Chapter 43: Unexpected Explosion

1.4K 85 10
                                    

Chapter 43: Unexpected Explosion

Freya’s Point of View

Freya, tulungan mo kami.”

Napatingin ako kay Phoenix nang hawakan niya ang kaliwang braso ko.

“Ayos ka lang?” hindi agad ako nakasagot. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa kaliwang braso ko. Napansin naman niya iyon kaya siya kumawala at umatras.

Umiwas siya ng tingin saka siya tumikhim.

“Umalis na tayo rito,” tipid niyang sabi at sumunod naman ako sa kanya.

Habang naglalakad ay hindi ko maalis sa tingin ko ang bote na hawak ni Phoenix ngayon na siyang nagsisilbing liwanag din sa amin.

Alam kong hindi ako nagkakamali. Ang mga boses na narinig ko ay galing sa loob ng bote. Kung isa akong normal na mortal lang, siguro napapraning o nalipasan lang ako ng gutom at kung ano-ano nalang ang naririnig ko. Pero hindi, sigurado ako sa narinig ko!

Ang mga boses ay galing sa loob ng bote, at sa loob ng bote ay doon kinukulong ni Phoenix ang mga dark entities na natatalo niya. Ang mga Claws at ang lost shadow.

Ngunit bakit sila humihingi ng tulong? At bakit sa akin sila humihingi ng tulong?

Napatigil ako sa kakaisip nang may naramdaman akong mga presensya. Pamilyar sila, at lima silang lahat. Nanindig ang aking balahibo.

Sabay kaming napahinto ni Phoenix sa paglalakad.

“Phoenix, mga Claws.” Napalingon si Phoenix sa akin at pagtataka ang rumehistro sa kanyang mukha.

“Nararamdaman mo rin sila?” takang tanong niya. Tumango ako. Sinenyasan ako ni Phoenix na huwag gumalaw. Pareho naming pinakiramdaman ang paligid.

Sa harapan namin ay biglang lumitaw ang apat na Claws. Napalunok ako sa itsura nila. Dahan-dahan silang lumapit sa amin ni Phoenix.

The Claws snarled at us, as if hungry. Their teeth were sharp. Their skin dark, as if suffering from decay. 

Iniharap ng mga claws ang kanilang palad at mula doon ay lumabas ang maliit na tinik. Mabilis ang galaw ni Phoenix kaya madali niya lang nailagan ang mga nagliliparang mga tinik.

Sa sobrang bilis ni Phoenix, sa isang kurap ko lang ay bigla siyang lumitaw sa likuran ng isang Claws. Parang sa bampira ang bilis at galaw ni Phoenix. Hinawakan niya ang ulo ng isang Claws at tinwist ito paikot.

Narinig ko pa ang malutong na tunog ng pagbali ng leeg ng Claws. Tumakbo naman palapit kay Phoenix ang isang Claws. Walang emosyong niya itong tinignan saka niya ito tinadjakan sa tiyan.

Tumilapon ang Claws at bumalibag ito sa puno. Halos pati ako ay napangiwi sa narinig na impact ng pagkakatama ng katawan nito sa puno. Dalawang Claws nalang ang natitirang kalaban ni Phoenix. Ngunit bakit apat lang? Sigurado akong limang presensya ang naramdaman ko kanina.

Naging alerto ako nang may naramdaman ako sa likod ko. Agad ko naman itong hinarap. Hindi ako nagkamali dahil nasa harapan ko ngayon ang ika-limang Claws.

Nagsimulang maging abnormal ang tibok ng puso ko. Napalunok ako at tinignan ang nakakatakot na anyo ng nilalang.

Hinarap ng Claws ang dalawang palad niya sa akin. Isang kurap ko lang ay lumabas ang mga tinik mula rito. Nandilat ang aking mata sa mga tinik na lumilipad na paniguradong papatay sa’kin.

“Freya!” narinig kong sigaw ni Phoenix.

Tila bumagal ang oras. Hindi ako sigurado pero bigla ko nalang itinaas ang palad ko at hinarap ito sa mga tinik.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon