25

18 0 0
                                    

Sana pala, hindi ko nalang inamin.

Matapos ang moment na yon sa loob ng Jail Booth, naging ilag sakin si Neo.

Hiniling ko pa na sana, hindi masira ang friendship namin sa gagawin ko, ngayon parang unti unti ng nawawala dahil umiiwas sya sa akin..

Tapos na ang foundation day last week. Naging busy ang lahat nitong nakaraang week pagkatapos ng foundation day, hinahabol lahat ng mga namiss dahil sa recent activities. 1 week nalang at Christmas break na, sa friday gaganapin na ang Christmas Party namin.

1 week na akong iniiwasan ni Neo.

Kada lalapitan ko sya, bigla syang umiiwas, pag tinatawag ko sya, di nya ako pinapansin.

Nagsisisi tuloy akong umamin ako sa kanya.

Nakakatawa no? Pag aamin ka sa kaibigan mo na gusto mo sya, bigla ka nyang iiwasan. Pwede naman sigurong manatili nalang ang pagiging magkaibigan nyo, dahil di ka naman nya kaya gustuhin pabalik.

Siguro tinutulungan ka lang nyang magmove on sa kanya sa pamamagitan ng pag-iwas nya.

Ilang araw na rin akong lutang. Laging nag-iisip. Paminsan minsan nagpupunas ng luha para di mapansing naluha sa naisip. Para akong patay na naglalakad. Nagtataka na sila Chloe at Jade sa kinikilos ko, at nagtataka din sila dahil hindi sumasabay sa amin si Neo.

"Tumayo ka jan!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Jade. Nakapamewang sya at salubong na salubong ang kilay.

"B-bakit?" takang tanong ko.

"Lunch na tanga! Sa sobrang lutang mo di mo na namalayan!" inis nyang sabi sa akin.

Agad naman akong tumayo at normal na kumilos. Kinuha ko ang cellphone, wallet at baon ko sa bag. Bigla naman akong hinila ni Jade palabas ng classroom.

"Aray! Wag mo naman ako hilain! Lalabas naman talaga tayo ah!" inis na sabi ko.

"Hindi na ako makatiis sayo! Last week, isang linggo akong nagtiis sa kabangagan mo! Ngayon di ko na kaya! Pag-uusapan natin yang problema mo!" nagulat naman ako sa tinuran nya. Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa makarating kami ng field. Andun na si Chloe at nakaupong hinihintay kami.

"Ano? Sa sobrang bangag, di na makapaglakad ng maayos? Kelangan na kaladkarin?" sarkastikang tanong ni Chloe ng makarating kami.

"Upo!" sigaw na utos ni Jade. Napaupo naman ako ng nagtataka.

"Bat ka ba naninigaw?!" inis na ring tanong ko. "Kung mainit ulo mo, wag mo ko idamay! Kung may problema kayo sa akin, sabihin nyo!"

"Oo may problema talaga kami sayo!" inis na sigaw rin ni Chloe. "Ilang araw ka ng bangag, para kang patay na naglalakad! Minsan nahuhuli ka pa naming nagpupunas ng luha! May problema ka ba?! Siguro bilang kaibigan mo kami ang unang makakaalam ng pinagdadaanan mo!"

"May problema ba kayo ni Neo?" deretsang tanong ni Jade.

Natigilan ako. Nakakahalata na siguro sila. "Napansin ko lang na hindi na sya sumasabay sa atin. Ni hindi ko rin sya makita! May problema ba kayo? Nag-away ba kayo?" sunod sunod na tanong niya pa.

Pangalan pa lang ni Neo ang naririnig ko, naiiyak na ako. Ibinaon ko naman ang mukha ko sa mga kamay ko at hindi na pinigilan pa ang sama ng loob. Umiyak ako.

"Huy Sab!" dinig ko pa ang nag-aalalang tinig ni Jade na lumapit sa akin. "Bat ka umiiyak? Sorry kung medyo naging harsh kami. Nag-aalala lang talaga kami sayo." sabi nya pa hanggang hinahagod ang likod ko. Umiyak lang ako ng umiyak.

"May problema nga talaga sila ni Neo." dinig ko pang sabi ni Chloe na inaalo rin ako.

"K-kasi, b-bat ba kasi ako umamin.." sabi ko pa habang humihikbi pa.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon