Intro (Third)

151 33 55
                                    

Chapter 03


'Yung feeling na gusto mong manakal at magtaray na lang, 'yun mismo ang nararamdaman ko ngayon.

Nakakainis! Ang ayos-ayos ng tanong ko bigla akong babanatan ng tawa ng gunggong na lalaking 'to.

Inis ko siyang inirapan saka muling naupo sa kama ko. Nakita ko siyang naglakad palapit sa 'kin.

"'Wag kang lalapit!" sigaw ko habang nakataas ang mga kamay ko.

"Bakit ba? Wala naman akong gagawin sa'yo ah?" nakakunot ang noong tanong niya saka siya bilang ngumisi, "Oh baka naman ikaw ang may iniisip na gagawin natin, hmm?"

"Tch!"

"Oh bakit hindi ba?"

"Hindi talaga!" nakangisi kong iniwas ang tingin sa kan'ya.

"Kuh kunwari ka pa! Baka nga pinagnanasaan mo na ako eh..."

Napaamang ako sa gulat. Hindi ako makapaniwalang umiling saka mapaklang tumawa.

"Wow, lakas din ng hangin sa utak mo ha! Taas ng confident. Hindi ko ma-reach." nakangiwi at sarkastikong tugon ko sa kan'ya.

"Psh! Pakipot..." bulong n'ya.

"Alam mo ang salitang yuck?!" nandidiri pa kunwaring sabi ko.

Kumunot ang noo niya, "Oo naman bakit mo natanong?"

"Moron! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin." umirap ako dahil sa iritasyon.

"Ha?" nagtataka talagang sabi niya.

My goodness! Anak mayaman ba siya?! Mukhang walang alam sa mundo eh?

Masisiraan ata ako ng bait sa isang 'to. Kung siya ang magiging fiance ko malabong magkaintindihan kami.

Parang napakainosente niya sa mundo. Daig pa si tarzan.

"Ashhh! Wag na nga! Ang gulo mong kausap!"

Napaawang ang bibig niya, "Hindi ba ikaw ang magulo kausap?" tanong pa niya habang nakaturo sa akin.

Mahina kong natampal ang noo ko dahil sa matinding frustration. Wala siyang kwentang kausap!

Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili at para hindi ko siya masaktan anuman sandali dahil sa sobrang inis ko.

Hindi ko malaman kung tanga talaga siya o nagtatanga-tangahan lang pero kahit ano sa dalawa, hindi maaalis na nakakainis siya.

"Pwede kang umupo kung gusto mo." alok ko dahil parang ako ang napapagod sa kan'ya. Kanina pa kasi siya nakatayo.

"Sa kama mo?" napapalunok pang aniya habang nakaturo sa kama ko.

What the heck!

"May sinabi akong sa kama ka uupo?" mataray kong sambit.

Umiling siya, "Wala!"

"'Yun naman pala eh! Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan?!" naiiritang sabi ko pa.

Pinagkunutan n'ya ako ng noo, "Saan ako uupo?" luminga linga pa siya.

"Baka sa mesa!" inirapan ko siya. "Tch! Malamang sa upuan! Ayun oh!" tinuro ko ang isa sa mga upuan dito sa k'warto ko.

Be With You [Season 1] | On-GoingWhere stories live. Discover now