Chapter 3

91 5 0
                                    

Naughty






"May... kukunin lang din ako," Nakangiti kong bawi dahil nagtagal ang tingin niya sa akin.

Wag mo akong titigan, babe. Baka manghina ako at lumuhod ako sa harap mo.

"What's the matter?" Aniya dahil naghahanap ako ng libro dito na tungkol kay Guillermo Tolentino.

Dito kasi siya sa section ng Arts nagpunta dahil isa sa major niya itong Arts. Tatlo kasi ang major niya. Arts, Mathematics, at History.

"I'm looking for Guillermo," casual kong tugon at napatingin sa hawak niya at iyon ang librong hinahanap ko.

"Here,"

"It's okay, I can look for other piece,"

May demonyong nagtutulak sa akin na halikan siya pero hindi ko gagawin, baka mawalan pa siya ng lisensya pag may nagreport na inggit.

Wag mo akong subukin, demonyo ka. Baka gawin ko yan.

"I'll get going now," aniya at nanghinayang naman ako.

Hinanap ko si Selina dahil may klase na kami. Natapos ang araw ng ganon at may individual thesis kami na ipapass sa isang araw.

Paguwi pa lang ay busy na si Selina sa paggawa doon sa sakanya pero ako ay chill lang. On the spot ako magtrabaho kaya sa isang araw ko na lang din gagawin.

"Pag ikaw walang napasa," Aniya kinagabihan dahil tamang hithit lang ako ng natitirang mj at inubos iyon.

"Magtiwala ka sa akin, be,"

Yan ang lagi kong sagot at wala naman siyang nagagawa alangan namang ipaggawa niya ako, hindi naman tama iyon.

Three days na kaming pass sa hide out kaya medyo nababagot na ako. Ubos na rin ang mj ko.

Ayaw ko kasi ng sigarilyo dahil ayoko pang mamatay.

Buti na lang mapula ang labi ko kahit anong hithitin ko.

Etong makapal na labi na 'to ang nagustuhan ni Arman sa akin kaya panay ang halik niya noong kami pa ng isang linggo.

Naisip ko bigla ang labi ni Adam na laging diretso lang at hindi man lang ngumingiti. Iyon lang ang mukhang malambot sa pagkatao niya, e.

Pinanood ko ang buhok sa dingding nang wisikan ko iyon ng tubig. Umaga na naman at papasok na naman kami.

Sama nga ako mamaya kila Ross sa Friendship tutal mag-aaral na naman itong si Selina buong gabi.

20 na ako kaya pwedeng pwede na ako doon. Bawal kasi ang minor doon lalo na pag gabi.

Nakita ko lang si Adam ngayon sa malayo at sumama nga ako kila Ross. Tamang road trip lang kami hanggang magalang tapos sa mabalacat.

"Whoo!" Sigaw ko dahil back ride niya ako.

Hawak ko pa ang milk tea na binili namin sa Coffee & Tea kanina. Ang sarap talaga ng okinawa doon.

"Kain muna tayo, Plom!" Sigaw ni Ross nang tumigil kami sa Jollibee dito sa Magalang.

Tatlong motor lang kasi ang gamit, si Plom ang nagddrive sa isa at angkas niya si Nouva. Sa isa naman ay si Alia at angkas niya si Daya.

Gabi na at may nakita pa kaming uniform ng mga taga-MCESI dito. High school palang ata sila.

"Jacob!" Tawag ni Nouva at nakipag apir.

"Pinsan ko," Aniya at ngumisi. Magkamukha sila kahit babae si Nouva.

Nagorder lang ako ng two piece chicken at one rice at pagkatapos ay umuwi na kami.

Match Made in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon