𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 4: 𝙁𝙤𝙪𝙣𝙩𝙖𝙞𝙣

23 3 1
                                    

Crhys's POV

"I'm still dumbfounded." sabi ni Kaliah.

Dismissal na nga pala, at nandito na kami sa dorm, nandito rin si Dean. Simula  nung nakausap ni Kaliah si Laettner, ay hindi na namin siya makausap ng maayos.

Ano bang problema ng babaeng ito? Baka crush niya si Laettner, pero may boyfriend na siya. Hays, ang gulo ng inaasta ng babaeng toh.

"Alam mo Kaliah muntanga ka." biglang sabi ni Dean.

"Grabe ka! Di lang ako makapaniwala na maririnig ko ulit boses niya."

"Sana ol sis. Samantalang ako, 3 years na dito, di ko parin naririnig boses ni Laettner! Ang daya!"

"Bakit gusto niyo marinig boses niya?" tanong ko.

"Nako Crhys. Bihira lang yun magsalita, pag sinabi kong bihira, bihira talaga! Hindi din yun natingin man lang sa mga estudyante. Ang tagal ko na dito, pero feeling ko di niya pa alam existence ko!" nagpupunas si Dean ng pekeng luha.

"Ahh, okay. Sige pupuntahan ko muna si Mr. Ballinger. " sabi ko.

Pinatawag niya kasi ako.








"Narinig ko ang nangyari sayo kanina. Kamusta ka naman?" bungad niya saakin.

"Okay lang po ako. Pero nagulat po ako sa mga nangyari. Buti nalang po nandon si Laettner."

"Laettner Ortega?"

"Opo. Siya po yung tumulong saakin." ngumiti ako.

"Where was Kaliah?"

"Hindi po kasi kami magkaklase. Kaya wala po siya nung time na yun."

Tumango lang si Mr. Ballinger at parang may malalim na iniisip.

"Anyways. I have a good news for you. Hindi na dito magtratrabaho si Sir Balthazar dito, simula ngayon."








After ng pag uusap namin ni Mr. Ballinger, parang gusto ko muna magpahangin.

Nasa likod ako ng dorm namin, malaking Building ang dorm namin, at mataas. Kanina, nakita ko ang lugar na ito sa bintana ng kwarto namin. May malaking fountain dito, pero puno ng lumot. Halatang walang masyadong napunta dito, at hindi na nagagamit ang fountain.

Feeling ko abandonadong lugar na ito. Pero oh well, di nga kasi ako duwag.

"Ikaw nanaman."

Eh? May nagsalita ba? Eh wala namang tao dito.

Syempre hinanap ko kung sino ang nagsalita at laking gulat ko nanaman ng makita si Laettner sa kabilang dulo ng malaking fountain.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sakanya, as usual, naka black hoodie siya ulit at black jogger pants.

"I should be the one asking you that, bakit ka nandito?"

"Wala lang. Nagpapahangin."

"Tambayan ko ito."

"Tapos?" wala naman akong pake kung tambayan niya toh.

Lumapit siya saakin saka tiningnan ako sa mga mata. Grabe naman makatingin 'tong lalaking ito! Ang pogi, kyaaahhh! Pero kailangan kong kumalma.

"Aren't you scared of me?"

Lumapit pa siya lalo! Sobrang lapit na ng mukha namin. Siguro mukha kaming naghahalikan sa malayo. Teka lang bat ko naiisip ito!

"B-bakit ako matatakot?"

Inosente nga lang ako! Pero di ako duwag!

Parang nakita ko siyang ngumiti. Wait, ngumiti siya? Baka mali lang ako. Imposibleng ngumiti saakin ang isang Laettner Ortega.

"Come here." pinatabi niya ako sakanya.

Kaya umupo ako sa tabi niya. Sa edge kami ng fountain umupo. Kahit malumot, umupo parin ako.

"Thank you pala." bigla kong sabi.

"For what?"

"Yung kanina, si Sir-"

"Don't mention his name. Kumukulo dugo ko."

"Okay." grabe siya.

"This is our third encounter Crhys." humarap ito saakin.

"Alam ko, pano mo nalaman pangalan ko?" iniba ko ang topic.

"That's none of your business."

Ano ba naman yan. Ang pangit kausap ng isang toh. Nag tatanong lang naman eh. Huhu.

"Is this Destiny?"

"Huh?!" baliw din pala ang isang toh.

"Lagi kitang nakikita. Siguro destined tayo sa isa't isa." saka siya nagpakita ng pilyong ngiti.

"Naniniwala ka sa destiny?" tanong ko sakanya.

Wag mo akong sabihan na destiny toh! Kinikilig ako! Hahaha. Ano ba naman toh, may crush ba ako sa mamamatay tao? Oh no.

"Maybe? Wala naman sigurong masamang maniwala sa destiny diba? Lahat ng tao ay may itinakda para sakanila. Tulad ko, itinakda akong pumatay ng tao." tumawa siya ng bahagya.

"Tinakda o pinili mong pumatay?"

Napatingin ulit siya saakin dahil sa tanong ko.

"Both."

Simula nun ay wala na saamin ang nagsalita pa. Totoo ba ito? Nakikipag usap ako kay Laettner. Di ko pa siya kilala, at wala din akong alam about sakanya, pero interesado ako sa lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako takot sakanya, parang sinasabi ng isip ko na wag siyang katakutan, kundi kailangan ko muna siyang intindihin.

Tumayo na siya at aalis na ata.

"Oh right, I forgot to give you something." bumalik siya.

"Ano yun?"

Di niya ako sinagot, kundi kinuha niya ang kamay ko saka may nilagay doon, at tuluyan na siyang umalis.

Syempre tiningnan ko agad ang nilagay niya sa kamay ko..

It was three pieces of gummy worms in a small plastic.








"Kaliah! Kwentuhan mo nga ako about kay Laettner."  humiga ako sa kama niya saka sumiksik doon.

"Bakit ka curios? Yieeeee! May crush na si Cryhs."

"Hindi ah!" halata ba ako masyado?

"Saan galing yang tatlong gummy worms mo?"

"Secret." sagot ko sakanya.

"Tss. Pag yan may lason! Bahala ka sa buhay mo. Ano magpapa-kuwento ka ba about kay Laettner?"

"Syempre!!!"

Sardonyx Academy: School of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon