Chapter 5

21 0 0
                                    

Chapter 5


NASA labas na ng gym si Catherine. Katatapos lng ng training nina Raven. Ang tagal namn niya. Bumalik ulit siya sa loob. Nagulat siya sa nakita.

Nakita niya si Alyssa na nakakapit sa braso ni Raven. May pinaguusapan ang dalawa at ngumingiti pa ang bruha. May pahampas- hampas pa itong nalalaman. Ang sarap patayin!

She cleared her throat in a loud way para marinig ng dalawa. Nagulat si Raven at lumingon sa kanya habang si Alyssa ay tumingin lang sa kanya. Ngumiti pa ito sa kanya. Bitch!

“Tapos na ba kayong mag- usap? Sorry sa istorbo ha?” sarkastikong wika niya. Parang nakonsensiya naman si Raven.

“S-sorry, M-may pinag- usapan lang kami.”

“Ininvite ko lang kasi siya sa aking debut. Plano ko sanang isali siya sa 18 roses ko. Don’t worry hindi namn siya angfirst or last rose. Wala na kasi akong maisip na isasali ko e.” ngumiti pa si Alyssa.

Wala? E parang lahat ng lalaki ng school na ito ay inakit mo. Bakit hindi na lang sila? Marami ka nang sinira tapos si Raven namn ang puntirya mo? Hell no!

“Pumayag ka?” tanong niya  kay Raven.

Yumuko ito at tumango. “Y- yes.”

“Sige, mauna na ako sa inyo. Magpa- plan pa kasi kami about sa isusuot ko sa debut ko. Bye!” Kinindatan pa nito si Raven. Wag ka nang magsuot ng kahit na ano. Hiyang - hiya namn ako sa iyo.

“Bakit ka pumayag?” tanong ni Catherine. “Alam mo namn siguro ang reputasyon ni Alyssa sa school natin.” Galit na siya.

“Bakit namn hindi? Wala na akong nabalitaan sa mga kabalastugan niya. Maybe nagbago na siya. And her parents actually told her to invite me personally. Alam mo namn na business partners ang parents namin.” Nagalit na din si Raven. Nagdilim ang mukha nito.

Nagbago? di mo lang alam na ikaw na ang next target niya!

“P- pero..”

“No buts. Naka- oo na ako. Nakakahiya namn kung tumanggi pa ako.”

“O- okay.” Kainis!

“Halika na. Hatid na kita.” Hinablot nito ang kamay niya.

“Wag na.” Inalis niya ang kamay dito. “P-pupunta pa ‘ko kina Lester. Hinintay lang kita para magpaalam.” pagsisinungaling niya.

“Okay.” sabi nito.

OK? yun lang? Di mo ba ako ico- comfort?Di ka ba mag sosorry?


“BAKLA!, di ko alam ang gagawin ko!” naiiyak na talaga siya. Tumatawag kasi siya kay Lester.

 “Ano ba yan?!” alam niyang naiinis is Lester base sa boses nito. Sinabi niya ang lahat na nangyari kanina.


“Alam mo namn si Alyssa pagdating sa mga lalaki diba? Ayokong pati kami ni Raven na nananahimik ay pakialaman niya.”

“Oo nga, pero dba sabi niya 18 roses mn lng? Baka Over react ka lang?” tanong nito.

“Hindi ee. Basta may nafi- feel akong hindi tama. Parang may mangyayaring masama.” Alam niyang may pinaplanong kakaiba si Alyssa base na rin sa ngiti nito kanina sa kanya. Kaya nitong makasira ng relasyon sa isang pitik lang dahil na din siguro maganda ito at mayaman. Maimpluwensiya nitong tao dahil sa mga magulang nito. In short, langgam lang siya at ito’y tao na puwedeng tumapak ng mas maliliit dito.

“Wait! magiisip ako!” naghang ito ng sampung segundo. “Okay! may naisip na ako!,” sumigaw ito sabay tili. “Bakit hindi ka na lang sumama sa party? oh di ba? Para mabantayan mo siya! “

Bigla siyang tumayo at tumilii na din. “Ahhh! Oo nga no? sige sige! tatawagan ko siya! Hindi yon tatanggi sa’ kin. Thank you talga Bakla! May award ka sa’ kin bukas!” Excited na siya. Haii! Ba’t di ko naisip yon?

“Sige ! Gusto ko masscara at eyeliner! Keri?”

“Anak , anong nangyari? Ba’t ka tumitili diyan?” katok ng kanya ng nanay niya. Tinakpan niya ang cellphone niya. “Wala po iyon nay. Ipis lang po!” pagsisinungaling niya.

Binalik niya ang cellphone. “Oo na! Basta mag-usap tayo ulit bukas.” at nagpaalam na siya.

My Ideal Man (On- going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon