Prologue

93 9 3
                                    

Sa mundo na nababalot ng mga misteryosong mahika at salamangka,  isang digmaan ang nabuo sa lupain ng Lameria. Ang dating matiwasay na kapaligiran at pamumuhay dito ng payapa, tila napalitan ng galit at pagkamuhi ng iba't ibang lahi ng taga lamerian.

"Mga lapastangan! Hindi niyo ba ako nakikilala? Isa akong Regiis!" Puot-galit pinagsisigaw ng heneral na nakasuot ng gintong baluti sa mga taong kumakalaban ngayon sa kanya, pero walang alinlangan sumugod ang isa sa mga ito hawak ang matatalim na ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mga lapastangan! Hindi niyo ba ako nakikilala? Isa akong Regiis!" Puot-galit pinagsisigaw ng heneral na nakasuot ng gintong baluti sa mga taong kumakalaban ngayon sa kanya, pero walang alinlangan sumugod ang isa sa mga ito hawak ang matatalim na kurbang kutsilyo. "Magtigil ka! Isa ka lang plebeius" sigaw ng heneral.

Ngumiti lamang ang isang plebeius sa natamong sugat ng heneral sa braso at bente. Nahihirapan itong tumayo sa pagkakaluhod dahil sa daming dugong naiwala nito sa tindi ng sugat. "Sinabihan na kita noon heneral. Ang pagiging mapagmataas mo iyong sarili ang siyang kikitil sa iyong buhay."

"Paalam, Heneral" sambit ng pinuno ng plebeius at mabilis na sinugod ang halos naghihingalong heneral ngunit bigla nalang sumabog ng apoy ang pagitan ng dalawa kayat napaatras ang katawan ng mga ito sa pwersang dulot na namuo nito.

Isang hukbo ng veneficus na nakalutang sa himpapawid at nakasuot ng robang pilak.

"Ignis Sphera" Nagpaulan ang mga ito ng nag-aalab ng mga bolang apoy sapagkat hindi ininda ang kunsinoman matamaan nito.

"Aqua flecte" daling-daling sigaw ng isa sa mga plebeius para madepensahan sila sa mga nag-aapong bola papunta sa kanila. 

Sa kabilang banda nawala  sa wisyo ng mga plebeius ang sugatang heneral na ngayo'y dali-daling tumakas sa gitna ng labanan. Sugatan man ay di alindana ng heneral ang sakit na dulot ng sugat na natamo at patuloy parin sa paika-ikang lakad-takbo nito sa kinaruruon ng hukbo ng Regiis. Ngunit sa hindi inaasahan napaslang ito ng isang Dimidiatus.

"Kawawang nilalang." Sabi nito sa napaslang na heneral na ngayo'y nakahandusay na sa lupa. Gamit lamang nito ang espadang nagliliyab sa apoy na asul. Kung pagtutuusin hindi naman talaga ito naaawa, sapagkat kasalungat panga ito sa nararamdaman ng isang Dimidiatus.

"Kahit isang Regiis pa iyan. Hanggat nandito tayo sa digmaan walang pinipiling estado sa buhay ang kumakalaban sa ating layunin." Sabi ng kasama niyang isa ding Dimidiatus.



Isa lamang ito sa mga eksenang naganap ng digmaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isa lamang ito sa mga eksenang naganap ng digmaan. Ang isang lahi ay kinikitil ang buhay ng isang lahi. Mapa plebeius man na sinasabing mababang antas ng lipunan ng lameria. Ang Regiis ay isang dugong bughaw na lumalatay sa mga ugat niyo. Ang Veneficus ay binubuo ng mga ibat ibang lahi ng salamangkera. Ang dimidiatus naman ang ay magkahalong dugo ng tagalabas na sinasabing lapastangan sa kahariang Lameria.




Sa kabilang banda tanaw na tanaw ng nakarobang itim ang lahat ng pangyayari; lahat ay nagpapatayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa kabilang banda tanaw na tanaw ng nakarobang itim ang lahat ng pangyayari; lahat ay nagpapatayan.
Napansin niyang kumilimlim ang kalangitan at galit na galit na tunog ng kidlat nito. Napabalik siya ng tanaw sa digmaan na naganap. Saan man siya magtingin tila bumabahid ng dugo ang kapaligiran nito. Ang sigaw ng paghihirap, pagkamuhi at paghihiganti ang mga tanging niyang naririnig.

Lumipad siya sa himpapawid at nagtungo sa palasyo kung saan naandoon mismo ang Origo na sanhi na pinag-aawayin ng mga ito. Pumasok siya sa isang malaking silid na kahit na pinapupugarang ito ng mga ibat ibang makapangyarihang salamangkera at kawal sa labas, ay walang kahiraphirap niya itong napasok na hindi siya nito napapansin.

Pinagmasdan niya ang hiyas na tila ang ibat ibang kulay na sumasalalim nito ay sumasayaw sa buong silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagmasdan niya ang hiyas na tila ang ibat ibang kulay na sumasalalim nito ay sumasayaw sa buong silid. Napakaganda talaga nitong pagmasdan at napakapangyarihan. Kaya nakapamahalaga talaga nitong hiyas at dapat hindi mapasakamay sa maling tao.Lumapit siya sa hiyas at nagpakawala ng katagang, "Ubi concordia, ibi Victoria"


Naalerto ang mga salamangkera at kawal sa labas ng silid ng yumanig ang buong palasyo. Napansin ng mga ito ang ilaw ng sumisilip sa ibaba ng pinto ng silid ng hiyas. "Kawal, buksan niyo ang pinto" utos ng isang salamangkera matapos nitong tanggalin ang nakaharang na mahika sa pinto ngunit ilang ulit nila itong tulak hindi man lang gumalay ang pinto. Kaya mas lalong naalerto ang mga salamangkera at ginamitan na ito ng mahika.

"Fulgar tonitrua!" Sambit ng isang salamangkera ngunit wala man nangyari sa pinto at parang bang hindi ito nagalusan sa tindi ng mahikang kidlat na dulot nito. Nagulat ang mga ito sa nakita kaya minabuti nilang pagtulong-tulongan sirain ang pinto ng silid ng hiyas.

"Ignis Sphera! Turbinis Vasti!harenae Flecte!" Sabay sambit ng mga ito.

Sa akalang nabuksan na nila ito, bumukas nalang ang pinto at nilipad sila ng malakas na hanging nagmumula sa pinto ng hiyas. Sumilaw ang puting ilaw hindi lamang sa buong palasyo kundi narin sa buong lupain ng Lameria.

N/A: matagal na ito sa draft ko. Feel ko lang ipost ito. Maybe  i unpublished ko kapag hindi ko naman feel hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Greatest WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon