CHAPTER 9

82 36 5
                                    

PATRICIA'S POV

"Pa'no ba yan? Hindi muna ako makikisabay sa inyo dahil tutulungan ko pa si Alden. Mauna na kayo, ingat!" Paalam ko sa mga kaibigan ko

"Ingat ka ren, chat ka sa GC natin kung nakauwi ka na" sabi ni Eric habang kumakaway kaya tumango na lang ako at tinalikuran na sila

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang tignan ang mga couple na nadaanan ko sa school garden. Ano kayang feeling na magka-jowa? Curious talaga ako. Pero sa totoo lang, hindi ko ma-imagine na may boyfriend ako like anong pag-uusapan namin? Kung kumain na siya? Kung anong favorite number niya sa electric fan? Kung may napatay ba siyang lamok sa bahay nila? O kung ano ang masasabi niya tungkol sa suliranin ng ating bansa?

Kung sakaling magka-boyfriend ako gusto ko ako 'yung prologue at epilogue niya. Swerte niya sa'kin sakale kase hindi naman ako selosa pero kapag nakita ko siyang may kasamang iba edi salamat na lang sa lahat.

Nasaan kaya ngayon 'yung future boyfriend ko atsaka anong ginagawa niya? Siguro nagpapakatanga pa siya sa iba ngayon, noh? O kaya baka kinder pa lang 'yung mapapangasawa ko. Okay lang 'yan baby, sayaw ka muna ng chikading diyan.

"Patricia" agad akong napahinto sa pagmo-monologue nang may tumawag sa'kin kaya luminga-linga ako at nakita ko si Alden na nakatayo malapit sa library habang nakapamulsa

"K-kanina ka pa diyan?" Gulat na tanong ko

"Hindi naman, kakarating ko lang halos. Mag-umpisa na tayo" aniya at nagpaunang maglakad papasok kaya naman sumunod agad ako sa kanya

Nilagay ko ang bag ko sa upuan at nilabas ang mga notebook ko. Inisa-isa ko munang tinignan ang mga nasulat ko bago 'yon ibinigay kay Alden.

"Alam mo ba yang mga about sa phobia? Hindi ko alam kung bakit naging topic namin 'yan last week eh hindi naman siguro related 'yan sa subject natin" sabi ko habang nililipat isa-isa ang pages ng notebook ko "ano ang decrescophobia?"

"Fear of gaining weight"

"Hydrophobia?"

"Fear of deep water"

"Atichiphobia?"

"Fear of failure"

"Astraphobia?"

"Fear of thunder storm"

"Alam mo naman na pala 'yang mga 'yan eh. Eto na lang...what are the parts of microscope?"

"Body tube, revolving nosepiece, low, medium and high power objective, stage clips, diaphragm, source of light, eye piece, arm, stage, coarse adjacent, fine adjacent knob and base" tuloy-tuloy na sabi niya kaya naman namangha ako

"W-wow" hindi makapaniwalang sabi ko "Sana all alam 'yan, college na tayo pero konti lang ang alam kong parts niyan"

"Napag-aralan na 'yan noong high school kaya naman hindi na mahirap para sa'kin 'yan" aniya kaya tumango-tango ako

"Sabagay, pero ayoko kasi ng Science kaya naman kinakalimutan ko ang mga pinag-aaralan about diyan" natatawang sabi ko

"Bakit naman? Science is fun"

"Jusko! Fun ba kamo? Anong fun do'n eh parang Math 'yang subject na 'yan na may kailangan pang i-solve punyeta nakakapiga ng utak! Isa pa 'yang Math na 'yan nako pag nakita ko lang kung sino nag-imbento niyan masasakal ko siya" pagrereklamo ko sa kanya kaya natawa siya

Behind the Broken Glass (ONGOING)Where stories live. Discover now