847 Community by Julius P. Bergado
Chapter 3Quarter to eleven ng gabi. Hindi makatulog si Cristine sa kinahihigaan niya. Hindi maalis sa isip niya ang mga eksenang nakita niya kanina sa gitna ng kalye. Isa isang nagfa -flashback sa utak niya ang pananaga ng lalaki sa binata na walang kalaban laban, ang pagkahulog ng isang babae mula sa 4th floor ng isang apartment at ang duguang matandang babae na hila hila ng isa sa mga residente doon. Fuck! Napabalikwas siya ng bangon. Wala ng ingay sa labas. Tahimik na. Nakikiramdam siya. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Medyo madilim na ang kalsada. Wala siyang makitang tao na palakad lakad.
Kinuha niya ang dlsr camera niya at dahan dahang lumabas ng bahay na tinutuluyan nila.Dumadampi sa balat niya ang malamig na simoy ng hangin. Nagdadala iyon ng kakaibang kilabot sa kanya. Wala siyang marinig na kahit anong ingay. Mga tulog na ang mga tao.
Lumakad siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta hawak niya lamang ng mahigpit ang camera niya. Ramdam niya ang pagkalabog ng dibdib sa kaba. Hindi niya alam kung anong maaaring mangyari sa kanya.
Habang naglalakad siya ay bigla siyang napahinto nang makarinig siya ng mga boses na nag uusap sa kabilang kanto ng lugar na iyon. Dali dali siyang nagkubli sa mga drum na naroon sa tabi.
"Paano tayo makakaalis dito, Tonyo? Sabi ko naman kasi sayo kung paaalisin lang tayo sa Sampaloc at dito tayo ililipat ng matitirhan sana edi na lang tayo dito tumuloy. Miserable ang buhay natin dito. Natatakot na ako. Hindi natin alam baka tayo na susunod na mamamatay." umiiyak ang boses ng babae.
"Ano pa bang magagawa natin? Dito tayo ipinalipat ng Gobyerno. Okay na nga sana tayo doon sa tabi ng riles. Malay ko ba na ganitong lugar ang madadatnan natin!" sagot ni Tonyo sa asawa. Nakalagpas na ang mga ito sa pinagkukublihan ni Cristine.
Nakatago pa din si Cristine sa likod ng mga drum.
Napa - puzzle siya. Hindi niya pa din maintindihan kung ano bang klaseng lugar ang pinuntahan nila ng mga kasamahan niya. Maya maya ay may ilaw na tumama sa mukha ni Cristine. Ilaw iyon na nagmumula sa flashlight kasunod non may isang malaking boses ang nagsalita.
"Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nagtatago dyan?"
Napatayo si Cristine. Nagulat. Ang Punong Barangay. Kasama ang pitong kagawad na pare parehong nakasuot ng itim na damit.
Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Kinakabahan siya. Pero hindi siya nagpahalata.
"Good evening po, Sir Magallanes. Sinusubukan ko lang po kung gagana sa dilim itong camera ko. Gusto ko po sanang kunan ng footage ang lugar na ito habang walang mga tao at sa ganitong oras." alibi niya. Pero ang totoo hindi niya talaga alam kung bakit siya lumabas. Pinagpapawisan na siya.
Nagkatinginan ang mga taong kaharap niya. Pagkatapos nun ay lumapit ang mga iyon sa kanya.
Muling nagsalita ang Punong Barangay.
"Malaya nyong gawin ang lahat ng gusto nyo habang nandito kayo sa loob ng Compound maliban na lamang sa pagpatay. Hindi kayo pwedeng pumatay hanggat hindi tumutunog ang sirena ng Brgy. Lahat ng residente dito ay malaya silang kumilos, gawin ang lahat ng nais nila. Maaari kayong mag inuman sa kalye hanggang gusto ninyo. Basta hindi kayo maaaring pumatay ng tao hanggat hindi nagbibigay ng hudyat ang Barangay."
"Pero paano po kung magkaroon ng komosyon, magkaroon ng pagtatalo at merong masamang mangyayari tapos hindi naman tumutunog ang siren ng Brgy paano kung magkaroon ng saksaksan?" naguguluhan na tanong ni Cristine.
"Hindi pwedeng pumatay. Kapag may pumatay o lumabag sa patakaran at walang sirena ng Brgy, ang nakapaslang ay papaslangin din." sagot ng Punong Barangay.
"Paano nyo po masasabi yan? Ang tao kapag nagalit hindi niya nakokontrol ang sarili niya. Pwede siyang makapanakit!" naiinis na sagot ni Cristine.
Hindi sumagot ang Punong Barangay. Sinenyasan lang nito ang mga kagawad. Biglang hinawakan ng mga ito Cristine. Nagsisisigaw si Cristine pero mabilis na natakpan ng mga Kagawad ang bibig nito at hinila ito patungo sa kung saan.
Kinain ng dilim ang mga Kagawad, ang Punong Barangay. Tahimik na.
Saan dinala si Cristine at anong gagawin sa kanya?847 Community (FB Series) by Julius P. Bergado
Hindi pa man gaanong sumisikat ang araw nang magising na sina Daniel at Miggy. Wala sa loob ng bahay si Cristine. Nagtataka sila kung saan ito nagpunta. Dali dali silang nag ayos. Nilabas nila ang kanilang mga camera. Hahanapin nila si Cristine. Hindi nila alam kung saan ito nagpunta. Nag aalala sila baka napaano na ito. Nagtataka sila kung bakit hindi man lang ito nagpaalam sa kanila.
Palabas na sila ng bahay nang makita nila ang dalawang puting sobre na nakalapag sa tapat ng pintuan.
Nagkatingnan sina Daniel at Miggy. Ito yung sinasabi ng Punong Barangay na makakatanggap sila ng sobre na naglalaman ng taong dapat nilang patayin. Pero, para saan? Bakit kailangang gawin iyon? Parang pang baliw na ideya lamang ang ganon. Walang matinong tao ang gagawa ng ganon. May sa demonyo yata ang mga opisyal ng komunidad na napuntahan nila. Anong meron sa lugar na iyon bakit ganon?
Maraming tanong ang gumugulo sa isip nila ngayon. Pero kailangan nilang hindi umalis sa lugar na iyon dahil hindi pa nila natatapos ang misyon nila.
Tig isa nilang dinampot ang mga puting sobre sa labas ng pintuan. Binuksan nila agad. Ang nakalagay sa sobre ni Daniel ay ganito:
Isa, dalawa, tatlo. Kailangan gamitin ang pakiramdam. Maging alerto. Simulan na ang paghahanap sa taong kailangang paslangin. Tatlong oras lamang ang pagkakataon. Tenga, gamitin ang tenga sa pagtunog ng sirena. Babae. Babaeng nakasuot ng puti, na may malaking hikaw sa tenga. Isang babae na walang ginawa kundi saktan ang anak niya. Dapat. Dapat siyang patayin. O ikaw ang dapat patayin.Nanginig ang buong katawan ni Daniel pagkatapos basahin ang nakasulat sa sobre.
Ganito naman ang nakasulat sa sobre na nakuha ni Miggy.Isa, dalawa, tatlo. Takbuhan na. Lalaki. Lalaking palaban ang dapat paslangin. Igala ang sarili. Bagong mukha. Baka kaharap mo na siya. Kapag tumunog na ang sirena hudyat iyon na gawin mo na. Kung hindi mamamatay ka. Wag susubukang hindi gawin, sa huli ikay magsisisi.
Hindi nakakibo si Miggy. Napatingin siya kay Daniel. Napapaisip. Si Daniel ba ang tinutukoy ng clue na nakasulat sa sobre? Papatayin niya si Daniel? Shit! Kung si Daniel nga ang tinutukoy na subject sa sobre, hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya umiimik. Hindi niya namalayan na tinatanong pala siya ni Daniel kung anong nakasulat sa sobreng hawak niya.
"Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam, Daniel kung paano ko gagawin. Kabaliwan ito!" seryosong sagot ni Miggy.
Napapakunot noo si Daniel hindi niya ma gets kung anong sinasabi ni Miggy sa kanya.
"Tara na, hanapin na natin si Cristine." yaya ni Daniel kay Miggy.
Wala sa sarili na sumunod si Miggy kay Daniel.
Lumabas na sila ng bahay.
Maraming tao ang nakatambay ngayon sa kalsada. Payapa. Animoy namumuhay ng normal ang mga residente roon.
Nakakabaliw. Nakakaparanoid. Butil butil na ang pawis sa noo ni Miggy. Nauunang naglalakad si Daniel. Tumatakbo sa isip niya kung paano niya gagawin ang nakasulat sa sobre. Putang ina! Kailangan ba talaga itong gawin?! Kumukulo ang dugo niya.
Napahinto sa paglalakad si Daniel nang may makitang babae na kasing tulad ng description sa sobreng nakuha niya.
"Daniel, saan ka pupunta?" tanong ni Miggy.
"Hanapin mo si Cristine. Susundan ko lang yung babae."
"Bakit mo susundan iyong babae?" usisa ni Miggy.
"Basta!" madiin na sagot ni Daniel.
Umalis na ito. Pumasok si Daniel sa isang street na pinuntahan ng babae.
Hindi alam ni Miggy kung anong gagawin nya. Hahanapin ba niya si Cristine o susundan niya si Daniel.
Natigilan siya dahil biglang tumunog ang sirena.
Fuck! Sing bilis ng kidlat ang biglang takbuhan ng mga tao. Umingay ang buong paligid.
"Saklolo!!"
Parang boses iyon ni Cristine. Biglang nataranta si Miggy. Isinukbit niya sa kanyang leeg ang kanyang dlsr camera at tinakbo pinanggagalingan ng boses.
Pumasok siya sa loob ng bahay. Nadatnan niya ang isang babae na tinatangkang saksakin ng isang lalaki.
Bullshit! Hindi si Cristine.
"Kuya, tulungan mo ako!" sigaw ng dalaga. Habang nakasandig ito sa dingding ng bahay. Parang na freeze si Miggy nang makita niyang biglang inundayan ng saksak ng lalaki ang dalaga. Nakatakbo ang babae. Nakalabas ng bahay. Para lang wala siya sa lalaki dahil dinaanan lamang siya nito palabas ng bahay at hinabol sa kalye ang dalaga.
Sumunod siya.
Kailangan niyang iligtas ang dalaga.
Nasa gitna na sila ng kalye nang dumating ang mga opisyal ng 847. Bigla siyang pinigilan ng mga ito para habulin ang lalaking gustong pumatay sa dalaga.
"Anong kabaliwan to Sir Magallanes?! Tang ina, nagpapatayan ang mga tao dito sa komunidad mo! Ikaw ang pasimuno! Nakakagago ka! Demonyo ka ba?!" galit na galit si Miggy.
Bigla siyang sinuntok ng isang kagawad. Pagkatapos ay hinawakan ng mga tanod ang dalawang kamay niya para hindi siya makapalag. Hinawakan ng Punong Barangay ang mga panga niya at pilit na hinanap sa kanya ang sobreng nakuha niya. Pagkatapos ay sinampal iyon sa mukha niya.
"Isa kang hangal. Nakikialam ka sa hindi mo naman problema. Yan ang mahirap sa tao, mahilig makialam sa buhay ng may buhay kaya nalalagay sa alanganin ang buhay. Ikaw, alam mo ba kung sinong dapat sinusundan mo?"
Hindi umimik si Miggy. Masama niyang tinitingnan ang Punong Barangay.
"Ang kasama mo. Si Daniel. Siya ang kailangan mong patayin sa loob ng tatlong oras. Kung hindi ka pa kikilos mauubos ang oras mo. Ikaw ang mamamatay." dugtong ng Punong Barangay.
"Ulol! Ginagago mo lang ako! Ginagago mo kami! Ginagago mo lang ang mga tao dito! Sa tingin mo ba susundin ko ang nakalagay sa sobre na yan?! Isa kang hangal! Demonyo ka!!" galit na galit na sigaw ni Miggy.
Sinampal siya ng Punong Barangay.
"Mauubos ang oras mo. Journalist ka diba. Ngayon ipakita mo sa akin, sa amin ang tapang mo bilang journalist. Wag mo kaming susubukan. Kundi mamamatay ka. Hanapin mo na ang kasama mo habang may oras ka pa."
Bigla siyang binitawan ng mga tanod. At itinulak palayo sa mga ito.
"Tumatakbo ang oras. Hindi lahat ng taong nasa paligid mo ay kakampi mo. Maaaring traydurin ka din ng kasama mo. Unahan mo na at baka maunahan ka pa."
Hindi na nakapagsalita si Miggy. Parang sasabog ang ulo niya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung anong gagawin.
"Iligtas mo ang sarili mo bago ka magsisi sa huli." dugtong ng Punong Barangay pagkatapos ay iniwan na siya ng mga ito.
Nakatunganga lamang siya sa gitna ng kalye.
Wala na siyang choice. Kung susubukan niyang sundin ang sinasabi ng Punong Barangay ngayon hahanapin niya si Daniel.
Kung malalagay ang sarili niya sa ganong sitwasyon kailangan niyang maligtas. Hindi siya papayag na mamamatay siya sa lugar na iyon.
Hahanapin niya si Daniel. Kailangan niyang patayin si Daniel.
BINABASA MO ANG
847 Community by Julius P. Bergado (Completed)
Misterio / SuspensoSuspense - Action Thriller