Chapter 6

152 1 0
                                    

847 Community 
By Julius P. Bergado

CHAPTER 6

Hindi makatulog si Hamid sa kanyang kinahihigaan. Tulog na nang mga oras na iyon sina Alexxandria, Sanya at Jeck. Siya na lang ang bukod tanging gising nung mga oras na iyon. Pasado alas onse na ng gabi. Nakatingala siya sa kisame. Iniisip niya si Cristine. Iniisip niya kung paano niya mahahanap ang kaibigan. Hindi pala kaibigan. Si Cristine ang special na tao sa buhay niya. Meron pa siyang nais sabihin kay Cristine. Matagal niya na iyon inililihim sa dalaga. May pag ibig siyang nararamdaman sa kaibigan niya. Ilang beses niya na itong nailigtas sa kapahamakan. Matagal na silang magkakilala ni Cristine. Schoolmate niya ito sa UP Diliman. Nakilala niya ito dahil sa angking tapang at talino nito. Presidente pa ito ng isa sa mga sikat na organization ng UP. Mas lalo niya itong nakilala at napalapit siya dito nang magkaroon ng camping ang school nila na ginanap sa bundok ng Sierra Madre. Muntik na itong mahulog sa bangin habang umaakyat sila ng bundok. Mabuti na lamang ay nakita niya ito at agad niya itong sinaklolohan. Dahil doon ay naging malapit sila. Parati na silang nagkikita at nag uusap sa UP. Hanggang sa makatapos sila sa kani kanilang mga kursong kinuha. Siya bilang Criminology Student at si Cristine naman ay Mass Communication Student. At ngayon nasa kapahamakan si Cristine. Nag aalala siya. Kailangan niyang makita at mailigtas ang babaeng matagal niya ng pinapangarap na makasama sa habang buhay. Ang babaeng nais niyang pakasalan at ihahatid sa gitna ng altar. Ito na siguro ang pagkakataon na sabihin sa dalaga na mahal na mahal niya ito. Sobra siyang believe sa katapangan nito. Ngayon kailangan na kailangan siya nito. Hindi siya papayag na mapamahak ito. Handa niyang itaya ang kanyang buhay para kay Cristine. Para sa babaeng noon pa ay sinisigaw na ng puso niya.
"Hahanapin kita, Cristine. Ililigtas ko kayo ng mga kasamahan mo. Ililigtas kita."

Mag aalas sais pa lamang ng umaga nang magising na ang apat ng secret agent. Nag ayos na sila. Nagbihis. Lalabas sila ng bahay. Maglalakad lakad sa buong community. Pag aaralan nila ang lahat. Ang galaw ng mga tao, ang sistema, lahat.
Palabas na sila ng pintuan nang makakita sila ng apat na puting sobre. Dinampot nila ang mga iyon..tig iisa sila.
Binasa nila. Pagkatapos non ay nagtinginan sila sa isat isa. Ipinabasa nila sa bawat isa ang sobreng hawak nila.
"Brad, paglabas natin wag na wag kayong pahahalata na mga agent tayo. Umakto lang tayo na normal lang. Mag iingat sa lahat ng galaw. Wag tayong magtitiwala sa lahat ng makakasalamuha natin sa labas. Nasa paligid lang ang kalaban. Tara na!" lalaking lalaki na sabi ni Hamid. Mala Cardo Dalisay ito. Nakasuot pa ng leather jacket. Ganon din ang tatlong agent.

Naglalakad na sila sa kalye. Usual na itsura ng manila ang nadatnan nila. Iisipin mong nasa Manila ka at wala sa probinsya. Maraming tao. Hindi mo aakalain na ang lugar na iyon ay binabalot ng kung anong sistema na kumukontrol sa mga tao.

