Chapter 1

3 1 1
                                    

I opened my eyes when the rays of the sun hit my face. I know it's cliche to start my story like this pero tangina kakatulog ko lang ata, nagising na agad ako. Akala ko black out tong kurtina ng hotel room ko, hindi pala. So pano na ko makakatulog ulit nito?

I opened my phone and posted on my ig. I am a photographer who travels often and ngayon lang ako nakauwi ulit sa Pilipinas matapos ang pitong buwang pag gala ko sa ibat ibang mga bansa.

soulstagram
You filled the void in me
Good morning, Philippines! It's good to be back to my home country. I missed you

After posting, binuksan ko messenger ko at punong puno ng messages yung group chat namin ng mga barkada ko

Bulakbois
Jake: Hoy Lance! Bumalik ka na pala di mo man lang sinabi sa amin?!

Mark: OO NGA! KINALIMUTAN MO NA BA KAMI?

Brent: 👎

Natawa ako sa mga chat nila kaya nireplyan ko agad

Lance: Napakaclingy naman. Kakarating ko lang kaninang madaling araw. Sana hayaan nyo akong magpahinga? 😩

Brent: Hindi Lance. Kinalimutan mo na talaga kami

Jake: Labas tayo mamaya!

Chris: G! Welcome back, Lance!

Lance: G. Pero pwede bang 5PM na? Matutulog muna ako, sobrang pagod at may jetlag pa

Jake: Sure! 4PM tatapusin ko na trabaho ko

Mark: Ako din 4PM ako uuwi

Jake: See you!

Pinatay ko na cellphone ko at sinara yung blinds. Double naman pala tong kurtina, hindi ko lang nasara pagdating ko kaninang madaling araw. Nakatulog din ako agad sa sobrang pagod at antok. Pagkagising ko, agad akong naligo at inayos na yung mga gamit ko. Dun na ako matutulog sa condo ko mamayang gabi

Lima kami sa barkada, si Chris yung tumatayong kuya namin, siya din naman yung pinakamatanda. Isa siyang sikat na singer-composer sa bansa kaya medyo busy din siya. Sumunod ako at si Brent. Kambal kami pero hindi magkamukha, magkaiba din mga hilig namin. Ako yung seryoso at siya yung kwela. Si Brent ay isang doctor. Si Mark naman, pinsan namin ni Brent na isang Engineer. Yung bunso namin, si Jake. Mas bata siya sa amin ng isang taon pero accelerated kaya magkabatch kami, tambay sa bahay pero kumikita sa mga raket nya online. Siya nga ata ang may pinakamalaking kita sa amin

Pagkarating ko ng condo, agad kong inayos ang mga gamit ko at nagbihis na. Binuksan ko yung gc namin at minessage sila

Lance: Yow! San tayo mamaya?

Lumipas ang 30 minuto pero di pa sila nagrereply nang may narinig akong katok sa unit ko. Wala naman akong inaasahang bisita kaya nagulat ako nang buksan ko yung pinto.
Bumungad sa akin yung mga ngiti ng apat kong mga kaibigan na may dala dalang supot.

"Hi Lance! Long time no see at long time no bulabog sa unit mo!" tinawanan ako ni Mark at pumasok sa loob ng unit.

Tinapik ako ni Brent sa braso at pumasok na din siya. Nahuling pumasok si Chris at ngumiti sa akin at dali dali ding pumasok sa unit. Naiwan akong nakatunganga sa pintuan. Aba gago gandang bungad, may mga bisita na agad ako. Pero di na ako magrereklamo. Namiss ko din tong mga 'to.

Nilapag nila ang mga dala nilang pagkain sa taas ng lamesa ko sa may kusina. May mga pizza, chicken, chichirya at beer. Pinuntahan ko sila sa sala at busy sila sa kanya kanyang mga gadget

Kinuha ko yung mga pagkain at nilipat malapit sa kanila para makakain na kami dahil gutom na gutom na ako. Naglaro din kami sa game console ko hanggang sa napagdesisyunan na nilang umuwi.

Kinabukasan, lumabas ako para mag grocery dahil walang laman ang condo ko. Umuwi ako dito sa bansa dahil may business proposal ang tatay ko sa akin. Siguro matagal tagal din bago ako makakapunta sa ibang bansa ulit. Pagkatapos kong mag grocery, dumiretso na ako sa office ng tatay ko na nasa loob ng isang malaking commercial building. Madaming businesses sa loob nito. May restaurant, call center, salons, offices, banks at iba pa.

Pumasok ako sa elevator dahil sa 5th floor yung office nina Dad.

"Tita, can we buy the new collection of McDo Happy Meal? I want to collect all three po." sabi nung bata na kasabay ko sa elevator

"Sure, Hero. Mamaya pag uwi natin bibili tayo kapag behave ka sa work ni tita. Pero isa lang muna ha, bukas na naman yung isa tas sa susunod na araw yung last. Now, you decide what you want to get first." sagot naman nung babaeng kausap nung bata. Nabaling yung tingin ko sa babae. She's wearing a fitted jeans and white polo shirt. Nakita kong nakasuot siya ng ID na may pangalan ng business ni Dad. May mga dala siyang mga bag at muntik na siyang matumba pagkatayo niya kaya agad ko siyang hinawakan

"Careful. Sa Migg's Foods ka po ba nagtatrabaho? Tulungan na kita, dun din ang punta ko." tiningnan ako nung babae at tatanggi na sana siya sa tulong ko pero nakuha ko na yung mga bag at dumiretso na sa office ng tatay ko. Nakita ko si Kuya Guard na ngumiti sa akin

"Sir Lance, long time no see." bati sa akin ni kuya.

"Oh kuya. Parang lumaki ka ata ah. Masarap ba magluto si misis?" tinukso ko si Kuya Guard. Nagpakasal siya bago ako umalis 7 months ago. Siguro inaalagaan sya ng maayos ng asawa niya.

Binuksan niya ang pintuan at nilapag ko yung mga bag sa front desk. Lumapit sa akin yung babaeng tinulungan ko at nagpasalamat

"Ah, thank you po-" pinutol ko kaagad ang sinasabi niya

"I'm Lance. Call me Lance" pagpapakilala ko

"Lance po? Sir Lance? Anak po ni Sir Marco?" nagtatakang tanong niya

"Yes, the one and only" tumawa ako dahil parang kinabahan siya nung nalaman niyang anak ako ng boss niya

"Ah pasensya ka na po kanina at salamat po." nahihiyang sambit niya

"Nako wag ka na mag po at Lance na lang. Your name?"

"Kristel po. Kristel Huelar, secretary po ni Sir Marco."

Oh so she's dad's secretary... I find her pretty

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon