Kabanata 20
Hotel
Masakit ang ulo ko pagkabangon ko. Mabigat ang pakiramdam ko at masakit ang mga mata. Habang giniginaw ay tumayo ako para hanapin ang thermometer sa ibabaw ng drawer ko. Agad ko naman itong inipit sa kili-kili ko. Nang tumunog ay tinignan ko.
38.7 ang temperature ko.
Tinignan ko ang labas sa bintana at bumubuhos parin ang malakas na ulan. May bagyo at signal no. 3 na agad dito sa Maynila. Uminom muna ako ng tubig at bumalik sa kama. Namumugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.
Kaninang madaling araw ay tumawag si mama at nangangamusta. Ang sabi ko ay ayos lang ako. Pagkatingin ko sa orasan ay pasado alas-dose na. Madilim ang kalangitan sa labas at malakas ang buhos ng ulan. Hindi ako makakalabas para bumili ng gamot dahil bumabagyo at mas lalala ang sakit ko.
Ang iba namang mga kakilala ko dito na magkakaibigan ay wala. Tanging ako lang ang natira dito sa apartment. Nagkumot ako nang makapal dahil sa lamig na nararamdaman. I startled when my phone rings. Agad ko itong tinignan.
Jaja calling...
I answered the call.
"What the fuck happened, Ash?!" Sigaw niya mula sa kabilang linya.
Yumakap ako sa unan ko at binalot ang sarili gamit ang makapal na kumot.
"I don't want to talk about it, Ja." Ni-loudspeaker ko ito at inilapag sa gilid ko.
"Sabihin mo naman sa'kin kung anong problema mo. Best friend mo'ko diba?" Bakas ang lungkot sa boses niya. I sighed.
"He b-broke up with me, Ja.." Humapdi ulit ang mga mata ko kaya pumikit na lang ako. Sobrang bigat at sakit.
"I s-saw the video, Ash.. I know that it's not your fault." Aniya na ikinatango ko kahit hindi naman niya makikita. "You should talk to him. Ayusin niyo 'to, Ash."
Tears rushed down to the sides of my cheeks to my ears.
"He blocked my number, even my account on Insta.." I sobbed. "Hindi ko na alam, Ja..."
Hinawakan ko ang noo ko at agad na naramdaman ang init doon. Ang sakit ng ulo ko at ang bigat.
"Gusto ko 'mang puntahan ka ngayon, my parents wouldn't let me." Malungkot niyang sabi. "I can call Tak to convince him, Ash."
"No. Ako na ang bahala.. Thank you, Ja."
Pinutol ko na ang tawag at humiga mang maayos.
*
"Ashley? Ashley! Gising!"
Nagising ako sa malakas na pagtapik sa braso ko. Idinilat ko ang mga mata at agad na kumunot ang noo.
"T-tita?"
"Hija, inaapoy ka nang lagnat! Susmaryosep, ano bang nangyari sa'yo?"
Nilingon ko ang paligid. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa katawan ko, masakit ito at nanghihina.
"Si Jaja p-po?"
Inilapag ni Tita Jolie ang plastic basin sa bedside table na may face towel pa.
"May kinukuha pa sa kotse, hija." Piniga ni tita ang face towel at pinunasan ako sa leeg. "Hubarin mo muna ang pantaas mo, Ashley. Pupunasan kita."
Nabigla naman ako. "P-pero tita--"
"Sige na, Ashley. Nag-aalala ang mama mo. Tumawag siya kanina sa akin." Seryosong sabi ni Tita Jolie. Hinubad ko naman ang tshirt ko kahit na nilalmig, may bra naman akong suot. Agad kong hinanap ang cellphone ko nang may biglang pumasok sa apartment. May dala siyang maliit na kaldero at bahagya pang nabasa ang damit.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...