Habang naglalakad sila ay may batang lalaki ang lumapit sa kanila. Nakasuot ito ng sando at short.
"Bago lang po ba kayo dito?" bungad ng bata sa kanila.
Nagkatinginan sina Hamid. Sumagot si Sanya.
"Oo, bata. Ikaw matagal kana ba dito?"
"Tatlong araw pa lamang po. Pero ayoko na po dito sa lugar na ito. Natatakot po ako dito."
Nagkatinginan muli sina Hamid at muling bumaling sa bata.
"Bakit? Ano bang meron sa lugar na ito?" usisa ni Hamid. Habang nakikinig sila sa batang lalaki ay panay gala ng mga mata niya sa buong paligid.
"Nagpapatayan po ang mga tao dito sa lugar na ito. Sana nga po hindi na lang kami tumira dito. Nagsisisi nga po ang mga magulang ko kasi ganito po pala dito. Ang mga magulang ko po ay muntik ng mamatay. Mabuti na lamang po ay nakaligtas sila."
Napakunot noo sina Hamid, Alexxandria, Jeck at Sanya. Masyado silang naiintriga sa mga sinasabi ng batang kausap nila.
"Ano ba dapat ang mangyayari sa mga magulang mo?" kunway tanong ni Jeck.
"Kasi po meron po dito sa lugar na ito na puting sobre na nilalagay sa labas ng pintuan ng bawat bahay. Dun po sa sobre nakasulat kung sino po yung papatayin. Yung tatay ko po ang kailangan niyang patayin kahapon ay yung isang lalaki duon sa kabilang kanto kaso hindi niya po ito napatay. Nakatakbo po iyong lalaki. Tapos po yung tatay ko po, pinagbabaril po ng mga opisyal dito nakaligtas lang po si tatay."
"Paano siya nakaligtas?" mabilis na tanong ni Hamid.
"May patakaran po kasi dito sa 847 na kapag hindi mo napatay yung taong papatayin mo ay ikaw ang papatayin. Pero kapag tinangka na po nilang patayin ka at hindi po sila nagtagumpay sa araw na iyon, lusot ka na po sa araw na iyon. Kumbaga ligtas kana. Hihintayin mo na lang po na mapatay ka na ng tuluyan sa mga susunod na araw. Natatakot nga po ako para sa tatay ko!"
Kitang kita sa mga mata ng batang lalaki ang takot at pangamba. Nakaramdam sila ng awa.
"Ganon ba, maraming salamat sa impormasyon ah. Siyangapala ano bang pangalan mo?" tanong ni Hamid.
"Ako po si Lhei. Sampung taong gulang na po ako. Sige po, maiwan ko na po kayo. Siyangapo pala, may natanggap po ba kayong sobre sa labas ng bahay ninyo kanina?"
Sabay sabay silang tumango.
"Kapag po narinig nyo ang tunog ng sirena iyon na po ang hudyat na magkakaroon na ng patayan sa lugar na ito. Mag iingat po kayo!" pagkatapos nun ay tumakbo na ang bata palayo sa kanila.
Nagkatinginan silang apat. Ngayon unti unti na silang nagkakaroon ng ideya. Totoo nga ang nasa sobre. At talagang binabaliw ng mga namumuno sa lugar na ito ang mga residenteng naninirahan sa lugar na ito, sa 847 Community.

***
Halos mapasigaw sa hapdi si Daniel nang maramdaman niyang dumadampi sa braso niya ang tela na may halong alcohol.
Namataan niya ang sarili niyang nakahiga pa din sa sahig. Biglang nag sync in sa utak niya ang nangyari sa kanya sa kanila ni Miggy. Bigla niyang naalala si Miggy. Pinilit niyang bumangon. Dalawang bata ang nasa harapan niya. Dalawang batang babae.
"Yey! Thank you, Lord. Buhay pa po kayo." sambit ng isang bata.
Hindi siya makapagsalita. Hinahanap niya si Miggy. Napahinto siya nang makita niya si Miggy na nakahiga pa din sa sahig.
Pinagmamasdan lamang siya ng dalawang bata.
"Miggy...Miggy, gumising ka!"
Walang reaksyon buhat kay Miggy.
Bakas sa mukha ng dalawang bata ang lungkot. Nagsalita ang isa.
"Patay na po siya."
Duon siya biglang napahinto. Para siyang binuhusan ng malamig na tabig. Tila gumapang ang kakaibang kilabot sa buong katawan niya. Umalingawngaw sa tenga niya ang mga salitang iyon.
Patay na si Miggy. Namatay ang kasama niya..Shit! Hindi siya makapaniwala.
"Mabuti po kayo nakaligtas. Sa braso lang po kayo tinamaan. Pero yung kasama nyo po sa likod po siya tinamaan." wika ng isang bata.
Hindi alam ni Daniel ang nararamdaman nang mga oras na iyon. Lumipas na ang ilang oras, ngayon lang siya nagising at nang magising pa siya nalaman niyang patay na ang kaibigan niya. Ang katrabaho niya. Walang pakealam ang mga opisyal sa bangkay ng kaibigan niya. Hinayaan lang duon. At wala ding pakealam sa kanya kung natuluyan ba siyang patayin o nakaligtas siya.
Pinilit niyang tumayo kahit sobra pa din ang kirot ng sugat niya.
Nadaplisan lang pala siya. Hindi siya napuruhan. Sinadya ba ng mga opisyal na hindi siya tuluyan at si Miggy lang ang pupuntiryahin para mapatay? O sadyang hindi lang talaga siya natamaan ng bala.
"Lalabas na ako." sabi niya. Akmang lalabas na siya ng bahay na iyon subalit pinigilan siya ng dalawang bata.
"Wag po. Wag po muna kayong lalabas. Tatlong araw po dapat ang palilipasan ninyo bago kayo lumabas o makita ng mga tao. Pwede pa po kayong barilin ngayon kapag nakita kayong buhay pa kayo." sabi ng isang batang babae. Ayee ang pangalan nito at ang isa naman ay si Bridgette.
"Ganon din naman siguro kung lalabas ako ng bahay na to pagkatapos ng tatlong araw malalagay pa din sa alanganin ang buhay ko. Lahat ng mga tao dito nasa alanganin ang buhay." sagot ni Daniel.
Nagkatinginan sina Ayee at Bridgette.
"Pero magtago po muna kayo dito o wag na po muna kayong lalabas. Kami na po ang nakikiusap sa inyo. Wala na din po ang nanay namin. Patay na po siya." naiiyak na sabi ng batang si Bridgette.
Hindi siya nakapagsalita.
Pero may tumatakbo sa isip niya. Paano si Cristine? Paano niya maliligtas si Cristine?

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon