mo na ako." Kinusuot-kusot ko pa yung mata ko. Grabe yung effort ko ngayon a, alas sais pa lang ng umaga pero andito na ako sa kwarto ng kuya ko at kinukulit na siya. Isa sa mga pinaka-ayaw ni kuya Alex ay yung ginigising siya ng maaga. Kaya palagi siyang sinesermonan ng boss niya dahil palagi siyang late.
"Sige na, sige. I'll see what I can do." Sabi niya at bumalik sa paghiga.
"No kuys I'm not done yet," Inuga-uga ko siya ulit, "Bangon ka diyan. May sasabihin pa ako."
"Ano na naman?" Naiiritang sabi niya.
"Pumunta kana sa kwarto ni kuya Magnus ngayon tapos ikaw dapat yung unang makita niya 'pag gumising siya. Sabihin mo sakanya 'yung tungkol saakin bago pa siya makalabas ng kwarto, okay?" Sana naman ay hindi palpak 'tong plano namin.
"Hindi 'yon magagalit. Ako'ng bahala sa lalaking 'yon." Aniya. Ibinalik niya ang kumot sa katawan niya at sinipa ako paalis.
"Salamat kuys, the best ka talaga!" Sabi ko.
"Ge, don't forget to lock the door when you leave." Maya-maya pa ay narinig ko na ulit siyang humihilik. Bahala na, tutulungan naman ako ni kuya Alex e.
Bumalik ako sa kwarto ko. Matutulog nalang ako ulit para paggising ko, okay na yung lahat at alam na ni kuya Magnus na hindi ako aalis. I closed my eyes and took a nap.
"Tangina naman kasi. Martin, open the door!" Isang malakas na katok mula sa pintuan ang naging rason ng upang magising ako. Shit akala ko may lindol.
"Magnus naman," Naririnig ko na parang nagaaway yung mga tao sa labas.
"Ano ba 'yan sobrang ingay. Natutulog pa ako. Ano ba!" Sigaw ko.
"Martin, open the door." Nagsitayuan bigla 'yung balahibo sa batok ko nang mapagtanto kong si kuya Magnus pala yung tumatawag sa'kin. Agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan para buksan ang pinto.
"Kuys," Bumungad saakin ang naiinis na mukha ni kuya Magnus at ang naiiritang si kuya Alex.
"Ano ba 'tong narinig ko mula kay Alex na hindi ka raw sasama? Ano 'to..." Hindi ko na siya maintindihan sa rami ng sinasabi niya. Pakiramdam ko kasi na lumulutang pa ako sa cloud nine. I'm still sleepy and I need coffee.
"Magnus, be reasonable. Alam mo naman kung anong trabaho ng kapatid natin. Stop acting like a child!" Sigaw ni kuya Alex kay Magnus.
"No, Alex. Napapansin ko na habang tumatagal ay lumalayo na 'yung loob ni Martin sa pamilya niya. It's all because of that stupid company!" Sabi niya habang may tinu-turo sa labas. Teka ano ba'ng pinagsasabi nitong mga 'to? Bakit nasali ang pamilya?
BINABASA MO ANG
HIS NEW SECRETARY (Boyxboy)
RomanceMontenegro Series Book 1 - HIS NEW SECRETARY --- Martin Cortez, isang simpleng lalaki na naghahangad ng simpleng buhay, ang mapapasubo sa isang trabaho dahil sakanyang ina. Hindi niya inaasahan na maaaring magbago ang kanyang buhay at pananaw dahil...