Shit! Slow motion!

63 2 0
                                    


Shem Keziah Point of View

"Jan Kemuel" tipid niyang pagpapakilala.

Sinabi niya samin kung saan ang daan papunta sa kanila. Hindi siya masyadong nagsasalita. Halata ngang nahihiya siya eh kaya winiwili ko nalang at dinadaan ko sa kwento. Ito namang Kuya ko tahimik at alam ko naman tinatakbo ng isip nito eh. Hindi naman masama magmagandang loob diba? Malakas ang ulan kaya natural lang na magmagandang loob sa isang taong stranded sa daan.

"Maraming salamat po"

Sabi ni Kemuel nung tumapat na kami sa bahay nila. Sinasauli pa nga niya yung jacket ko na pinagamit ko sa kanya eh. Sabi ko gamitin niya muna at baka magkasakit siya. Matapos iyon ay tinahak na namin ang daan pauwe naman sa bahay namin.

"Sinasabi ko sayo Shem Keziah! Bawal!"

"Hay naku Kuya! Nagmalasakit lang ako eh. Ikaw talaga. Kain na nga tayo" sagot ko sa kanya at hinila ko na siya sa dining table namin. Tinanong ni Kuya ang mga nangyari sa first day of school ko. Kinuwento ko sa kanya na puro classcard lang at nabanggit ko na nakilala ko si Maica. Niloko ko pa nga si Kuya na crush siya ni Maica eh. Katulad ng nakagawain ko ay umuupo ako sa tabing pool namin matapos kumain. Kinuwento ko rin sa mga kaibiagan ko ang nangyari sakin ngayong first day of school. Ganu din sila. Kabado nga rin daw sila eh. Napansin kong may friend request ako.

Mico De Leon

Hindi ko muna inaccept iyon hanggang sa nakita ko ang pangalan niya sa message request ko.

Hi! Si Mico to. Yung kausap mo kanina sa second floor

Naalala ko na. Siya yung kumausap sakin kanina nung naglalakad kami pababa ni Maica. Inaccept ko iyong message niya at nireplyan ko siya. Nagkamustahan kami at konting kwentuhan.

Mico De Leon added you to the group Chickboys

Hala! Baket andito ak?

Takang tanong ko sa group. Walang pang sumasagot sa chat ko dahil puro kalokohan ang nababasa kong pinag-uusapan nila.

Ay! Sori Shem. Na-add kita. Nagkamali ako ng pindot

Nabasa kong sagot ni Mico sa message ko. Hindi ko na sinagot yun at mabilis kong pinindot ang leave group. Hindi naman sa pagsusuplada pero hindi naman talaga dapat ako ang nandun eh. NagPm sakin si Mico at humingi ng pasensya. Sinabi kong okay lang yun nagulat lang talaga ako. Nagkulay pula uli ang friend request ko.

Jan Kemuel Dela Cruz

Hindi ko muna inaccept iyon. Syempre stalk muna.

Tama! Siya yung kasabay namin ni Kuya kanina pauwe. Tiningnan ko ang mga pictures niya at mga post niya. Kalimitan shared post. Inaccept ko yung friend request niya at nag-refresh ang timeline niya.

Shit! Slow motion!

Pinusuan ko iyon at binasa ko ang mga comments.

Bihira yan pre – Mico De Leon

Arte mo! – Josh

Pakilala mo kami – Dexter

Hindi ko na binasa iyong iba. Ang dami kasi eh. Saka hindi ko naman sila kilala. NagPm ulit sakin si Mico. Kwento lang ng kwento. Nakipagkaibigan din siya sakin. Kinukwento niya nga yung mga kaklase at kaibigan niya. Nagulat daw sila talaga kanina nung bigla akong pumasok sa room nila, Akala daw nila ay ako na yung prof nila kaya biglang tumahimik ang lahat.

