Step #6

21 3 0
                                    

Steps How to Move On:

STEP #6

"Single Days

Para sa Pareho ...

(Nagtataka siguro kayo kung bakit wala na ang 'Para sa mga GBU at SPBH'. Ang katotohanan kasi niyan tinatamad na kong magtype. Hehe! *peace* At saka naisip ko na mas maganda kung isang pasada na lang ang mga steps. Hehe! *ehem* tamad)

Rebound. Iyan ang madalas na hanap ng mga gustong makamove on agad. Gagamit ng tao para makalimutan ang tunay na mahal nila pero sinaktan lang sila. Sasaktan ang ibang tao para maging masaya sila. Sama ah.

Well, hindi iyon magiging solusyon para makalimot ka. Pwede pa nga yung maging panibagong problema mo eh. Yung fact na sa simula't sapol na nanakit ka ng damdamin ng iba ay lalong nagpapabigay sa dinadala mo. Mas madami kayong poproblemahin. Pero kung wala ka namang konsensya. Aba'y sige, ipagpatuloy mo yan.

Mas masarap maging malaya. Mas masarap yung konti lang poproblemahin.

Alalahanin mo yung mga panahon na single ka pa. Nung mga panahon bang yung masaya ka? Masaya ka ba na kaibigan at pamilya mo lang ang mga importanteng tao sa buhay mo? Mas malakas ka ba noon? Nagagawa mo yung mga gusto mong gawin? Kung oo, isipin mo lang na parang katulad lang ito dati nung single ka pa.

Ibang klaseng saya ang mararamdaman mo. Hindi man tulad dati na wala kang iniisip na ex at nararamdaman na sakit, at least wala kang ibang iniisip. Sarili mo lang at ang ibang taong nakapaligid sayo na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sayo.

Makisalamuha ka ulit sa mga taong medyo napalayo sayo nung panahong in relationship ka pa. Gawin mo yung mga bagay na hindi mo magawa nung mga panahong iyon. Yung mga bagay na gusto mong gawin. Gawin mo kasama ang pamilya o kaibigan mo. Magsaya ka.

Yung masaya, magaling, mabait at matapang na ikaw noong kasama mo siya. Dapat MAS ngayong SINGLE ka na. Tandaan mo may tao makakakita sa isang tulad mo in future na mas deserving sa pagmamahal na ibibigay mo.

Pero kung hindi mo iyon magawa at lugmok na lugmok ka parin. If you can’t remember who you are, get to know yourself now. Get along with your friends to the HAPPY place you used to go.

I'm Totally And Absolutely Moved On!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon