Rhed's P. O. V
Limang taon narin ang naka lipas simula ng mangyari ang insidenteng yun.
Kasal na si Chris kay Juzette natutunan niya ulit itong mahalin kagaya noon.
Si Shekaina naman ay engaged na kay Dhen at ikakasal na siya sa Sabado. Habamg si Lizel naman ay nangibang bansa nadin para mag trabaho at the same time magpagamot.
Patuloy parin ang pagpapagamot ni Kyla sa U. K. pero nakaka usap din namin ito paminsan minsan gamit ang video call. Pinatawad na namin siya dahil naisip naming lahat na hindi niya ito kasalanan at kasalanan ito ng sakit niya.
Si ate Ashley naman ay may asawa narin at isang anak, nasa Pilipinas na siya ngayon dahil nag hahanda na para sa kasal ni Shekaina.
Ako naman ay nasa San Francisco at Engineer na ako, kasalukuyang nag eempake na ako pauwi sa Pinas dahil nabalitaan kong uuwi na din si Sam.
Doctor na siya sa Japan at nababalitaan lang namin siya dahil kay ate Ashley, hindi kopa talaga siya nakakausap kahit sa cellphone man lang kaya hayop na hayop na akong makita at marinig ang boses niya.
Naka sakay na ako sa eroplano pauwi sa Pilipinas, excited na akong umuwi ulit doon.
"Yowww...saan ang pasalubong? " mataray na sabi ni Shekaina.
"Hindi niyo man pang ba ako i ha hug? " biro ko.
Isang malakas na batok ang natanggap ko sakanila ni Chris kaya natawa nalang ako.
"Lets go, I'm so tired because of my flight " humikab pa ako para ipakita ang pagod ko.
"Hayop ka maka English kala mo naman hindi ka naka tira sa Pilipinas" biro ni Chris.
"Kuya Rhed I miss you.." napatingin ako kay Princess na tumatakbo papunta sa akin habang may dalang ice cream.
Niyakap ko siya ng mahigpit saka ginulo ang buhok.
"Ano bayaan kuya, im not a kid anymore, seventeen na ako" reklamo nito at inayos ang nagulong buhok.
"You're still our baby, oh asaan na pala yung inaanak ko? " baling ko kay Chris.
"Nasa bahay kasama ang nanay niya, hindi na sila sumama dahil baka mapagod pa"
"Naks tatay na tatay tayo ah? " siko ni Shekaina nagtawanan kaming lahat.
"May hinihintay paba tayo? Tara na.." hahakbang na sana ako ng hinila ni Shekaina ang kamay ko.
"Bakit? " tinuro niya ang harapan gamit ang nguso niya kaya napalingon ako doon.
"Wit..wiw..." sipol ni Chris pero naka tuon parin ang pansin ko sa harapan at hindi na matanggal ang paningin ko sa babaeng naglalakad na naka ngiti sa amin habang nililipad ang kanyang buhok.
'We rest as one soul..'
'Just one last night here..'
'Remembering what we gave up.. '
'This golden love..'
'Our path have crossed..'
Nakangiti ito habang papunta sa amin kaya hindi kona mapigilan ang ngiting itinatago ko. Naramdaman ko ang pag siko sa akin ni Chris pero naka pako parin ang paningin ko sa babaeng mahal ko na hinintay ko ng limang taon.
'But it's the last time I'll have you..'
'When we're old, we'll look on.. '
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...