Chapter 9

140 1 0
                                    

847 Community by JP Bergado

Nagkalat ang mga basag basag na baso at pinggan sa sahig. Halos mawasak ang dingding ng bahay. Katatapos lamang ng sunod sunod na putok ng baril mula sa mga opisyal ng 847 Community. Tahimik na ang buong paligid. Nakadapa pa din sina Hamid sa sahig ng bahay. Walang kumikilos. Walang nagrereact. Sino sa kanila ang tinamaan ng bala? May namatay ba sa kanila? Natamaan ba ng mga bala ang dalawang batang kasama nila?
"H-Hamid..." usal ni Jeck. Sapo nito ang tuhod na dumudugo. Tinamaan pala siya sa tuhod. Bumabangon si Jeck. Lalapitan ang dalawang bata na nakadapa pa din sa sahig. Hindi umiimik ang mga iyon.
"Hamid, yung mga bata. Patay na ang mga bata." nahihirapang sambit ni Jeck.
Dahan dahan gumalaw si Hamid. Sapul din pala siya ng bala. Sa kanang hita siya natamaan. Si Daniel sapul naman sa kaliwang balikat. Dahan dahan na silang gumagalaw. Pagapang silang lumapit sa dalawang batang wala ng buhay.
Tinamaan ang batang si Ayee sa likod at ang batang si Bridgette naman ay tinamaan sa ulo. Mga kawawang bata.
Niyakap ni Hamid ang mga bata. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang magwala.
"Mga hayup sila. Mga demonyo. Kailangan nating bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga batang ito pati ang mga taong namatay na din sa lugar na ito." nagagalit na sambit ni Hamid.
"Wala munang lalabas sa bahay na ito," sabat ni Daniel.  "Kailangan nating magpalipas ng dalawang araw bago tayo muling lumabas. Sinabi sa akin ng nakausap kong batang lalaki na kapag hindi ka daw natuluyang patayin sa araw na ito, hindi na tayo babalikan. Kelangan natin munang magkulong dito sa loob ng bahay na ito sa loob ng 72 hours. Saka tayo muling babalikan ng mga opisyal o nung mga taong papatay sa atin."
Hindi nakaimik sina Hamid at Jeck. Nag iisip si Hamid.
"Paano sina Sanya at Alexxandria at si Cristine? Paano natin sila maliligtas kung magtatagal pa tayo dito sa loob ng bahay na to at hihintayin pa nating matapos ang 72 hours? Nauubos ang mga araw. Marami na ang namamatay." sagot ni Hamid.
"Pero Hamid, kung lalabas tayo ngayon hindi natin alam kung nasaan sila!" sagot naman ni Daniel.
Napasuntok sa dingding si Hamid.
"Sige, gumawa tayo ng plano. Pag usapan nating mabuti kung anong gagawin natin. Kailangan natin silang mailigtas sa lalong madaling panahon. Hindi tayo pwedeng tumanganga. Kailangan mailigtas natin ang lahat ng tao dto sa lugar na ito."

Mabilis na isinara nina Hamid ang pintuan ng bahay. Di nila alam kung saan nila ililibing ang mga bangkay ng dalawang bata. Tinakpan na lamang nila ang mga iyon ng kumot. Wala na silang pakealam kung mangamoy ang mga iyon sa loob ng bahay. Pansamantala lang naman. Pagkatapos nilang maayos ang problema at mailigtas na lahat ng tao sa lugar na iyon, saka nila ililibing sa maayos na lugar ang mga bangkay. Sa ngayon kailangan nilang mag usap usap. Kailangan nilang gumawa ng paraan paano sila makakalaban sa mga demonyong opisyal ng 847 Community.

Sumilip sa bintana ng bahay si Jeck at muling humarap kina Hamid.
"Tahimik ang labas. Walang mga tao sa kalye."
Muli itong nag indian seat sa sahig kaharap sina Hamid at Daniel.

Nagpaplano na sila. Ito ang kanilang plano. Hihintayin nilang gumabi. Naalala nila, na ligtas na pala sila sa araw na iyon dahil hindi sila napatay ng mga opisyal. So, pwede silang lumabas. Pero hindi ayaw nilang magtiwala. Baka traydorin sila. Mas maganda na yung sigurado sila.
Hihintayin na lamang nila ang mag gabi at sana ay hindi na muli ng tumunog ang sirena ng 847. Palihim nilang susugurin ang napakalaking Barangay Hall ng 847. Alam nilang nandoon si Cristine. At baka nandoon din sina Sanya at Alexxandria.
Naghanap sila ng mga kutsilyo sa loob ng bahay na iyon. Tatlong kutsilyo ang nakita nila. Sakto, tig iisa sila. Iyon ang gagamitin nilang sandata para makalaban sa mga opisyal. Sandali, natatandaan ni Hamid na may mga gamit siya sa bag niya. Pero nandoon iyon sa loob ng bahay na tinutuluyan nila nina Jeck. Mamayang gabi, pasimple siyang lalabas ng bahay.
Pupunta sya sa bahay nila para kunin ang mga gamit niya. Sa isip isip niya, kung patayan ang hanap ng mga opisyal sa loob ng 847 handa siyang makipagpatayan para sa kaligtasan ng lahat lalo na para sa taong mahal niya, si Cristine.

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon