Chapter 2

101 2 0
                                    

847 Community by Julius P. Bergado
Chapter 2

Isa isa nang inaayos nila Daniel, Miggy at Cristine ang kanilang mga gamit sa loob ng bahay na nakuha nilang rentahan sa loob ng isang buwan. Maayos ang bahay na nakuha nila. Sa kanila lamang iyon. Up and down. Gawa sa kahoy. Kamag anak na lamang ng may ari ang nagbabantay roon kaya napakiusapan nila.
Nakaupo sa silya si Cristine. Badtrip.
"Daniel, ano ba tong pinasok natin? Hindi ko maintindihan yung patakaran na sinasabi ng Chairman dito! Ano ito baliwan? Kailangan talaga gawin yung sinasabi niya? Sa tanang buhay ko hindi pa ako nakakapatay ng tao. At ayokong pumatay!"
Pabagsak na iniligay ni Cristine ang Canon Camera niya sa ibabaw ng kama. Tumayo sya sa bintana. Pinagmamasdan niya ang mga tao sa labas. Para talagang Manila ang lugar na iyon. Marami ding chismosa ang nasa labas. Yung mga bata naglalaro sa kalye. Paroon at parito ang mga tao. Usual na itsura ng isang compound sa Manila.
"Nandito na tayo. At may dahilan naman kung bakit tayo nandito. Kailangan na lang natin mag ingat kung totoo nga yung sinasabi ng Punong Barangay dito. Hindi ko din ma gets kung bakit kailangan pumatay at kung bakit ganon ang patakaran dito. Anong problema sa lugar nila? Fuck!" sagot ni Daniel.
"Mga Journalists tayo guys. Sa profession natin, interesting itong lugar na napuntahan natin. Malay nyo dito na tayo makilala ng mga tao. Di ba eto naman yung goal natin, ang sumikat tayo? So all we have to do, gawin na lang natin lahat ng mga magagawa natin para sa bubuuin nating documentary."
Wika ni Miggy.
Hindi na umimik sina Cristine at Daniel. Natigilan sila nang makarinig sila ng mga boses na nagsisigawan sa labas. Sumilip sila sa bintana. May mag asawa na nag aaway. Binubugbog ng lalaki ang babae.
"Oh my God kawawa naman yung babae. Miggy, tulungan natin!" nag aalalang sabi ni Cristine. Plano na sana nitong lumabas ng bahay para awatin ang lalaki pero pinigilan ito ni Daniel.
"Wag kang lalabas. Dito ka lang, Cristine." sabi ni Daniel. Inilabas nito ang Camera at kinunan ng video ang komosyon na nakikita sa labas ng bahay.
Nakita nilang parating ang mga Tanod, mga Kagawad at ang Punong Barangay, buong akala nila ay aawatin ng mga iyon ang mag asawang nag aaway pero wala. Dire diretso lamang ang mga iyon na dumaan at parang walang nakita. Deadma lang din ang mga tao. Nanonood lang.
"Gago ang mga tao dito! Gago ang mga opisyal sa lugar na to! Tingnan mo yung babae kulang na lang patayin na ng asawa niya wala silang ginagawa. Dinaanan lang nila! Bullshit! Anong klaseng tao sila? Mga walang pakiramdam? Deadma lang sa nakikita nila?!" galit na galit na sabi ni Cristine kina Miggy at Daniel. "No way! Hindi makatao yan! Kailangan kong tulungan yung babae!" mabilis na lumabas si Cristine ng bahay at dali daling pinuntahan ang mag asawang nag aaway sa gitna ng daan. Hinabol ito nina Daniel at Miggy.

"Manong, itigil mo yang pananakit mo sa asawa mo!" sabat ni Cristine. Bigla nitong hinarang ang suntok ng lalaki at dumaplis sa kanang braso niya. Umiiyak ang asawa ng lalaki. Nakaupo sa semento. Consistent ang mga taong nanonood sa kanila. Parang nanonood lang ang mga ito ng isang malaking pelikula
"Wag kayong makikialam sa amin! Away naming mag asawa ito! Umalis ka dyan!" galit na utos ng lalaki.
"Maawa ka sa asawa mo, Manong! Bugbog na sa suntok ang katawan niya!" sagot ni Cristine. Nanginginig siya.
"Cristine, wag na tayong makialam sa kanila!" utos ni Daniel. Hinila nito si Cristine palayo sa mag asawa.
Biglang tumunog ang sirena ng Brgy. Nagkagulo ang mga tao. Nagkanya kanya ng tago, takbo at pasok sa loob ng bahay.
"Anong nangyayari?!" tanong ni Cristine.

"Tulungan nyo ako!!"
Isang binata ang tumatakbo mula sa kabilang kalye. Hinahabol ito ng isang lalaki na may hawak na itak.
Nagtakbuhan ang mga tao. Ang iba ay sumilip sa bintana ng kani kanilang mga bahay.

"Shit!" nasabi na lamang ni Miggy at Cristine nang makitang pinagtataga ng lalaki ang binata.
Bumulagta ang binata sa gitna ng kalye. Duguan. Patay. Ang lalaking nanaga parang wala lang sa kanya. Lumakad lamang ito na parang walang nangyari. Napayakap kay Daniel si Cristine. 1st time sa tanang buhay niya ang makakita nang harap harapan na taong tinataga.
"Daniel, ayoko na dito. Umuwi na tayo ng Manila. Mamamatay tayo dito!"
"No Cristine. Hindi tayo makakalabas dito hanggat hindi pa tayo umaabot ng isang buwan. Isa pa, may sadya tayo sa lugar na to. Miggy, kunan mo ng video dali!"
Mabilis na inilabas ni Miggy ang camera at kinunan ng footage ang binatang nakabulagta sa kalye.

Isang malakas na sigaw na naman ang umalingawngaw sa kinaroroonan nila nang may bumagsak na tao mula sa isang apat na palapag na bahay. Patay ang babae. Basag basag ang bungo. Duguan.

"Bumalik na tayo sa bahay! Dali!" utos ni Daniel.
Nakita nilang mas nagkakagulo. Takbo dito, takbo roon, sigaw sigaw doon. Patay doon. Patay dito.
30 minutes left matatapos na ang tatlong oras na sinasabi sa kanila ng Punong Barangay.
Isang matandang babae ang duguang hila hila ng isang lalaki sa gitna ng kalye.
Halos manginig sa takot si Miggy pero patuloy pa din sya sa pagkuha ng footage. Walang lumalapit sa kanya para pigilan sya. Malaya siyang nakakapag video coverage.
5mins.
4mins.
3mins.
2mins.
1min
Time is over.
Parang sing bilis ng kidlat ang biglang pagtahimik ng buong Community. May mga iilan na uling mga tao ang lumabas sa kalye.
Mabilis na pumasok sa loob ng bahay si Miggy.
Nanginginig pa din sa takot.
"Tang ina! Para tayong nasa impyerno nito! Anong kabaliwan itong napasok natin? Maaari tayong mamatay dito!" sabi ni Miggy. Kumuha ito ng isang basong tubig at uminom.
"Kailangan nating mag ingat. Itutuloy pa din natin ang documentary natin. Lakasan natin ang mga loob natin. Kailangan lagi tayong handa kung sakaling tumunog uli ang sirena ng Brgy, ihanda natin ang mga camera natin para makakuha tayo ng mga footage." wika ni Daniel.
"Bullshit! Eh paano kung tayo na pala ang papatayin magcocoverage pa din tayo? Kukunan na lang natin ang isat isa habang pinapatay tayo?!" naiiyak na sabi ni Cristine.
Hindi agad nakasagot si Daniel.
"Cristine, sabi ng Punong Barangay dito mamamatay ang taong takot at hindi palaban. So kung magpapakita ka ng takot, mamamatay ka. Wala na tayong magagawa nandito na tayo.
Hindi tayo papayag na may mamatay na isa sa atin. Mga Journalists tayo ihanda na lang natin ang mga sarili natin kung anong pwedeng mangyari sa atin. Pero gawin natin ang profession natin. Kailangan lang natin maging alerto sa lahat ng oras. Hindi tayo pwede magtanga tangahan dahil anumang oras ay tutunog ang sirena ng Brgy. Kaya natin to. Kung kailangang pumatay para makaligtas tayo gagawin natin." sabi ni Daniel.
Hindi na umimik sina Miggy at Cristine.

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon