CHAPTER TWELVE

220 22 8
                                    

" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER TWELVE

"Kingkong naman baka maaring pakainin mo muna kami ni kuya Valdez diyan oh." Pukaw ni Rennie Grace sa binatang nagmamaneho.

"Ikaw na kapre ka talagang may bulate ka na ba sa tiyan? Kung pagkain ang hanap mo'y manghingi ka diyan kay Valdez hindi ang mangdisturbo sa biyahe. Halos dalawang oras pa bago tayo makarating sa bahay kaya't huwag kang magulo." Tugon naman ni Lucas.

Pero hindi iyun inalintana ng dalaga, mahigit tatlong linggo sila sa kuweba, ilang araw din sa bahay ng dalawa sa Del Pilar, at sa mga araw na iyun ay puro healthy foods ang kinakain nila at sa paglabas nilang muli sa kabihasnan ay nalanghap niya ang mabangong amoy ng paborito niyang kainan, ang sikat na fast food KFC kaya't kahit naging masungit na ang Kingkong ay nagpursige siyang mapapayag ito.

"Boss maawa ka naman sa "asawa" mamaya niyan eh mag-back out pa iyan ikaw din bossing baka----" si Mary Grace ang bagsak mo niyan. Nais sanang idugtong ng tagapagsilbi pero hindi na nito nagawang tapusin ang pananalita dahil pinutol na ito ng binata.

"Hala lumabas kayong dalawa diyan at mag-order ng pagkain natin kaysa naman kung anu-ano ang pinagsasabi ninyo diyan." Ani 'to na biglang nagpreno kaya naman nauntog ang dalawang kasama.

Dahil dito'y hindi agad nakasagot ang dalawa lalo ang dalaga na hindi napaghandaan ang pagtigil ng sasakyan. Sanay man siya sa kahit anong uri ng sasakyan kaso ng oras na iyun ay nahilo siya idagdag pa ang pagkauntog niya.

Kaya naman!

Sa nanlalabo niyang paningin dahil sa pagkahilo'y binuksan niya ang pintuan ng sasakyan saka pinakawalan ang pinipigil na suka!

For the first time in her entire life, she vomited because of dizziness!

Samantalang para namang hinaplos ang damdamin ng binata dahil sa nasaksihan. Tama naiingayan siya dito, nakukulitan oo pero hindi niya mapigil ang sarili na kaawaan ito lalo at tila batang paslit na naglalambing sa magulang. Idagdag pa ang pagkahilo man o dahil sa pagkauntog nito'y nagsusuka na kaya naman bago pa siya maunahan ng hiya'y naging mabilis ang kilos niyang lumipat sa tabi nito sabay abot ng mineral water.

"Here drink this water para maibsan iyan." Malumanay niyang sabi.

Inabot man niya(RG) ang tubig pero hindi siya sumagot. Kung kanina'y gustong-gusto niyang kakain ay nagbago na, mas nasusuka na siyang nakakaamoy sa sari-saring amoy.

"Okey ka lang ba miss Rennie?" Pukaw naman dito ni Valdez. Tama nauntog silang dalawa pero naagapan niya ang sarili kaya't parang wala lang kumpara sa dalawa  na nagsusuka. Nag-aalala tuloy siya na baka nabigla na ang kalooban nito kaya't patuloy sa pagsusuka.

"Are you sure that you're okey  Kapre? Sabihin mo lang kung dadaan muna tayo sa pagamutan bago tayo tutuloy sa biyahe." Sabi naman ni Lucas.

"No it's okey. No need for hospital, nahilo lang ako. We can continue our trip now." Tugon na lamang ng dalaga dahil ayaw niyang may masabi sila sa kanya.

Tuloy, parang nais niyang(Lucas) makunsensiya dahil sa hogwash pag-apak sa preno'y nauntog ito. Hindi naman sa ayaw niyang bibili sila ng kahit ano, ang sa kanya lang ay makarating agad sila sa kanila nang sa gano'n ay maipakita niya sa mga magulang niya na hindi siya dapat pakialaman pagdating sa buhay pag-ibig niya.

"Assist her Valdez ako na ang bibili ng pagkain natin but not here na lalo at mukhang mas nasusuka siya sa amoy ng mga pagkain dito." Sabi na lamang niya. Hindi na niya hinintay na makasagot ang mga kasama niya total kasalanan din naman niya ang pagkauntog ng dalawa lalo na ang dalaga. Aba'y mahirap na rin kapag aatras ito lalo at nasabi na niya sa pamilya niya na darating siya kasama ang nobya.(sayted ka kasi)

TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon