Sam's P. O. V
Nag iinuman kaming lahat at napapa sandal na ako sa couch dahil naka ramdam na ako ng pag kahilo.
"I told you hon, wag kanang uminom"inis na sabi ni Rhed.
"Hon. It's my birthday let me enjoy the night before it ends. Cheers! " I raised my glasses, pero walang nakipag cheers sa akin kaya napa pout nalang ako.
"Hey I bring my gift to you bestie" Kyla sweetly approach me.
"Aww...thank you bestie, I thought you put it on the table a while ago? " nagtataka kong sabi.
"Just open it! " galit nitong sabi kaya nagitla ako. "Ahh..s-sorry, lasing na ata ako"
"Nahhh ayoss lang" binaba ko ang baso ko at kinuha ang regalo niya, napaka bigat ng box na yun kaya nag taka ako.
Pagka bukas ko ng box ay nagulat ako sa bumungad sa akin. "You like it? " naka ngiti nitong sabi.
"K-kyla.." mahina kong usal.
"What the f*uck is it Kyla? Do you think it's a joke? " galit na sigaw ni Rhed napatigil ang lahat dahil sa dagundong ng boses nito pati ang pag papatugtog ay napatigil din. Hinablot sa akin ni Rhed ang box at inilayo ito sa akin.
"Its my present to her James! "
"Present ha? Regalo ba ang matatawag mo sa patay na itim na pusa at halos hindi mona malaman kung ano ito dahil sa karumaldumal na ginawa dito"
"Well kung ayaw niya edi ito nalang" lumapit siya sa nakatakip na itim na tela at ng hinila niya ito ay bumungad sa amin ang pulang kabaong, binuksan niya ito na parang cabinet niya lang at may naka sulat na R. I. P kasunod ang pangalan ko. "How you like it? " demonyong ngisi nito sa akin.
Hinila ako ni Rhed malapit sa kanya at halos yakapin niya na ako dahil sa lapit namin.
"Kyla, how could you do that? " gulat na tanong ni Lizel.
"You crazy f*cking b*tch! Ikaw nga ang bumangga sa akin kaya nagka ganito ang kamay ko" galit na sabi ni Shekaina.
"Di naman dapat kayo damay eh..kaso nainis ako sa inyo. Ikaw Shekaina..una palang na makita kita na inis na ako sayo dahil sobrang sikat mo, minsan nga nung nasa room ako ikaw lagi ang laman ng topic tapos tuwang tuwa ka lagi kapag may mga lumalapit sayo at bumabati, feeling mo miss universe kana, nakakalimutan mo na ngang sumama kung minsan sa amin ehh, tapos yung wala kang assignment dahil pinapagawa sayo yung special na assignment na yun okay lang sa teacher kasi na iintindihan nila schedule mo. Samantalang ako? Halos mag kanda raparapa na akong mag pasa ng mga projects o kung ano man."
Natigilan kami sa sinabi niya, napayuko si Shekaina ng marinig ang mga yun.
"Ikaw naman Lizel! Masyado kang papansin, unting compliments lang sayo lumalaki na ang ulo mo, akala mo kung sino kanang magaling? Masyado kang papansin alam mo yun? At akala mo hindi ko nakita ang pag halik mo kay Rhed nung nanalo sila Sam sa volleyball?"
Napahigpit ang hawak sa akin ni Rhed pero hindi ko iyon pinansin napa tingin ako sa kanya para makumpirma ko ang sinabi ni Kyla pero napa yuko lang siya, ibig sabihin lang nun ay totoo.
Bakit Rhed? Bakit hindi mo sa akin sinabi yun..may kasalanan ba ako sayo para hindi mo masabi yun? Hindi ako magagalit kung sinabi mo yun mas galit ako ngayon dahil nalaman kopa kay Kyla ang mga yun at ang masakit ay itinago mo pa.
Gusto kong sabihin ang mga yun pero parang wala akong lakas, gusto kong mag wala sa sobrang galit at sakit.
"Ikaw naman Sasa! Ikaw nalang paborito ng lahat, ikaw nalang magaling lagi, maganda, perpekto, pag ako na ang nakakasama mo lahat ng lait napupunta sa akin. Alam sobra akong na iingit sayo ehh..sana ako nalang ikaw, gusto kong maranasan kahit minsan pero wala, hinding hindi kita mapantayan, isipin mo ako natatapakan mo lagi pero hindi mo malita, kasi sino nga ba ako? Ang sakit yung natatapak tapakan ka lang ng kaibigan mo-"
"Kyla hindi" nag simula ng tumulo ang luha ko.
"Manahimik ka Sam! " sigaw niya at na nginig narin siya sa sobrang galit tumulo narin ang mga luha niya. "Na iingit ako sayo ng sobra, kasi kahit anong pagtatangka kong makipag kaibigan hindi parin kita mapantayan, ang hirap mong pantayan yung confidence mo lagi nag uumapaw samantalang ako hindi ko magawa, nag seselos ako sayo lalo na nung makita ko ang dating notebook ni Jayson at puro tungkol yun sayo, ang sakit isipin na pati shota ko eh sayo, pati nga kapatid niya nasayo na, inisip kong naging panakip butas lang ako ni Jayson ng maging kayo ni Rhed, kasi ikaw ang mahal niya at hindi ako, kayang kaya niyang bigyan ka ng effort pero ang dali mong hindi mapansin yun, samantalang ako ang tagal pa bago ko siya nakuha, kung hindi pa naging kayo ni Rhed hindi pa siya mapapa sa akin. At sa tingin niyo mahal niya na ako? Hahaha..mga tanga hindi. Kasi inlove parin siya sayo Sam! Inlove parin siya hanggang ngayon, bukang bibig ka niya tuwing mag kasama kami, iniisip ko kung kasama ba talaga niya ako o hindi? Kasi parang wala akong lugar sa kanya. Minsang nakatabi ko siyang matulog sa bahay namin, pati panaginip niya ikaw ang binabanggit niya. "
Hindi na ako makapag salita dahil sa paghikbi ko at hindi narin ako maka hinga ng maayos. Inaalo na ako nila Rhed pero patuloy parin sa pag bag sak ang mga luha ko.
"Kyla sorry...sorry kasi hindi ko alam..
Sorry kung ganyan yung nararamdaman mo tuwing kasama mo ako. " Unti unti ako lumapit sa kanya at nag makaawang mapatawad ako."Hahaha..sa tingin mo papatawarin kita? Masyado ka kasing manhid kaya hindi mo napapansin! " tinutok niya ang baril sa noo ko at halos lahat ng tao ay nag kagulo.
"Doreen! " narnig kong sigas ni Rhed.
"Sam!"
"OMG, call the police! Sam! "
"Manahimik kayong lahat o ipuputok ko itong hawak ko sa noo ng babaeng ito? " kitang kita ko ang panginginig sa kanyang kamay.
"Kyla alam kong hindi mo ito kayang gawin.." sabi ko.
"Really Sam? " nakangisi nitong sabi, kita ko sa mga mata nito ang galit at sakit.
"Sam! " tumakbo si Rhed papunta sa akin at agad naman itong pinaputukan sa braso.
"Rhed!! " sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya. "Rhed! Wag kang pipikit ha? " pinunit ko ang baba ng dress ko at nilagay sa braso niya para matigil ang pag dudugo nito.
"Malayo sa bituka ito arghh..."
"Ahhh..." hinila ni Kyla ang buhok kaya napahawak ako dito at nabitawan si Rhed. "Kyla maawa ka please! " nagmamaka awa kong sabi.
"Ako nalang Kyla wag na si Sam! " nakita ko ang pag pupumilit na pagtayo ni Rhed.
"Awww..love birds nga naman, hindi kakayaning ang isa ang masaktan"
Pasimple kong hinugot ang naka tagong swiss knife na naka ipit sa sapatos ko. Agad ko itong kinuha at pinutol ang buhok kong naka hawak sa kanya.
Wala na akong paki ngayon kung maikli at hindi na ito pantay, ang mahalaga maka alis kami dito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...