Shem Keziah

178 6 0
                                    



Chapter One

Shem Keziah Point of View


"Sigurado ka na bang wala kang nakalimutan bilin?"

"Wala na Kuya. Daan nalang tayo mamaya dun sa perfume shop"

First day of school ko na bukas.

First year college na ako. BSBA ang course ko. Actually, si mama ang pumili nun para sakin. Darating din daw kasi ang panahon na kaming dalawa ni Kuya ang magmamanage ng business namin. Wala akong nagawa dun kahit na ang gusto kong kuning course ay BS History. Mahilig kasi ako sa history. Gustong gusto kong pinag-uusapan ang mga nangyari dati at ang mga sinaunang lugar at tao.

Ako nga pala si Shem Keziah Santos. 17 years old. Dalawa lang kaming magkapatid ni Kuya Aedan Joseph. Fourth year college na siya ngayong pasukan at pareho kami ng kursong kinukuha. Palaging wala sa bahay sina mama at papa kaya madalas kaming dalawa ni Kuya ang magkasama. May kahigpitang taglay si Kuya pagdating sakin. Mas takot pa nga ako kay Kuya kaysa kay mama at papa. Laging nangunguna sa lahat ng subject si Kuya at Deans lister sya. Hindi naman sa pagmamayabang ay nakatapos ako ng high school na Magna Cum Laude. Simula nga Kinder hanggang sa High School ay si Kuya ang umaattend at umaakyat sa stage para isabit sa leeg ko ang mga medals na natatanggap ko.

"Hindi ka na ba nagsawa sa pabangong yan? Simula yata nung elementary ka yan na ang ginagamit mo" tukoy ni Kuya sa hawak hawak kong Gianni Versace. Ganun naman talaga e. Kapag talaga gusto at paborito mo ang isang bagay ay hindi mo iyon papalitan hanggat wala ka pang nakikita o nahahanap na deserving ipalit diba? Oh ayan naghuhumugot na ako. Dami dami kasing pinapatry sakin ni Kuya e hindi ko naman trip ang amoy.

Sinalubong kami ni Kuya Ron. Isa sa mga driver namin. Kinuha niya ang bitbit ni Kuya Aedan at inilagay iyon sa sasakyan. Sinabi ni Kuya na diretso na kami sa bahay at doon nalang daw kami kakain ng dinner. Iniiwasan kasi ni Kuya ang trapik. Isa kasi sa ugali ni Kuya ang pagiging mainipin. Ayaw niya ng nag-aantay.

"Kuya mag-shift kaya ako ng course pagdating ng second year. Hindi naman malalaman nila mama yun eh. Hindi ko kasi talaga gusto ang course ko Kuya.... pleaseeeeeee"

"Dapat mag-number 1 ka sa dean's list for the whole year. Kapag nagawa mo yun kakausapin ko sila mama"

"Kuya naman. Bago palang ako sa sch-"

"Ayaw mo yata eh?"

Eto ang pinakaayoko sa Kuya ko eh. Mahilig sa mga deal deal na iyan. Pero promise naman kapag nagawa mo at napatunayan mo sa kanya ay gagawin niya ang pinangako niya. Saka alam ko naman na hindi ako matitiis ni Kuya e. Mahal na mahal kaya ako niya. Kaya hindi ako nagkakajowa eh dahil din kay Kuya. Natatakot siguro ang mga gustong manligaw sakin.

"Deal na Kuya"

Matapos namin kumain ni Kuya ay naupo muna ako dito sa tabi ng swimming pool namin. Soundtrip. Browse sa facebook at kwentuhan sa group chat namin ng mga kaibigan ko. Sayang nga at hindi na kami magkakasama sa eskwelahang papasukan namin. May mga magtatrabaho na at ang iba naman ay sa ibang university papasok. Kung pwede nga lang na sa iisang university nalang kami pumasok para hindi na kami mahirapan mag-adjust ulit. Ang hirap kasi kapag wala pang kakilala sa school. Nakakahiyaaaaaaaaa!

"Sasabay ka ba sakin o magpapahatid ka kay Kuya Ron?"

Ganito pala pakiramdam ng first day of school. Nakakakaba na excited. Kagabi ko pa nga iniisip kung ano itsura ng room at kung Malaki ba ang pinagkaiba sa high school. Hindi kami nakauniform ni Kuya. Sinabi niya na kapag first day of school ay nakacivillian lang daw at ganun din every Wednesday. Wash day daw ang tawag dun.

My No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon