CHAPTER ONE
( A Normal Days of Siblings )
--------------
•• •• •• ••
HAIDEE P.O.V.
NAKASANAYAN NA NAMIN ANG BAGO NAMING BUHAY. Ang magkakasama kaming magkakapatid, ang paminsan minsang away, kulitan at asaran. Hindi naman yun mawawala diba. Sabi nga nila normal lang yun.
Dumaan ang one month at naka survive pa kami. Nasanay narin kami na kami lang at walang mga magulang sa tabi namin para mag guide. Kahit nga sa meetings sa school wala sila. Si Cyrll lang at si Ricca ang nandoon para umatend sa meeting. Minsan na isip ko, hindi kaya sila nasasakal sa ganitong situation? I mean, wala na sila ma syadong oras sa kanilang 'own life'.
Kasalanan ito ng mga magulang namin e. Pero in the other side mas gusto kong wala sila dito. Dahil hindi ako proud sa kanila. Kinamumuhian ko sila.
"Haidee, halikana. Naghohintay na si Cyrll sa Van." Si Ricca. Nasa pinto.
"Ah oo, papunta na ako diyan."
Sasamahan ko si Ricca at Cyrll na mag grocery. Kailangan kong sumama dahil may bibilhin din ako para sa project namin.
About sa school --- Wala. Wala namang magandang nangyari. Kasi invisible parin ako doon. Good thing, walang bully masyado kaya makakahinga ako ng maluwag-luwag.
"What's up, ang tahimik mo." Napatingin ang dalawa sa akin. Si Ricca katabi ni Cyrll. Ako itong nasa likuran. Mukha nga talaga silang mama at papa ko. How I wish sila nalang ang mga magulang ko.
"Wala. May naisip lang." Bumaling ako sa bintana. Sa Mall ang punta namin.
And speaking of Mall. Nandito na nga kami. Nag park na si Cyrll sa sasakyan sa ilalim ng Mall.
Pumasok na kami sa loob ng Mall. Hawak ni Ricca ang kamay ko. Si Cyrll naman ay nakasunod lang sa aming dalawa.
Una naming pinuntahan ang school supplies. Bumili ako ng styro-balls. Yung pinaka malaki. Gagawa kami ng mga planets. Sampu ang binili namin kaya medyo malakilaki ang bibitbitin ni Cyrll. Bumili narin ako ng iba pang mga kagamitan, like, glue, glitters, coloring materials and so on. Pagkapila naming tatlo sa counter ay nakita ko si Fritzy at mga kaibigan niya na sina Anna, Bianca at Lance. Nasa kabila sila ng lane.
"Si Haidee yun teh, diba?" Ang bakla.
"Look o, she's with the handsome ang pretty people."
"Baka kaibigan niya."
Hindi ko nalang sila pinansin. Bakit ba may nakikialam sa buhay ko?
"Haidee. Ikaw ba pinaguusapan nila?" Nabigla ako sa boses na bumulong sa tinga ko kaya nasapak ko kaagad si Cyrll. Lumayo naman kaagad si Ricca at tumawa. "Mukhang nagulat kita."
"S-sorry."
"Ano bayan napaka sadista niya."
"Oo nga"
Napalingon ako sa direksyon nila Fritzy. Nakita kong titig na titig si Fritzy sa akin. Anong problema nito?
Naalala ko tuloy kung ilang beses kong inayawan si Fritzy. Lagi niya akong sinasama pero lagi rin akong umaayaw. Hanggang sa nagsawa na ata siya kaya tumigil na rin sa kakakulit.
"Haidee, tayo na." Napabalik ang tingin ko kay Cyrll. At umabanti na ako para ilapag ang iba pang mga gamit. Matapos yun ay nagbayad na si Cyrll.
BINABASA MO ANG
The life of RICH SIBLINGS
Fiksi RemajaIba-iba ang ugali meron ang mga tao. Iba-iba kasi ang nakakalamuha nila at nakasanayan. Sa pamilya walang perpekto, lahat ay naaayon sa kanilang gusto. Ako si Haidee Valleroz. Mula sa mayayamang angkan ay nagsasabing hindi biro ang mabuhay kasama an...