06

329 17 0
                                    

Pabalik balik ako mula sa closet ko, papunta sa harap ng salamin, namimili ng isusuot para sa 'date' namin ni Raziel mamayang gabi. Hindi ko alam kung magd-dress ba ako o magp-pants at top na lamang? Kung pantsuit naman baka masyadong pormal, date iyon at hindi meeting with a client.

Umupo ako sa gilid ng kama kong napapaligiran ng iba't ibang options. I dialled Jenna, my friend, to ask for her opinion.

"Haven't heard of you since you got that role ha! Tampo ako!" She pouts her lips, but she giggled.

"Busy lang. I miss you, cupcake!"

"I miss you back, graham!" Both of us giggled, iyon kasi ang favorite naming desserts.

"I have a date tonight" I said casually, her eyes widened and if she's here with me baka inalog alog na niya ako habang kinukulit sa'kin kung sinong lalaki ang nakapagpapayag sa'king makipagdate.

"Omg sino? Nakakatampo ka na talaga!" Nakita ko ang paghalukipkip niya sa harap ng screen.

"Sorry na! Kapag dumalaw ka dito magsasawa ka sa mga kwento ko. But first you need to help me out! I don't know what to wear" I showed her the mess on my bed, tumawa siya ulit habang pinagmamasdan ang mga pinagpipilian kong damit na nasa kama.

"Ano ba yang date na yan? Formal or casual lang?" I answered casual, wala naman kasing binanggit si Raziel kung formal ba ang date na 'to. Wala din naman siyang sinabi na kelangan ko mag dress o ano, kaya inassume ko na lang na casual date lang 'to.

"Okay, let's go for that royal blue off shoulder jumpsuit. It can be a casual or formal date outfit, safe ka na dyan. First date ba?" Tumango ako. Inangat ko ang tinuro niyang damit at itinapat iyon sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

"Thanks, Jen! Okay na 'to"

"Hmp! You owe me chika ah!" Nakahalukipkip niyang sabi, naka pout pa ang kanyang labi.

"Oo na, pag nag sleep over ka dito or napasyal ka magkkwento ako"

"Sleep over na lang! Day off ko by saturday next week, friday andiyan ako and saturday kung free ka pwede tayo mag shopping!"

I mentally checked my schedule, and if I remember it correctly libre ako sa susunod na sabado

"Okay! Let's do that, cupcake! Sige na, alam ko namang nasagot mo lang tawag ko kasi on break ka. Eat your lunch okay! I love you, ingat!"

"I love you back, ingat sa date!" I waved my hand before pressing the end button.

Its time for me to get ready!

Alam kong maaga pa masyado para mag ready pero mas okay na rin na makapag handa ako ng mas maaga kaysa maghabol ako ng oras mamaya.

I filled the tub with my favorite bubble bath liquid, hinintay kong mapuno ng bula ang tub bago ako sumampa doon. Nag basa muna ako ng libro habang nakababad sa tub.

Nag banlaw ako pagkatapos ng halos isang oras na pagbababad saka nag skin care. Blinower ko ang aking buhok bago ako bumalik sa kwarto para mag bihis.

Nag apply rin ako ng kaunting make up para mukhang presentable, hinayaan ko na lang na nakalaylay ang aking hair. Nag spray ako ng pabango sa suklay bago ko ito ginamit sa buhok ko, that's a trick.

Nag spray ulit ako ng pabango habang umiikot sa harap ng salamin.

Patapos na ako nang tumunog ang cellphone ko, si Raziel nag text!

Raziel:
Good afternoon, Harriette. I'm on my way now. You ready?

Harriette:
Yes. Drive safely!

Even When It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon