Dani's POV:Pag dating namin sa harap ng unit ko, hindi ko alam kung papaano ako titingin sakanya para mag paalam. Tahimik kami pareho the entire drive pauwi. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya, at sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako bothered. Nung finally napilit ko na ang sarili kong tumingin sa kanya, nagulat akong pinagmamasdan pala ako nito.
Dani: "Salamat ulit, I had fun, sobrang nakakaaliw yung mga friends mo-"
Luv: "I'm glad they didn't bore you, I'm happy that you enjoyed your time-"
Dani: "I really did-"
Ooops! Awkward, napatingin ako sa sahig, ano ba itong nararamdaman ko- nang muli kong i-angat ang tingin ko, parang 5 inches closer na siya sa dating kinatatayuan niya palapit saakin. Sa sobrang lapit niya, bigla kong natitigan yung mga labi niya- at kahit anong pilit kong alisin ay parang nakapako na ang mga mata ko dito.
Sinigawan ko pa ang sarili ko sa isip ko- thankfully nagawa ko naman ibaling ang tingin ko sa mga mata niya- omg parang mas malala ito-kasi nakatingin din siya sa mga mata ko- at pakiramdam ko ay napapatingin rin siya sa mga labi ko- sa sobrang hindi ko alam ang sasabihin ko- I bit my lower lip instead- hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko ngayon-
Luv: "Dani, I had an amazing time with you tonight-"
Napatingin na naman ako sa baba, bakit ba ako kinakabahan-
Luv: "Dan-"
Napatingin ako sa-kanya at siya naman ay parang bebeso dapat sakin- laking gulat ko ng hindi sinasadyang magtama ang mga labi namin, nakita kong biglang nagbago ang tingin sa mga mata niya, bigla niyang inilagay ang dalawang kamay niya sa mga pisngi ko, next thing I knew, we were already kissing, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nagawang itulak siya, o hindi ibalik ang mga halik niya, it almost felt like I craved for it- I wrapped my arms around his neck, to bring him closer, I have never felt this way before, parang magnet!
Nagulat ako ng biglang bumukas yung pintuan ko-
Bigla akong natauhan at halos mapatalon ako papalayo kay Luv. Si Milo naman ay halatang nagpipigil sumigaw sa nakita-
Milo: "Sorry, narinig ko kasing parang may tao akala ko nahirapan ka na naman susian yung pinto- naistorbo ko ba kayo?"
Dani: "Ano bang pinagsasasabi mo- halika na pasok na tayo-"
Luv: "Dani-"
Dani: "Sige na goodnight, maaga pa ko, goodnight-"
Luv: "But-"
Isinarado ko agad ang pinto, sumandal ako dito at nandidilat ang mga mata kong tinititigan si Milo, para bang gusto kong sabihin niya sakin kung anong nangyari?
Milo: "Ano! Spluk mo na!"
Dani: "Hindi ko alam kung anong nangyari- tapos hindi ko pa pinakinggan yung gusto niyang sabihin, ano kayang iniisip niya ngayon? Mababang uri ako ng babae?"
Milo: "Ano! Nakakaloka, mababang uri ng babae agad? Nag date kayo diba? So siyempre normal yun na minsan nananalo yung bugso ng damdamin, lalo na kung pareho ninyong gusto ang isat isa-"
Dani: "Hindi ko siya gusto- diba?"
Milo: "Ako ba makakasagot niyan? Bakit sakin mo tinatanong?"
Dani: "Hindi niya rin naman ako gusto- hindi niya nga ako inalok ng second date e-"
Milo: "Tinakbuhan mo e- paano ka aayain?"
Dani: "Ah ewan, maliligo na ako- basta, wala lang yun, okay ako- walang nagbago- okay ako! Maliligo na ako-"

BINABASA MO ANG
Along came Dr. LUV
ChickLit(4th book) Dani is a famous model and actress who vowed never to fall in LOVE, as in no no sa love! Binansagan na nga siyang Asia's HEARTBREAKER dahil sa dami ng lalaking umasa at nasaktan lamang sa kanya. Para sa kanya, lahat ng lalaki ay tulad ng...