"Alexa"
"Nathan ikaw pala"
Tumigil ako sa pag lalakad at hinarap ang kababata kong si Nathan.
"Kamusta kana?"
"Ayos lang ako"
"Pauwi kana ba?"
I nodded."Tara hatid na kita pauwi na rin ako e"
Sumakay ako sa motor niya na halatang bagong bili pa lamang palibhasa ay nag iisang anak kung kaya't sunod sa luho ng mga magulang niya.
Bata pa lamang ako ay magkaibigan na kami ni Nathaniel o Nathan ay malapit na kami sa isat isa kaya nuong nasa high school kami at kolehiyo ay palagi kaming magkasama, minsan pa nga ay napapagkamalan pa kaming magkasintahan. Gwapo si Nathan lapitin ng mga babae, halos kaliwa't kana'n ang babae niya hindi siya nauubos ni halos dumaraan nga lang sa palad niya ang mga nagiging kasintahan niya, sa sobrang dami nga ng nagkakagusto sa kanya ay hindi niya na napansin na may pagtingin na ako sa kanya, habang tumatagal at dumaraan ang mga araw ay mas lalo ko siyang nagugustuhan at mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya at hanggang ngayon ay meron parin. Nanatili parin akong nagmamahal sa kanya ng palihim kahit na alam ko naman na malabo na magkagusto siya sa akin si Nathan at tanggap ko ja hanggang kaibigan lang kami.
Pinuluput ko ang dalawa kong kamay sa bewang niya ng oinaharurot niya ang takbo, sumadal ako sa likuran niya. Pinikit ko ang mga mata ko at nilanghap ang naghahalong ampy ng pawis at pabango niya, kahit na medyo may amoy ay ayos lang mabango prin siya kaya nga inuulit ulit ko.
"Alexa nandito na tayo sa apartment mo"
Kahit na gusto ko pang sumandal sa likod niya at amoy amoyin siya ay napipilitan akong bumaba dahil heto na nga nasa aprtment ko na kami, hays kainis naman oh bakit ba kasi ang lapit lapit ng apartment ko sa office.
"Salamat"
"Alway's welcome"
Ngumite ako at tumalikod na
" Alexa wait"
"Ano yun"
"Uhmm"
"Hmmm"
"Pwede ba kitang-"
"Kitang-?"
"Pwede ba kitang ligawan?"
I laughed.
"Yan ka nanaman umuwi kana nga"
Sanay na ako sa mga biro niya, minsan pa nga ay akala ko totoong gusto niya ako yun pala ay ginogood time niya lang pala ako.
"I'm serious "
"Ako den kaya umuwi kana"
I said at tinalikuran ko siya, i opened the door and when i face the door to lock ay naroon si Nathan at nakahawak aa doorknob.
"Ang kulit mo, ano bang sabi ko sayo, dba sabi ko umuwi kana"
"Nauuhaw ako, painom"