Kaya pala natulala ka sakin

Pabirong sabi ko sa kanya. Nabigla lang daw talaga siya at sinabi niyang hindi daw siya makapaniwala sa nasa harapan niya. Asus! Ako pa binola ng mokong na iyon.

Oh pano? Bukas nalang ulit Mico. Nilalamig na ako dito eh saka matutulog na rin ako.

Paalam ko sa kanya.

Bakit nasaan ka ba?

Nandito sa tabi ng pool. Paakyat na ako sa kwarto ko.

Hindi ko na siya nireplyan pa sa mga sinabi niya. Hindi nga siya makapaniwala na may swimming pool kami. Kakaiba ba yun? Sinabi din niya na aabangan niya ako bukas ng umaga sa second floor. Nakakawili rin pala ang college. Hindi ko nga ineexpect na ganito ako kabilis magkakaroon ng kaibigan eh.

"Kuya magpapahatid at sundo nalang ako kay Kuya Ron" paalam ko kay Kuya habang nakain kami ng almusal. Bago siya tuluyang pumayag ay napakarami niya munang ibinilin sakin at takenote ah kinausap niya pa si Kuya Ron at sinabing huwag papaya sa mga kalokohang maiisip ko. Nauna ng pumasok si Kuya. Mas maaga kasi ang klase niya kapag Tuesday. Ako kasi 9am pa.

Matapos namin kumain ay nag-ayos na ako. Civilian ulit. Sa Thursday pa kasi kami required magsuot ng uniform. Pagkalabas ko at tumingin ako sa itaas, Medyo masama ang panahon. Katulad ng sinabi ni Kuya ay nagbaon ako ng extrang damit ko kung sakali man mabasa ako ng ulan. Hinatid na ako ni Kuya Ron. Tinanong pa nga kung anong oras ang tapos ng klase ko eh. Sinabi ko naman ang totoo. Sinabi ko rin na tatawagan ko siya kapag papalabas na ako ng school.

"Salamat Kuya Ron"

Sinalubong ako ni Maica. Kanina pa pala siya nag-aantay sakin malapit dito sa chapel. Sabay na kaming umakyat papunta sa room namin. Puro kwento nga si Maica eh. Nag-inuman daw sila kagabi at nakatulog daw siya sa banyo nila. Paggising daw niya madaling araw na. Tawa pa rin ako ng tawa sa bawat sinasabe niya. Nauuna pa nga ang tawa ko bago ang kwento niya eh.

"Goodmorning Shem!"

"Ay! Oyy goodmorning!"

Bati sakin ni Mico na nakatayo sa harapan ng room nila, May mga kasama siyang mga kaibigan niya. Napatingin ako sa lalakeng nasa gawing kanan niya. Tama siya si Kemuel. Nginitian ko siya at umiwas naman siya ng tingin sakin. Baka nahihiya pa rin siya. Nagdiretso na kami ni Maica sa room at nagsimula nanaman kaming magfill up ng mga classcard.

Tatlo lang ang subject namin tuwing Tuesday at Thursday. Kapag Friday naman ay isa lang, NSTP. Naglilinis daw kapag NSTP. Kailangan ko na yatang magpaturo ke Yaya kung paano ang tamang paglilinis. Baka dahil pa sa subject na iyon ay bumaba ang grades ko at hindi ako makapasok sa deanslist. Mababalewala ang deal namin ni Kuya.

"Tara na Shem. Kain muna tayo. Mamaya pang 1pm ang next subject natin eh" yaya sakin ni Maica.

Bumaba na ulit kami papuntang cafeteria. May isa't kalahating oras pa kasi kaming vacant. Umorder ako ng pagkain at ganun din si Maica. Pinag-uusapan namin ang mga magiging subject namin.

"Oy! Shem! Pa-table naman. Wala na kasing available eh"

Kahit naman humindi kami ni Maica ay wala na kaming magagawa dahil inilapag na nila Mico ang dala nilang pagkain kasama ang mga kaibigan nito.



Author: Comment and likes po :)

Salamat po :) 

My No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon