LOVELYN POV(POINT OF VIEW)
"Princess Don't cry please." Sabi ni mommy sa akin. Umiiyak ako habang nag kwe kwento sa kanya. Ang sakit sakit. Kung kailan ko pa siya naalala. Doon ko pa nalalaman na niloko niya ako. Ang sakit.
"Mom. Bakit ganun? Bakit niya nagawa sa akin yun?" Umayos ako ng upo at tinignan si mommy.
"Anak. Makinig ka sa akin okey. Siguro ako nalang ang magsasabi sayo ng totoo." Seryosong sabi ni mommy. Bigla naman akong kinabahan. Tumango nalang ako at hinintay ang sasabihin ni mommy. Hinawakan ni ang buhok ko at hinaplos.
"Magsisimula ako sa buhay mo. Pinanganak kita anak at pina ampon dahil sa kaligtasan mo. Maraming gustong mawala ka dahil narin hindi nila gusto na may tagapagmana ang daddy mo. Pina ampon ka namin kay Adilaida na dati naming Kasambahay. Pinalayo namin siya at pinatira dito sa pilipinas. Lumaki ka ng sinubaybayan ka namin. Ng namatay si adilaida Patuloy ka parin namin sinusundan. Nag aral ka sa Unibersidad na pagmamay ari ng tatay ni Alexander." Nagulat naman ako. Nag aaral sa University nila? Kaya ba ganun nalang ang laking gulat nila na makita ako? "Habang nag aaral ka doon anak. Nalaman nalang namin na nililigawan ka ni Alexander. Hindi narin kami nabigla nung naging kayo. Pero hindi nagtagal anak nalaman namin na aksidente ka at dinala ka sa hospital. Noon paman gusto na namin magpakita sayo ng daddy mo pero ang sabi niya hayaan ka muna. Noong dinala ka sa hospital agad kaming pumunta doon anak para kunin ka. Pagkakuha namin sayo dinala ka agad namin sa South Korea at doon ka Inoperahan. Hindi na kami nakapag paalam sa Pamilya nila alexander dahil 48hours na ang naiwan sayo. Masyadong Delikado ang buhay mo noon anak kaya pinermahan agad namin ang dapat pinermahan ka. Bahala nang mawala ang alala mo mabuhay ka lang." Hindi ako makatingin kila mommy ganun pala ang nangyari sa akin. Tumutulo na ang mga luha ko pero hinayaan ko nalang.
"Mom. Bakit hindi niyo man lang nabanggit sa akin ang tungkol kay alexander?" Tanong ko. Bumuntong hininga ito.
"Si Alexander At Si kim ay ikakasal sila anak pero hindi na naituloy." Kim? Yun ba yung babae na nakita ko kanina ng sinasabi niyang buntis siya at si Alexander ang ama?
"Kung iniisip mo anak kung sino si Kim Ito siya." Nilabas ni mommy cellphone niya at pinakita sa akin ang Ang picture ni kim. Nagulat ako. Siya nga. Bigla naman ako nakaramdam ng sakit at lungkot sa puso ko. Sakit dahil nagawa ang ganitong bagay ni alexander na lokohin ako. Lungkot dahil nabuntis niya si Kim. Pinahid ko ang mga luha ko.
"Mom. Gusto ko po sanang bumalik sa south korea.." Nagtaka naman ito.
"Bakit naman anak? Ayaw mo na ba dito?" Umiling ako. Hindi dahil sa ayaw ko na dito.
"Gusto ko po munang magpapakalayo sa kanya. Gusto ko po munang makapag isip. At doon ko gagawin yun dahil doon hindi ko siya makikita mom."
"Pero alam mong masusundan ka niya." Natahimik naman ako. Oo nga masusundan niya ako pero hindi niya naman ako masusundan kung walang magsasabi hindi ba?
"My princess. Mahirap takasan ang nararamdaman mo ngayon. Kahit saan saan ka pumunta hindi yan maayos kung hindi niyo pag uusapan."
"Mom. Buo napo ang desisyon ko. Isasama ko po si Gabriel. Please mom Pumayag na po kayo." Sabi ko habang hinahawakan ang kamay nito.
"Okey anak. Sige pero wag ka sanang tumagal doon ha. Magligpit ka na ng gamit mo at para makaalis na kayo mamaya. Gamitin niyo nalang ang Private Plane natin okey." Nakaramdam naman ako ng saya kaya niyakap ko ito.
"Thank you mom." Sabi ko. Tumayo ako at dumeretso agad sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si gabriel.
"Gabriel? Pack your things. Uuwi tayo ng South Korea."
"Ha bakit naman? Hindi pa ako nag eenjoy dito eh."
"Sige na please. Pero kung ayaw mo okey lang naman ako nalang." Pinatampo ko pa ang boses ko at binaba ang telepono. Nagligpit na ako ng gamit at nilagay sa Maleta. Ng matapos na ako nagbihis na ako at bumaba na kasama ang gamit ko. Dumeretso ako sa sala at laking gulat ko ng nandoo si Gabriel.
"Oh akala ko ba hindi ka sasama?" Ngumiti ito at lumapit sa akin.
"Wala akong sinabing ganun Love. Halika kana." Kinuha niya ang maleta ko at lumabas na. Lumapit ako kila mom at dad at niyakap sila isa isa.
"Bye mom. Dad. Mag iingat po kayo rito. Babalik din ako ka agad pagtapos ng taon na ito." Sabi ko.
"Sana anak hindi ka magsisi sa ginawa mo." Sabi ni dad.
"Dad. Please Understand me." Sabi ko.
"I know Princess. Naiintindihan kita. Magiingat ka doon okey." Tumango ako at nag paalam na sa kanila. Sumakay ka agad ako ng kotse. Siguro ay tama ang desisyon ko na lumayo muna. Sana rin ay makalimutan na kita Alexander.
Nakarating na kami dito sa airport at binaba na ang mga gamit namin ni Gabriel. Pumasok na kami pero huminto ka agad ako. Tumingin ako sa labas at ngumiti. Mahal na mahal kita Alexander. Pumasok ka agad ako sa Private Plane namin at umupo na ako. Sana ay tama talaga ang desisyon kong ito.
ALEXANDER POV (POINT OF VIEW)
"Tita please sabihin niyo na po sa akin kung nasaan si Lovelyn please I need to talk her." Lumuluhod na ako sa harapan nito at hindi parin nila sinasabi kung saan si Lovelyn. Damn!
"Babe!please lumabas ka diya! Please kausapin mo ako!" Sigaw ko. Gusto kong pumasok pero hinaharangan ako ng mga guards nila.
"Wala na siya dito iho." Napatingin ako sa daddy ni Lovelyn. What he does mean?
"Ano pong sabi? Ano pong ibig niyong sabihin.?"
"Wala na siya rito. At alam namin hindi mo na siya maabutan." Nagulat ako sa sinabi nito. At hindi ko na siya maaabutan?
"Saan po siya pumunta? Please parang awa niyo na sabihin niyo na sa akin!" Pagmamakaawa ko.
"Uuwi na sila ni Gabriel ngayon sa south korea.." Sila ni Gabriel? Sila pang dalawa? South korea? The hell! No way!! Dali dali kong umalis at sumakay sa kotse. Pinaalis ko agad ito. Damn! No! Maabutan ko pa siya! Maabutan ko pa siya! Napatingin ako sa traffic light at red light ito damn! Busina ako ng busina. At hindi parin talaga. Ng mag green na ito ay pinabilis kong pinatakbo ito. Pero laking gulat ko ng may Sumalubong sa akin ng malaking Sasakyan.
*pepppppp peeppppp peepppp*
*BOOOGGSSHHHHHH*
Huli ng niliko ko ito at nabunggo ako. Napabitaw ako manibela at naramdaman ko ang ulo ko na tumatalbog sa loob ng sasakyan ko. NAPAPIKIT ako ng maramdaman ko ang sakit ng buonf katawa ko. No. I need to see her.and everything went black..
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
OH MY GULAYYYYYYYY NO WAYYYY!!! ANO DIBA? HINDI KONTRABIDA ANG MAMATAY KUNDI BIDA.😭😭😭Guys PLEASE SUPPORT FOR ME SA BAGONG LARO NG WATTINS. SINALI KO NA ANG STORY KO ANG SEASON 1 at SEASON 2 SANA AY SUPORTAHAN NIYO AKO. I WANT YOUR DEEPLY SUPPORT GUYS. HINDI KO MAKAKALIMUTAN YUN. SALAMAT MAHAL KO KAYO.❤❤❤

BINABASA MO ANG
SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETE
General FictionWhat will you choose? Law Or Love. What if The love has a Law. Pipiliin mo bang sumugal para sa kanya? O Mas pipiliin mong Masaktan para lang hindi siya masaktan? Do you already Fall in love with someone? Na kahit anong hirap ang dinanas mo makit...